Magandang umaga. Sa wakas may kuryente na dito sa aming barangay. Ngayon lang ulit bumalik pagkatapos ng ilang araw na brownout epekto parin ng bagyong Paeng. Tuwang tuwa ang mga batuta. Ilang araw na kasi silang inip na inip naka iwas papano sa gadget.
@Zyryn in November 2022
Nagpakita ang haring araw ngayon. Sana hanggang mamaya. Magpprepare na ng bulaklak na dadalhin sa sementeryo. Ano kayang mabubuo kung design. Tingnan natin mamaya. Kayo po ba nakapagprepare na ng daldalhin?
Ito na ang aking Entry No. 1 na bulaklak para sa aking tatay. Pwede na ba yong inaayos ko mula sa bulaklak at mga nilagyan ng dahon dahon na nakuha sa paligid ng bahay.
Entry No. 2. Natagalan ang 2nd entry may part na mahina ang signal dito sa sementeryo. Ito ay para naman sa bayaw ko na kapatid ng asawa ko. Dito sa lugar namin mas marami ang pumupunta pag gabi sa ibang lugar kasi sa umaga lang ang dalaw.
Undas 2022 Syempre pag undas hindi mawawala ang kakanin. Presenteng sinukmani o biko. Luto yan ng aking biyenan request daw ng aking asawa. Ang sarap nga naman ng kakanin pag ganitong undas.
Carbonara ito naman ang bigay ng aking kuya kanina. Luto naman ng kanyang asawa. Ito na aming kinain bago pumunta ng sementeryo. Sa dami ng nagbibigay ngayon ng pagkain pwede ka ng di magluto. hehehe.
Malaysian mums. Bili ito ng misis ng aking kaofficemate. Natuwa akong picturan kahapon at isang bouquet ang gandang tingnan yon nga lang medyo pricey. Sila na lang daw ang mag dedesign para may touch of love.
Inabot na ng gutom kaya bumili ang aking jowa ng makakain. Ang request ko ay shawarma pagbalik ay ang dala ay inihaw na hotdog. Ang haba daw ng pila sa shawarmahan. Aayaw pa ba ako e libre. Hehehe
Hindi talaga pumayag hanggat hindi naka order ng shawarma. Bago kami umuwi bumili talaga ako kahit blockbuster ang pila. At syempre kahit matagal ang pila solve naman at nasunod ang pagkacrave sa shawarma.
Maaraw na umaga ng Wednesday. Yong feeling mo pagpasok ay parang Lunes kasi walang pasok kahapon. Maagang nagutom kaya napabili ng lumpiang gulay at 2 quail egg. Nalimutan ko kasi kumuha ng biscuits sa lagayan ng aking mga junakis. Kain po tayo.
Menu para sa tanghalian. Dahil ng brownout ng ilang araw. Napilitan ng iluto lahat ng stock na manok sa ref. Para magtagal syempre ay adobong manok. Pag nakailang beses ng menu para maiba naman piniprito ang sarap at parang namarinate.
Tuwing napunta kami ng sementeryo hindi ppwede na di bibili ng watusi o miki na pinirito. Sa inyo po anong tawag nito? Nagustuhan ng mga anak ko. Parang nakatikim lang ako tapos sila na rin ang nakaubos.
Sa dinami dami ng suggestion kung anong memeriendahin. At kung ano ano ang naiisip na foodtrip ang napagkasunduan ay pancit canton. Solve ang merienda. Kain po tayo.
May extension pa ng handaan ng undas. Dumaan kami sa bahay ng biyenan ko at may MC spagetti at hamburger. Order ng kapatid ni mister kahapon. Late ng nakauwi kahapon kaya hindi na nakain kaya busolve na naman.
Dessert time. Nagluto ako kahapon ng Mr. Gulaman. Ito ang entry ko sa pagkain para sa undas. Syempre mabenta sa batuta pero sa mga pamangkin ko...hehehe sa mga junakis ko hindi pasado.
Goodnight to all!!! Sweetdreams. Late night na naman kailangan ng magpahinga at may pasok pa sa trabaho bukas. Habang nagpapaantok browse browse muna ng mga unread post.
