read.cash Log in
@Zyryn

@Zyryn in October 2022

@Zyryn

Busy ang mga tao sa pagpprepare ng tanghalian. Ngayon kasi gaganapin ang mga September birthday celebrant. 3tao kasi ang birthday celebrant ng September.

@Zyryn

Lunch time. Busolve na naman. Umorder ng inihaw na tilapia at litson na manok. Ang sarap ng inihaw na tilapia bibihira lang makapag ulam ng inihaw kaya nakarami ng kain at sabay sabay kumain.

@Zyryn

Part 2. Sisig in sizzling plate. Parang inorder lang pero binili lang na frozen foods pinainit sa sizzling plate with egg toppings. Special may pa toppings.

@Zyryn

Part 3. Merienda time. Continuation ng handaan. Pesto pasta at rolls. Rolls bili ni manager treat daw sa mga may birthday pero kasama siya don. Happy happy lang

@Zyryn

Share ko po yong nabili ko sa shopee para sa chocolate fountain sa birthday ng bunso kong anak. Syempre tuwang tuwa ang junakis at excited na sa birthday bukas.

@Zyryn

Kain po tayo ng bola bola na kamoteng kahoy. At bawasan ang lumpiang shanghai para matikman kung may lasa na para bukas. Dahil may birthayan bukas syempre di mawawala ang lumpiang shanghai.

@Zyryn

Happy fiesta sa mga may fiestahan. Menu for tanghalian. Afritada at menudong español. Deliver galing sa 1 naming officemate fiesta sa kanilang barangay. Busolve na naman ang tanghalian.

@Zyryn

Magandang gabi noise fam. Ito yong hapunan namin kanina. Tahong na may repolyo. Walang available na petchay kaya nagtanong ako sa nanay kung pwede ang repolyo na pang sahog at ang sabi pwede naman. At maganda naman ang kinalabasan.

@Zyryn

Dumating na ang order ng nanay ko na non stick pan. Salamat shopee choooss salamat sa co employee ko. Pag ganito ang lutuan mo yong tipong hindi ka magaling magluto feeling mo ang sarap ng luto...hahaha dinaan sa lutuan. Nang nakita ng nanay gagamitin na daw niya agad bukas bigla naexcite magluto.

@Zyryn

Late ng magpost at wala ng kaagaw sa cp tapos na rin ang mga assignment ng studyante. Sa mga teacher na nandito. Happy teacher's day po. Maraming maraming salamat po sa matiyagang pagtuturo sa mga bata.

@Zyryn

Magandang umaga mga kaingay. Ito yong cake na pinagawa namin para sa 7th birthday ng bunso ko nong linggo dahil favorite niya ang character na spiderman syempre nakacharacter din ang cake. At syempre nagustuhan naman niya.

@Zyryn

Magandang tanghali po sa lahat. For todays video ay menu pala. Lumpiang gulay na pwedeng pang ulam pwede ring pangmerienda. Dahil parang paulit ulit na ang baon kung ulam na pangtanghalian. Dito naman tayo sa gulay mura na healthy foods pa. Kain po tayo ng lumpiang gulay.

@Zyryn

Kutkutin para sa hapong nakakaantok. Bumili ng bigboy tapos lagyan ng suka tanggal ang antok yon lang sana wag lalaki ng ganito ang tiyan ko...hahaha

@Zyryn

Merienda time. May 2 choices po tayo may longpao at may regular siopao. Yong longpao ay longganisa ang palaman at yong regular siopao ay asado. Ako don muna tayo sa regular na siopao. Kain po tayo.

@Zyryn

Magandang gabi noise fam. Ito yong 1 sa gift na nareceived ni bunso nong nagbirthday nong linggo. Syempre bata enjoy pa syempre sa mga laruan. Galing ito sa kanyang pinsan usapan pa daw noon pa. Kaya sabi sa akin noon ay may secret daw ang kanyang ate na pinsan yon pala ay itong laruan. Syempre pag boy kalimitang laruan ay car.

@Zyryn

May pinuntahan kaming birthdayan at binyagan pinagsabay na 2 in 1 sa anak ng aming ka work. Malayo layo din ang biyahe kaya nanibago ata ang katawan ko at bihira ng magbiyahe ng medyo malayo pero nag enjoy naman at kahit after work eh nakapunta pa rin at nakita ang ibang mga kakilala. Goodnight noise fam. Oras na namang matulog. Kailangan ng magpahinga ang katawang lupa at ng may lakas ulit para bukas. Sweetdreams to all.

