read.cash Log in
@abrilata

Bitaw na

**Gustong gusto mo ipaglaban yung nararamdaman mo para sakanya. Ngunit ang tanong makikipaglaban din kaya sya?** Ayaw na ayaw mong pakawalan sya, Ang tanong gusto ka ba nyang makasama? Mahirap kapag yung pinapangarap mo ay pinapangarap din ng iba, At yung pangarap mong kasama sya ay ang pangarap nyang makasama yung pinapangarap nya. Mahirap kapag gusto mong yakapin sya ng mahigpit at iparamdam sakanyang importante sya. Pero mas mahirap ang malaman na hindi ka importante sakanya. Masaya sya kapag kasama ka. Pero mas masaya sya kapag kasama yung iba Paano kanalamang ba magiging matapang sa nararamdaman mo? Kung siya mismo yung dahilan ng kahinaan mo. Susuko kanalamang ba? At hahayaan mo kung saan sya masaya? O ipaglalaban mo yung nararamdaman mo; Hanggang sa maging pareho ang nararamdaman nyong dalawa? Gagawin mo ba para sa kanya? O gagawin mo yung paniniwala mong magbago yung nararamdaman nya? Paano kung ayaw mo syang pakawalan? At masaya kang makita siya saiyong harapan. Pero sya naman tong nasasaktan. At pinagtitiisan kanalamang? Pagsisiksikan mo pa ba kung ano yung gusto mo? Papatunayan mo paba yung nararamdaman mo? Pagpipilitan mo pa ba yung siya ay makasama ? O bibitawan ang lahat para lang sakanya? 'Yan ang mahirap 'pag nagmamahal ka, Minsan hindi palaging pabor saiyo. Lalo't kailangan din nang pagsasakripisyo. Pero panghabang buhay kanalamang bang magbibigay at magbubulag bulagan? Papaano kanaman masusuklian ng parehong nararamdaman? Hanggang kailan ka maghihintay Kung yung hinihintay mo ay alam mong hindi na darating sayo? Aalis kaba? at lilimutin ang lahat? O paniniwalain mo nanaman ang sarili mo'ng may pagbabago? Kapag alam mong imposible na Kapag alam mong ayaw nya talaga kapag alam mong wala na at kapag sinabi niyang itigil mo na, huminga ka ng malalim sabay bitaw na. .. 2am. hindi basehan ng pagiging matapang ang kakayahan na ipaglaban ang nararamdaman mo dahil hindi lahat ng kaya mong ipaglaban ay gusto na ipaglaban sya. kaya't ang tunay na basehan ng pagmamahal at pagiging matapang,ay ang kakayahan ng pagtanggap at pagpapalaya

2 comments

Log in to join in Reading is open to everyone. Replying needs an account.