Magandang umaga ng huwebes. Ang bilis ng panahon Nov. 3 na agad. Maagang blessing. May deliver galing sa nanay ko. Saging na lakatan. Galing sa kanyang taniman. Ito ang masarap pag may sariling tanim hindi kana bibili.
Magandang tanghali noise fam. Katatapos lang kumain. Menu for todays video. Ginisang labanos with toppings na chicharon para may pacrunchy. Ang sarap ng labanos at kahaharvest lang kahapon ni mister. Busolve na naman ang tanghalian. Happy lunch
Merienda time. Mag uuwian na inabot pa ng gutom. Ang napagkasunduan na bilhin ay ang burger ng bayan. Syempre angels cheeze burger. Rapsa. Kain po tayo.
Walang maisip na babaunin bukas kaya daan muna sa tindahan ng frozen foods. Mini mini mine mo alin kaya ang pipiliin ko...hehehe. Ang bibilhin ko sana ay ang longganisa wala namang available na brandname na binibili ko kaya pork tapa ang napili ko.
Kararating lang namin ng bahay at inantay pa namin ang hipag ko lumabas sa kanyang work. Pagdating ng bahay. Ang bungad ng aking mister. Pasalubong daw niya. Ang gulay na pechay mula sa tanim niya. Huli na daw ito at nasira na ni bagyong paeng ang ibang tanim.
Dahil nakaharvest ng pechay ang aming ulam ay ginisang pechay na may sardinas. Kaya lang nong kakain na kami ayaw ng mga batuta ang ulam kaya isip pa ng ibang menu.
Dahil ayaw ng mga bagets ang ginisang petchay na may sardinas kailangang magluto ng ibang menu para makakain sila ng marami. Ang ulam nila ay siomai.
Prawn crackers. Kain po tayo ng kutkutin na prawn cracker habang nanonood ng movie sa Gtv ang title ay 'Rambo'. Bigla ko tuloy namiss ang aking tatay ito kasi ang mga gusto niyang movie.
Nabusy sa pagmomodule with my bunso. Late na kaya bukas na ang continuation. Sa ngayon wala silang pasok next week na ulit dahil sa bagyong paeng. Pagdaw walang pasok kailangan na magsagot ng module. Goodnight & sweetdreams.😴😴😴
Maulang umaga ng biyernes. Bulaklak ng gumamela para pampagoodvibes sa ating umaga.
Dahil lunch break na. Habang naghihintay maluto ang kanin nalibang akong magbrowse ng unread. Di ko agad napansin na luto na pala ang kanin. Kain po tayo ng pork tapa at sakto na may pabaon si mother ng saging na lakatan. Solve na naman ang tanhalian.
Kain po tayo ng kutkutin pangtangal antok. Kropek o palutong ang tawag dito sa amin mas sumasarap pag may sawsawang suka na may sili. Rapsa.
Yong malapit na palang mag uwian pero nakaramdam ng gutom. Sakto namang dumaan si kuya na suki na magtitinda ng binatog. Binatog kayo diyan.
Bili na po kayo ng saging na guyuran. Bagong kuha ni mister sa puno ng saging ni mother. Ito yong niluluto na pinaltok o ginagataan. Bibihira na akong makakain. Balita ko magluluto si mother. Mangangapitbahay ako mamaya.
Sugod sa kapitbahay. Nagluluto na nga si mother ng pinaltok na guyuran na saging. Tulyasi na ang lutuan dala ang buong kapitbahay. Hindi daw sya nagpunta sa taniman at umuulan kaya nakapagluto sya. Hindi na ako makapag intay na maluto ito.
Ito na po ang finish product na niluto ni mother. Pinaltok na guyuran na saging. Sa sobrang tagal ko ng hindi nakakain kahit mainit napakain na ako siguro ilang taon na rin. Sobrang busog na kaya ito na ang hapunan.
Nagiging habit ko na ata ang browse ng unread bago matulog, parang pampatulog lang. Bago ko makatulugan ang magbasa. Goodnight na po and sweetdreams. May pasok pa bukas. Huling araw para sa linggong ito.
Good morning mga ka noise.app. Bulaklak para sa umagang kay ganda. Its Saturday. Last pasok sa trabaho para sa unang linggo ng Nobyembre. Salamat sa mga blessing.