@Zyryn

Yong ang ganda ng sikat ng araw tapos biglang bumuhos ng malakas ang ulan. Kung kailan pa man din ako bibili ng kanin. Walang dalang bigas ang manager ko kaya wala akong kasabay pagsasaing. Lugi ang 1 luto pagkulang ng 1cup ang isasang kaya bumili na lang ako sa tapat ng opisina ng kanin.

@Zyryn

Dynamite in the house. May tanim ang hipag ko ng sili na panigang naka unang harvest na sya. Hindi nya muna ibinenta at kakaunti pa daw. Ang hahaba ng nakuha nya kaya tamang tama na pang dynamite hindi rin maanghang. Binigyan na nya ako ng basta lulutuin na lang. Kaya nalibre na naman ng baong ulam.

@Zyryn

Dalandan kayo dyan. Dessert pagkatapos kumain. Ang sarap kumain ng dalandan na lalagyan ng asin. Kain po tayo

@Zyryn

Maulang umaga ng Sabado. Huling pasok para sa linggong ito. Ang bilis ng panahon tapos na agad ang unang isang linggo ng Oktubre papalapit na talaga ang pasko.

@Zyryn

Almusal at merienda time. Dumaan muna sa bakery, hindi nakakain ng almusal bago umalis ng bahay ang pakiramdam koy parang puno ang tiyan. Sa dami ng tinapay na nakita ko pandesal ang napili ko masarap at mainit pa.

@Zyryn

Magandang tanghali noise fam. Lunch time na wala na naman tayong baon. May bagong tindahan ng pagkain nakita sina manager. Kaya nagtry kami binalot sa dahon na sisig at abot kaya pa ang presyo. Sa halagang 25pesos may pangtanghalian kana. Yong 1 naming kasama 15pesos lang daw ang adobo at special pa may itlog.

@Zyryn

Galing sa birthdayan ang mga junakis ko. Syempre hindi na naman ako kasama at may pasok. Tuwang tuwa na naman sa loot bag na mga nakuha at lobo. Basta mga bata solve na sa candies at lobo.

@Zyryn

Merienda time. Request ng mga junakis minsanan lang naman kaya pagbigyan na. French fries dip into dressing mayonaise. Okey na tong niluluto pa kaysa oorderen pa. Pag ikaw ang nagluto want to sawa na.

@Zyryn

Magandang umaga noise fam. Napaorder kami ng mami almusal at merienda. 1 order lang pero tig isang itlog naghati kami ng kaofficemate ko para makakain sa lunch. Pag 1 order kasi kahit lunch na busog pa ang pakiramdam.

@Zyryn

Magandang tanghali noise fam. Kain po tayo ng tokwa sisig tamang tama sa nabiling sinangag. Sinangag na maraming sahog parang chao pan. Busolve na naman ang tanghalian.

@Zyryn

Magandang gabi noise fam. Dumaan muna sa bilihan ng itlog. Mas makakatipid kasi pagmaramihan ang bibilhin. Yon nga lang wala na akong inabot na 1 tray tig kalhating tray lang. Yong kalhati ay sa biyenan ko don kasi lagi nagsttay ang 2 kong junakis pagumaga.

@Zyryn

Magandang gabi noise fam. Dahil birthday ng aking hipag na kapitbahay namin. May ayudang pancit at mamon. Kain po tayo. Ito na ang hapunan naming mag asawa ang mga junakis na lang ang ipagluluto ng hapunan.

@Zyryn

Panghimagas naman tayo. Papaya kayo dyan tapos budbudran ng powder milk. Ang istorya ng pagkuha ng papaya natamaan pa aking asawa sa ulo ng maliit na papaya para lang makuha itong hinog. Kain po tayo.

@Zyryn

Magandang umaga noise fam. Merienda time. Dumaan ang aming suki na magtitinda ng merienda at ulam. Ginataang malagkit. Mabigat na naman ito sa tiyan. Kain po tayo

@Zyryn

Kain po tayo ng lanzones. Nakakuha ng 2 buwig sa tabing puno. Bihira lang ang bunga ngayon ng lanzones kaya pangkain lang.

