read.cash Log in
@abrilata edited

Lindol

namumungay na ang aking mga mata dahil sa antok--sa mahabang oras ng pagbabasa naramdaman ko ang marahang paggalaw ng aking lamesa sa isip-isip ko'y nasagi lang ng aking paa. Hanggang sa nagpatuloy ang pag-uga kasabay ng malakas na pagyanig ng lulupa kulang kulang isang minuto na ramdam ang lindol alerto dahil marahil mayroon pa'ng pahabol. Ang tahimik na gabi ay nabalot ng takot at kaba ngunit uunahin ang kaligtasan ng pamilya. ang mga nahihimbing kong kapatid ay ginising ng aking ama at sinabing "bumaba muna". Ramdam rin ng mga alagang aso ang lakas ng lindol; dahil hindi sila mapakali't kahol ng kahol. Binuksan ang social media upang magbasa ng balita, at nalaman na ang lindol ay abot hanggang sa metro-manila. Umulan ng paala-ala mula sa mga kakilala mag-iingat ang lahat "manalangin sa Ama". Na sana'y ang paglindol ay walang iniwang malaking pinsala, na sana't sa paglindol walang buhay ang ginambala. Na sana ang Lahat ay ligtas at walang nasaktan o walang pininsalang kabuhayan ng ilan. Ang lindol ay hindi nahuhulaan kung kailan darating. kaya't manatili tayong may alam sa kung ano ang dapat na gawin. at bago ako tuluyang mahimbing panalangin ko sa Ama ay awa at kaligtasan para sa pamilya at sa bansang sinilangan 1am nakaramdam ng paglindol ang iba't ibang lugar sa bayan. mag-iingat po tayong lahat.

1 comment

Log in to join in Reading is open to everyone. Replying needs an account.