Maaraw na umaga. Nagpapakita si haring araw. Flex ko po itong cacao na nadadaanan ko tuwing papasok sa opisina. Malapit lang naman sa bahay. May aabangan na akong cacao kaya lang matipid ang bunga 1 piraso lang. Good morning po sa lahat
Akala mo kung makasupot ang binili ay chicken or pork chop yon pala kanin lang. Yong naubusan ka ng kanin sa bilihan sa tapat. Tapos medyo maglalakad ka ng konti para makabili lang ng kanin at bigla pang umulan. Lalo pa lang nakakagutom pag ganito ang sitwasyon.
Hay nakatapos na ring kumain. Parang napagod ako sa pagbili ng rice lalong nadagdagan ang gutom ko...hehehe. Aking baon for today ay pritong isda na tilapia with toyo. Pag nga lang baon hindi na crispy pero masarap pa rin. Kayo po ba tapos ng mag lunch?
Merienda time Walang maisip na merienda kaya biscuits na lang muna. Richoco chocolate wafer at hansel chocolate. Kain po tayo.
Magandang hapon noise fam. Sinong nakakaalala nitong chichirya ito? Mga batang 90's diyan. Meron pa pala nito hanggang ngayon. Ang tagal na nito, elementary palang ako non ng nauso ito...hehehe
Bago umuwi ng bahay punta muna sa bilihan ng chicken. Buti na lang meron sa tapat ng opisina. Pang ulam or pang baon ng mga bagets sa next week. May pasok na ulit sa school.
Tulugan na ulit. Hindi nakatambay dito after ng work. Nag mothers duty muna. Naghahabol sa mga gawain sa module ni bunso. After work ko pa lang kasi natuturuan ang aking mga junakis. Napagod ang bibig ko kakasuway ang daming commercial bago makagawa kaya ang tagal makatapos ng 1 subject. Bukas ulit ang continuation. Browse browse ng unread post habang nagpapaantok. Goodnight & sweetdreams to all. Bukas po ulit.
Maaraw na umaga ng Linggo noise fam. Linggo is labada day. Maglalaba din ng beddings at maaraw para siguradong matutuyo. Bago magpatuloy sa mga gawaing bahay kailangan munang magbreakfast para may lakas sa buong maghapon. Ito ang aming menu for todays bideo.
Magandang gabi. Gabi na ulit hindi pa makatambay dito ay busy busy pa sa house chores. Share ko yong nakita kong papaya kanina. Natuwa ako at sulit na sulit ang papaya dahil may sanga. Bibihira akong makakita na may sanga. Pero hindi yan sa amin sa kapitbahay makikita sa may pathway na dinadaanan pag aalis ng bahay.
Usapang papaya tayo ngayon. Alam nyo ba na may lalaking papaya? Pag daw lalaki ang papaya hindi ito bumubunga. Ito yong mga papayang bumubulaklak lang. Late ko na rin nalaman na may lalaking papaya. Magandang gabi. Kainan na ng hapunan.
Dinner time. Ang menu natin ngayon ay tofu sisig. May ayuda galing kapitbahay. Luto ng aking hipag. Parang kakikita ko lang na may nagpost noong 1 araw ng creamy tofu sisig bigla na lang may dumating. Salamat sa blessing.
Hay! Nakakapagod ang araw na ito pero thankful at nakasama ang pamilya. Oras na para matulog ng makapahinga ang katawang lupa at bukas ay panibagong linggo ng pakikibaka. May pasok na ang mga junakis at 5days na sila na f2f. Goodnight sa mga gising pa.😄😄😄
Magandang umaga ng Monday. Panibagong linggo na naman ng pagpasok ganon din sa mga estudyante. Ito ang ilan sa mga mayana collection ko pampagoodvibes o pampangiti sa umagang kay ganda. Ito na lang ang natitira yong iba nawala na. Happy Monday.
