Pahinga Ipinikit ko ang aking mga mata, at nahimbing sa saliw ng banayad na musika, at ako ay napunta, sa dako kung saan nahihimlay ang mga ala-ala. Marahil ala-ala ng nakaraan, marahil ala-ala palang na nakaabang lugar kung saan nagiging malaya ang puso na umibig nang hindi nagkakasala. sa panaginip na iyon naramdaman ko ang pahinga. sa mga bisig mo mahal aking naala-ala ang iyong mga haplos at pag-ibig na ipinaramdam kasama ka sa tahanan na tayo lang ang nakakaalam. mundo kung saan walang oras na kailangang habulin mundo kung saan matatawag ko na ikaw ay saakin. ikaw ang pahinga at nais na hantungan ikaw ang sa dulo ang nais na mahagkan ikaw ang pahinga ikaw ang sandalan ang pangarap ang nais na makamtam sa pagmulat ng mga mata hindi batid kung naroon ka pa kaya't sa sandaling pahinga aalalahanin ko ang pakiramdam na kasama ka. `3am : Tahimik na ang lahat at puso nalamang ang maingay`
Log in to join in Reading is open to everyone. Replying needs an account.
No comments yet