Magandang umaga ng Sabado. Mukhang maaraw ang araw na ito hanggang hapon sana. Hindi nakapag almusal kaya diretso sa kapitbahay na bakery ng opisina. Pandesal kayo dyan. Sarap talaga ng tinapay pag mainit.

Joined 21 September 2022 · 301 posts
120 KT
0 KT received · 0 KT given
Magandang umaga ng Sabado. Mukhang maaraw ang araw na ito hanggang hapon sana. Hindi nakapag almusal kaya diretso sa kapitbahay na bakery ng opisina. Pandesal kayo dyan. Sarap talaga ng tinapay pag mainit.

Magandang gabi. Kutkutin habang nanonood ng movie. Walang pasok ang mga junakis bukas kaya humihirit na hindi muna matutulog. Maya daw konti. Prawn crackers kayo dyan.
Dumaan kami kay biyenan at dinaanan ang mga junakis. May luto siyang sapin sapin at syempre may patikiman. Pano kaya ako papayat nito laging may pagkain. Hehehe
Turkish delight Ito pala ang tawag dito, ngayon ko lang nalaman. Paborito ko ito ng kapanahunan ng elementary ko. Hehehe. Gellatin ang tawag namin noon. Nabibili lang ng pa isa isa. Nakakatuwa at meron pa pala ng ganito hanggang ngayon. Ang tagal ko ng hindi nakakakain nito.
Lunch time na. Presenting all time favorite ang fried chicken at natirang bacon kaninang almusal. Walang maisip na babaonin ng kiddos kaya ang fried chicken ang niluto. Mahirap din mag isip ng pambaon na ulam lalo na kung mapili ang mga kiddos sa pagkain. At kung anong ulam nila yon na rin ang baon ko para isang lutuan na. Happy lunch
Pag umuulan masarap talagang kumain. Merienda time na. Nagpunta sina manager sa bilihan ng mga kakanin. Napaibig sa spaghetti kaya napa order minsan lang naman at ng maiba rin ang kinakain na merienda. Kain po tayo.
Maulang umaga ng Biyernes. Yong papasok ka pa lang ng opisina basa na baba ng pantalon mo at sapatos. Eh lamig. Masarap na nmang humigop ng sabaw. Magandang umaga
Magandang gabi noise fam. Mukhang bumabalik na ang mga ingay dito. Kahit gusto ko pang tumambay kailangan ng matulog at pumapatak na ang mga mata ah cellphone pala. Bukas na lang ulit. Goodnight and sweetdreams to all.
Magandang tanghali noise fam. Katatapos lang kumain. Ang baon ko ngayon ay ginisang corned beef with patatas at pritong itlog. Hindi na napicturan at nagutom na. Hehehe. Kayò mga kaingay kumain naba?
Magandang umaga. Maaraw na umaga mga ka noise. Daan muna tayo sa bakery bago pumasok sa office. Pili na po kayo ng tinapay. Ang order ko ay pandesal.
Magandang hapon noise fam. Nagkayayaan na bumili ng merienda sa 7 eleven. Napa order ng hotdog sandwich. Kain po tayo minsan lang naman.
Magandang umaga noise fam. Lunes na ulit. Ang bilis ng panahon December na next week. Makulimlim na umaga. Umpisahan natin ang mga gawain ng may ngiti sa mga labi. Pampagoodvibes.
Kain po tayo ng dalandan. Habang naglalakad ng naguwian may nakita akong nagtitinda ng dalandan bigla akong natakam kaya bumili na ako. Buti na lang sulit ang pagkakabili ko at matamis ang nakain ko.
Magandang tanghali noise fam. Maulang Friday at dahil Friday ngayon its monggo day. May dala ng lulutuin yong isa naming kasama sa trabaho kaya walang nagawa si master chef...hehehe by request. Ang sarap humigop ng sabaw bagay sa panahon. Kain po tayo
Magandang gabi noise fam. Dahil papalapit na ang pasko may nakita na ulit na kiat kiat. Paborito ng bunso ko kaya nagrequest. Prutas naman kaya go lang. Kain po tayo.
Magandang umaga. Kain tayo ng suman na galing Infanta. Pasalubong sa amin, may kasama kaming kaopisina na pumunta ng Infanta para magpractise ng sayaw para sa Christmas presentation. Uso na ulit ang christmas party na face to face kaya balik na ulit sa practise practise ng mga presentation.
Goodnight noise fam. Umuulan na naman ng malakas, masarap na namang itulog ito. Nagpapaantok habang nagbabasang unread. Sweatdreams to all.
Magandang tanghali. Ang dami kong baon ngayon...hehehe salamat sa blessing. May baon na akong lumpiang shanghai biglang dumating ang kuya ko bago ako pumasok kumuha daw akong lagayan at bibigyan ako ng gulay pangbaon ko daw. Sakto naman sa ulam ko at prito lang kaya busog na busog na naman.
Maaraw na umaga noise fam. Sana hanggang hapon ganito ang panahon. On the way na papasok ng opisina. Bagong araw na naman ng pakikibaka.
Preparing baon by request. Pancake daw sabi ng junakis go lang para ma inspire silang pumasok. Lagyan na lang condensed milk para sa toppings.
Good morning good morning noise fam. Miyerkules na naman kailangang maaga bumangon para maaga din ang mga junakis sa pagpasok sa school. Panibagong araw na naman ng pasasalamat.
Merienda time. Dito tayo sa burger ng bayan. Napagkasunduan ng mga dabarkads dito sa opisina. Kain po tayo
Magandang umaga noise fam. Merienda time na. Biscuit ang peg natin ngayon. Yong Fita kay bunso yong overload kay panganay. Nakishare lang sa mga baon ng anak. Sa biscuit magkaiba rin sila ng gusto.
Malapit ng matapos ang arawng lunes. Kailangan nanating magpahinga para may lakas bukas. Maulang gabi kaya siguradong mahihimbing na naman ang tulog. Goodnight & sweetdreams
Magandang gabi noise fam. Dinner time. Siomai ang aming menu for today. Pasado sa mga bagets at sa amin ay ginisang petchay na may sardinas naman. Kain po tayo. Sa inyo po ano ang menu nyo ngayong hapunan?
Magandang umaga ng Lunes. Panibagong umpisa na naman ng isang linggo. Natuwa naman ako. Nakita kong bumulaklak na yong tanim kong rose pagkatapos ng ilang taon. Rose para sa inyo.
Ang niluto sa saging na saba. Tarannn minatamis na saging. Luto ni jowa. Pag ito ang luto kumakain din ang bunso ko. Kain po tayo.
Bakit ganun hindi pa ako tapos maglaba bigla na lang nawala ang tubig. As in walang natulo, sanay na kaming maliit ang tulo ng tubig pero hindi nawawalan. Anong oras kaya magkakaron hay tumambay na nga muna dito sa noise app.
May naligaw na mushroom(kabute) hindi naman pwede lutuin at iisa lang lugi sa gasul...hehehe tamang tingin lang.
May supply na naman na saging na saba galing kay mother. Tamang tama na pangmerienda. Ano kayang mailuto?