Magandang tanghali noise fam. Katatapos lang magtanghalian. For todays video ang aking baon ay kung anong baon din ng aking anak para 1 lutuan na lang. Ang kanilang paboritong chicken mini bite. Minarinate na kagabi para malasa. Syempre si mister ang nagtimpla at pag ako daw ay matabang pag ganito ang baon diretso lang ang subo. Happy lunch
Magandang gabi noise fam. Oras na ng pagkain ng hapunan. Late pala busy na naman sa assignment ng bagets. Pero breaktime muna para makagawa ng ayos. Ang ulam namin ngayon ay ginisang kalabasa na may miki. Sabi nga nila kalabasa pangpalinaw ng mata. Namiss ko to. Kain po tayo.
Aquarium ito ng mga pamangkin ko. Nakakarelax nga namang pagmasdan. Dumaan kami sa bahay ng kapatid ko para kunin ang meralco bill sa kanila kasi dinadala ang aming bill. Siguro nagtitipid ng lakad yong messenger kasi looban ang bahay namin.
Nong pumunta kami sa kapatid kong bunso. Sa may gilid ng bahay nila makikita ang bakas na dulot ng bagyong paeng. Ito yong 1 sa lugar na kinukuhanan namin ng saging na saba. Sad naman dahil maraming tumumba puno siguradong matatagalan na naman itong mamunga. Pero wala tayong magagawa kondi mag antay ulit ng panibagong suwi na uusbong para mamunga ulit.
Goodnight na sa lahat. Pipikit na ang mata. May tinapos gawaing bahay kaya late na namang matutulog. Tulugan na po tayo at bukas para maaga magising. Pagtinanghali, tanghali din ang estudyante. Sweetdreams
Mga kapamilya merienda time. Nagluto na naman si master chef. Nakakagutom na ang special na pancit habhab. Ang specialty sa Lucban Quezon. Kain na po tayo.
Kutkutin muna habang nagtuturo ng assignment sa bagets. Parang balik eskwela din ang mga mommies at daddies pero mas ok talaga pag face to face classes at maraming natutunan ang mga bata.
Buti nakabili ako ng Goya choco spread wala don sa tindahan na binibilhan ko meron pala sa mercury. Pag ito ang palaman sundo silang magkapatid. Pareho sila ng baon sa school pero pag peanut butter at cheez whiz si bunso lang. Magkaiba talaga sila ng gusto pagdating sa pagkain.
Flex ko lang yong panganay ko. Hindi ata maka get over sa kanyang witch hat yong pinanghalloween custome niya. Tuwang tuwa isuot kahit naligpit ko na. Inilagay ko na sa plastic bigla ko na lang makikita na suot na ulit kahit kumakain feel na feel isuot.
Magandang gabi. Naghapunan na ba kayo? Kami katatapos lang. Nag iisip kami kanina ng uulamin sabay may dumating na ayuda galing kapitbahay. Nakalibre na naman ng ulam. Healthy na masarap pa. Ito ang lumpiang gulay.
Magandang gabi noise fam. Relax muna bago matulog. Ganito na siguro pagnagkakaedad...hehehe dati di ko kilala ang tea. Ngayon ito na yong pangparelax ko parang refreshing pag umiinom nakakapawi din ng pagod sa buong maghapon. Inom po tayo.
Makulimlim na umaga ng Miyerkules. Isang bulaklak para sa umagang kay ganda. Pampagoodvibes para sa mga gawain natin ngayong araw na ito. Smile
Merienda time. May padala si mother na saging na guyuran. Pinirito nya yong natira sa pinaltok. Medyo matabang pero okey na rin. Salamat sa merienda.
Magandang hapon. Dumating na ang order kong face mask para sa mga junakis ko. Dahil 1 week na ang pasok nila na face to face kailangan ng maraming stock. Syempre kasama na sa pang araw araw nating pamumuhay kahit optional na mas maganda parin na magsuot sa school mas safe.
Nagsend aking biyenan ng picture. Ito daw ang mga pa order niya sa mga teacher na malapit sa aming barangay. Ito ang kanyang carrot cake. Pag siya naman ang nagluto sarap na sarap.
Magandang gabi. Dinner time. Burger steak request ng mga junakis. Syempre don tayo kung saan marami ang makakain ng mga junakis. Kain po tayo.
Magandang umaga ng huwebes. Makulimlim na umaga. Ang hindi maintindihan na panahon parang gustong sumikat ng araw pero naambon naman. Umpisahan natin ang huwebes ng may ngiti sa labi pampagaan sa mga gawaan na araw na ito.
Umaapaw na taho sa maulang umaga. Kain po tayo masarap lalo na at mainit.
Malakas na ulan sa tanghalian. Masarap na naman ang humigop ng sabaw. Parang gusto kong magnoodles pero nakakatamad namang lumabas ng opisina at mababasa.
Lunch time na. Baon for todays video. Ang ginisang corned beef with patatas. Ito rin ang mga baon ng mga bagets buti pareho silang kumakain nito. Kain po tayo habang malakas ang ulan.
Maulang hapon noise fam. Dumaan kami sa aming biyenan para sunduin ang mga bagets doon muna kasi sila natuloy pagkakatapos ng school saka dadaanan pagkauwian na galing work. May natirang banana cake, luto ulit ni biyenan. Kakaunti na daw at nagustuhan ng mga bata. Masarap na merienda.
Goodnight na guys. Napapapikit na pagbbrowse ng mga unread. Masarap na rin matulog at naulan. Bukas na ulit ang tambayan at kwentuhan. Last na ang pasok ng mga junakis bukas para sa linggong ito.
Magandang umaga ng biyernes. Ito ang inalmusal bago pumasok ng opisina. Kailangan kumain bago pumasok para may lakas sa mga gawain at ito na rin ang baon ng aking mga junakis sa school. Mukhang nagpapakita si haring araw.
Dahil Friday its monggo day. Nagluto ang master chef ng opisina ng ginisang monggo na may tinapa na may toppings na chicharon. Kaya sobrang busolve na naman. Hindi umuwi yong iba naming kasama kaya sa opisina rin kumain.
Merienda time. Siopao kayo dyan. Malaman sa unang kagat. Nagkakayayaang kumain kung kailan malapit ng umuwi. Kain po tayo.
Nasundan pa ng kutkutin. Pritong mani naman. Pangtanggal umay sa kinain. Pangpalibang na rin sa bibig. Salamat sa bumili at nagbigay.
Popcorn po tayo habang nanonood ng family feud at naghihintay ng panghapunan. Relax relax muna at kararating lang galing trabaho mamayang konti bago gumawa ng gawaing bahay.
Magandang gabi. Menu for hapunan. Pritong tilapia at monggo na natira namin sa opisina kanina nag uwi ako at marami pang natira baka masayang lang pag di iniuwi. Happy dinner
May ayuda na namang dumating at sigurado na matatagalan ako bago bumili ng green tea. Dati wala akong pakiaalam pag usapang tea pero ngayon hilig ko na. Sabi nila sign of aging. Kuha na po kayo.
Goodnight noise fam. Kailangan ng magpahinga ng katawang lupa. May pasok pa bukas sa work. Nagsisimula na namang pumatak ang ulan pampahimbing ng tulog. Sweetdreams.
Merienda time. Tamang biscuit at plus muna tayo. Pambatang merienda ang peg.
Magandang tanghali noise fam. Mix and batch. May bisita sa aming branch kaya nagkayayaan na mcdo. Minsan lang naman kaya go na. Kain po tayo happy lunch.
Merienda time. Butse ng manok. Ito naman ang napagtripan na bilhin ng mga ka opisina na merienda. Minsan lang po.
Nagluto si biyenan ng carrot cake. Syempre may tira sa paboritong manugang charrr. Hehehe. Alaga akong alukin ng nga luto nya alam kasing hindi ako pihikan sa pagkain. Enjoy naman ako kasi masarap naman siyang magluto.
Magandang gabi noise fam. Kauuwi lang naming mag anak ng bahay. Dumayo kami ng hapunan kina biyenan. Bonding na rin at Sabado. Ang menu nila ay sinuam na tilapia at lumpiang shanghai para sa mga bata.
Dessert time. Chocolates for dessert. May ayuda na namang dumating. Tamang tama na dessert at nakatapos na kaming kumain. Pili na po kayo.
Magandang umaga ng linggo kahit maulan. Kain tayo ng almusal. Itlog at hotdog. Kailangang kumain bago harapin ang mga gawaing bahay. Mayang konti maglalaba na.
Walang maisip na merienda. Nakakita ng tasty at may bukas ng condense milk kaya busolve na naman ang merienda. Yong condense milk din kasi ang pang toppings ng 2 kong junakis sa kanilang pancake.
Nakitambay sa kapitbahay may hain ng chocolates. Naku mahina ang puso ko sa ganito...hehehe sino ba naman ako para tumanggi. Pili na rin po kayo
Nagligpit ang mga kuya sa kabila ng mga gamit. Ang dami pa palang stock, may school supplies, uniform at basahan. May tindahan kasi dati ang hipag ko sa ibang bayan e umuwi na siya. Sabi ko ipost na lang sa online para ibenta at sayang lang pagnapastock yong iba kasi nasisira na. Magbubuklat pa kung anong pwede.
May supply na naman na saging na saba galing kay mother. Tamang tama na pangmerienda. Ano kayang mailuto?
May naligaw na mushroom(kabute) hindi naman pwede lutuin at iisa lang lugi sa gasul...hehehe tamang tingin lang.
Bakit ganun hindi pa ako tapos maglaba bigla na lang nawala ang tubig. As in walang natulo, sanay na kaming maliit ang tulo ng tubig pero hindi nawawalan. Anong oras kaya magkakaron hay tumambay na nga muna dito sa noise app.
Ang niluto sa saging na saba. Tarannn minatamis na saging. Luto ni jowa. Pag ito ang luto kumakain din ang bunso ko. Kain po tayo.
Magandang umaga ng Lunes. Panibagong umpisa na naman ng isang linggo. Natuwa naman ako. Nakita kong bumulaklak na yong tanim kong rose pagkatapos ng ilang taon. Rose para sa inyo.
Magandang gabi noise fam. Dinner time. Siomai ang aming menu for today. Pasado sa mga bagets at sa amin ay ginisang petchay na may sardinas naman. Kain po tayo. Sa inyo po ano ang menu nyo ngayong hapunan?
Malapit ng matapos ang arawng lunes. Kailangan nanating magpahinga para may lakas bukas. Maulang gabi kaya siguradong mahihimbing na naman ang tulog. Goodnight & sweetdreams
Magandang umaga noise fam. Merienda time na. Biscuit ang peg natin ngayon. Yong Fita kay bunso yong overload kay panganay. Nakishare lang sa mga baon ng anak. Sa biscuit magkaiba rin sila ng gusto.
Merienda time. Dito tayo sa burger ng bayan. Napagkasunduan ng mga dabarkads dito sa opisina. Kain po tayo
Good morning good morning noise fam. Miyerkules na naman kailangang maaga bumangon para maaga din ang mga junakis sa pagpasok sa school. Panibagong araw na naman ng pasasalamat.
Preparing baon by request. Pancake daw sabi ng junakis go lang para ma inspire silang pumasok. Lagyan na lang condensed milk para sa toppings.
Maaraw na umaga noise fam. Sana hanggang hapon ganito ang panahon. On the way na papasok ng opisina. Bagong araw na naman ng pakikibaka.
Magandang tanghali. Ang dami kong baon ngayon...hehehe salamat sa blessing. May baon na akong lumpiang shanghai biglang dumating ang kuya ko bago ako pumasok kumuha daw akong lagayan at bibigyan ako ng gulay pangbaon ko daw. Sakto naman sa ulam ko at prito lang kaya busog na busog na naman.
Goodnight noise fam. Umuulan na naman ng malakas, masarap na namang itulog ito. Nagpapaantok habang nagbabasang unread. Sweatdreams to all.
Magandang umaga. Kain tayo ng suman na galing Infanta. Pasalubong sa amin, may kasama kaming kaopisina na pumunta ng Infanta para magpractise ng sayaw para sa Christmas presentation. Uso na ulit ang christmas party na face to face kaya balik na ulit sa practise practise ng mga presentation.
Magandang gabi noise fam. Dahil papalapit na ang pasko may nakita na ulit na kiat kiat. Paborito ng bunso ko kaya nagrequest. Prutas naman kaya go lang. Kain po tayo.
Magandang tanghali noise fam. Maulang Friday at dahil Friday ngayon its monggo day. May dala ng lulutuin yong isa naming kasama sa trabaho kaya walang nagawa si master chef...hehehe by request. Ang sarap humigop ng sabaw bagay sa panahon. Kain po tayo
Kain po tayo ng dalandan. Habang naglalakad ng naguwian may nakita akong nagtitinda ng dalandan bigla akong natakam kaya bumili na ako. Buti na lang sulit ang pagkakabili ko at matamis ang nakain ko.
Magandang umaga noise fam. Lunes na ulit. Ang bilis ng panahon December na next week. Makulimlim na umaga. Umpisahan natin ang mga gawain ng may ngiti sa mga labi. Pampagoodvibes.
Magandang hapon noise fam. Nagkayayaan na bumili ng merienda sa 7 eleven. Napa order ng hotdog sandwich. Kain po tayo minsan lang naman.
Magandang umaga. Maaraw na umaga mga ka noise. Daan muna tayo sa bakery bago pumasok sa office. Pili na po kayo ng tinapay. Ang order ko ay pandesal.
Magandang tanghali noise fam. Katatapos lang kumain. Ang baon ko ngayon ay ginisang corned beef with patatas at pritong itlog. Hindi na napicturan at nagutom na. Hehehe. Kayò mga kaingay kumain naba?
Magandang gabi noise fam. Mukhang bumabalik na ang mga ingay dito. Kahit gusto ko pang tumambay kailangan ng matulog at pumapatak na ang mga mata ah cellphone pala. Bukas na lang ulit. Goodnight and sweetdreams to all.
Maulang umaga ng Biyernes. Yong papasok ka pa lang ng opisina basa na baba ng pantalon mo at sapatos. Eh lamig. Masarap na nmang humigop ng sabaw. Magandang umaga
Pag umuulan masarap talagang kumain. Merienda time na. Nagpunta sina manager sa bilihan ng mga kakanin. Napaibig sa spaghetti kaya napa order minsan lang naman at ng maiba rin ang kinakain na merienda. Kain po tayo.
Lunch time na. Presenting all time favorite ang fried chicken at natirang bacon kaninang almusal. Walang maisip na babaonin ng kiddos kaya ang fried chicken ang niluto. Mahirap din mag isip ng pambaon na ulam lalo na kung mapili ang mga kiddos sa pagkain. At kung anong ulam nila yon na rin ang baon ko para isang lutuan na. Happy lunch
Turkish delight Ito pala ang tawag dito, ngayon ko lang nalaman. Paborito ko ito ng kapanahunan ng elementary ko. Hehehe. Gellatin ang tawag namin noon. Nabibili lang ng pa isa isa. Nakakatuwa at meron pa pala ng ganito hanggang ngayon. Ang tagal ko ng hindi nakakakain nito.
Dumaan kami kay biyenan at dinaanan ang mga junakis. May luto siyang sapin sapin at syempre may patikiman. Pano kaya ako papayat nito laging may pagkain. Hehehe
Magandang gabi. Kutkutin habang nanonood ng movie. Walang pasok ang mga junakis bukas kaya humihirit na hindi muna matutulog. Maya daw konti. Prawn crackers kayo dyan.
Magandang umaga ng Sabado. Mukhang maaraw ang araw na ito hanggang hapon sana. Hindi nakapag almusal kaya diretso sa kapitbahay na bakery ng opisina. Pandesal kayo dyan. Sarap talaga ng tinapay pag mainit.
Buena mano na nagbayad. Coins is real. Syempre hindi naman pwede tanggihan. Walang buo kung walang barya. Ito daw ang pinasweldo sa kanila. Salamat sa mga kasama ko dito sa opisina, join force sa pagbibilang. Sinong papalit ng barya pang aguinaldo sa pasko.
Minani kayo dyan. Nakakain na ba kayo ng minani? Ito yong pinirito na kamoteng kahoy. Masarap na kutkutin.
Tanghalian time. Baon for today. Pork tapa ang peg. Pag walang maisip na uulamin sa frozen foods ka kakapit. Hehehe. Happy lunch
Marsmallow for dessert. Bumili yong isa naming kasamahan dito sa opisina. May nag advice daw sa kanyang kumain ng marsmallow at sinisikmura daw sya.
Beef shawarma. Merienda for todays bidyo. Napagkasunduan sa opisina na ang memeriendahin ay shawarma. Matagal tagal na rin hindi ulit nakakakain nito. Kain po tayo.
Magandang hapon. Pagkatapos ng shawarma, kropek naman with suka. Parang foodtrip kami ngayon. Hehehe Buti na lang maghapon na maaraw ngayon. Malapit ng mag uwian.
Bili muna ng pang baon ng mga junakis sa school. Sa panganay ko ang request Mr. Milk na strawberry flavor tapos kay bunso ay Mr. Delight naman. Kahit sa drinks magkaiba pa rin sila ng taste.
Magandang gabi. Menu for todays. Bagong recipe ng aking biyenan ang ampalaya patties. Masarap din naman kakaiba hindi malalasahan na may ampalaya. Happy dinner
Magandang umaga ng Linggo. Maaraw na umaga. Isa sa inaantay ko kapag papalapit na ang pasko ay ang pagpula ng poinsettia. Nakakatuwa kasi yong green na dahon nagiging pula. At pag naging pula ramdam na ramdam mo na ang pasko.
Almusal po tayo. Kumain muna tayo ng almusal para may lakas sa mga gawaing bahay. Linggo is laba day kaya mapapalaban na naman. Meatloaf at egg.
Magandang tanghali. Katatapos lang magtanghalian. Ang menu namin ngayon ay ginataan na gulay (kalabasa, sitaw, talong at ampalaya). Yon nga lang masustansya pero bahagyana na mabawasan ang pagkain ng mga kiddos. Ibig sabihin hindi nila type, kumain naman pero kaunti lang. Happy lunch
Inilabas na ang christmas tree. Ngayon pa lang kami maglalagay ng christmas tree abot pa bago mag December. Sa huwebes December na. Kaya excited ang mga bagets maglagay ng christmas decoration. Iba talaga pag may bata sa bahay.
Improvised marakas. Dahil mahirap maghanap ng bao (coconut shell) nagsearch ako sa google ng ibang pwedeng gawin. Nakita ko ang plastic bottle, buti nalang may maliit na bottle ng royal kaya syang ginamit. Project ng panganay ko. Dadalhin niya bukas sa school. Pwede na rin siguro gamitin ito sa caroling.
Magandang umaga. Maaraw na Lunes. Panibagong linggo na ulit. Magtaho muna tayo pangpainit ng sikmura. Ang sarap talaga ng taho lalo na pagmainit.
Kumain muna ng suman habang nagpprepare ng hapunan. Nagpabili ako sa kasamahan ko sa opisina. Pumunta kasi siya sa Infanta Quezon. Ang sarap talaga ng suman. Kain po tayo.
Goodnight na mga kapamilya, kapuso at kapatid. Nabibitawan ko na ang aking cellphone habang nagbabawas ng mga unread. Bukas na lang ulit. Maulang gabi, goodnight and sweetdreams to all.
Good morning noise fam. Almusal muna bago pumasok at baon na rin sa school ng mga kiddos. Burger steak with mushroom. Magandang umaga ng Martes.
Merienda ko kanina. Pritong saging na saba. Pabaon ni mother. Bago ako pumasok ng opisina pumunta muna ako sa kanya sabay alok kung gusto ko daw magdala ng saging. Syempre pagkain go tayo dyan.
Shawarma in the house. Nabitin ata nong next week kaya nagtake 2. Masarap pag may konting hot sauce. Kain po tayo
Late ng breakfast kaya late din ang lunch. Ang menu namin for today ay lumpiang shanghai. Kami lang mag asawa ang kakain ngayon at ang aking 2 junakis ay nasa biyenan ko. Nagpahatid kanina at may usapan ng kanilang pinsan na magkikita para maglaro. Sinulit anh walang pasok pero nakakapanibago pag wala ang mga junakis ang tahimik ng bahay. Hahaha
Good morning good morning! Happy 1st day of December papalapit na talaga ang pasko. Maulang umaga kaya nakakatamad pang bumagon pero kailangan ng magprepare ng almusal ng kiddos at pang baon.