@Zyryn

Merienda time. Merienda daw na pambata. Nakishare sa mga baon ng mga junakis. Kain po tayo.

@Zyryn

Merienda time. Matagal tagal na ring hindi nakakain ng street foods. Kain po tayo ng quail egg, isaw at dugo with maanghang na suka.

@Zyryn

Magandang umaga! Tinapay sa umagang makulimlim. Masarap sana ang pandesal ubos na daw kaya bonete na lang. Masarap talaga ang tinapay kapag mainit.

@Zyryn

Magandang tanghali noise fam. Menu for todays video. Pritong dulong (maliliit na isda) with sweet chili sauce. Busolve na naman ang tanghalian. Sabi ni manager masarap daw itong adobong dulong hindi pa ako nakakatikim ng ganong menu. Iniimagine ang liliit ng dulong para iadobo.

@Zyryn

Merienda time. Cheese donut po kayo dyan. May malapit na nagluluto pero ang masasabi ko ay pwede na sa nagtitipid. Medyo kailangan pa ng improvement sa dough.

@Zyryn

Magandang gabi noise fam. Panghimagas tapos kumain. Bigay ng kapatis kong bunso. Marami daw silang nabili. Sulit naman ang pagkabili ng rambutan at matamis ang lasa. Mahilig din ang junakis kong bunso kaya nagrerequest pa.

@Zyryn

Fresh milk. Uwi ito ng panganay ko galing school. Bigay daw ni teacher. May binibigay pa pala sa mga estudyante ang school.

@Zyryn

Bili na po kayo. Pumunta ako sa tindahan ng milkyway. Dito sa bayan namin dito makakabili ng mura na ginagamit ng mga bata. Gatas, diaper, vitamins at iba pa. Bumili ako ng shampoo, nagtry ako ng eskulin lagi kasing Johnson ang gamit nila. Mabango naman sana maganda ang epekto sa buhok.

@Zyryn

Merienda time. Ito yong masarap kapag may trabaho. Syempre kailangan mong itreat ang sarili mo kahit paminsan minsan lang para maramdaman ang sahod. Happy payday.

@Zyryn

Magandang gabi noise fam. Bigla kong namiss ang gulay kaya ang menu for today ay ginisang kalabasa. Kahit nagkamali ako ng mikeng sariwa na nabili masarap pa rin naman. Sa halip na bilog yong lapad na mike ang nabili ko. Nagustuhan rin ng mga junakis kaya isang menu lang.

@Zyryn

Dessert. Kailangang bumili ng prutas para maging healthy syempre para sa mga junakis. Kailangan ng ating katawan kaya kahit konti konti lang ang bumibili ako. Magkaiba ang gusto ng 2 junakis ko kaya dapat pareho silang meron. Yong ubas mas gusto ng panganay ko pero pareho naman silang nakain at mansanas para sa bunso ko dahil yong panganay ko natikim lang.

@Zyryn

Bumili ako ng panglagang mani. Tamang tama na kutkutin ito para bukas at walang pasok. Madami na 50pesos na kalhating kilo. Makikiluto ako sa nanay ko bukas don sa kahoy ang ipanggagatong para tipid sa gasul.

@Zyryn

Monday sickness sa trabaho. Uwing uwi na pero bago umuwi bumili muna tayo ng binatog. Pamatid ng gutom. Busog na busog na sa halagang 10pesos. Kain po tayo

@Zyryn

Magandang tanghali noise fam. Lunch break na. Menu for todays video...hehehe adobong manok at bili ang kanin para mainit. Ito ang pambansang ulam pag gusto mong may sabaw ito na rin ang mga baon ng aking mga junakis. Happy lunch

@Zyryn

Magandang gabi noise fam. Nagluto ako ng dynamite pero hindi ko nakain...hahaha nadynamite sa bibig ko ang anghang. Hindi ko carry ang ganitong sobrang anghang light lang ang kaya ko.

@Zyryn

Magandang umaga ng Miyerkules. Nag uumpisa na namang kumulimlim ang panahon. Ito ang flower ng daisy para sa inyo pampagoodvibes. Mula sa hardin ng aking nanay. Ang ganda ng kulay pagpinagmamasdan ko ito nakakaaliwalas sa paningin.

@Zyryn

Merienda time. Kain tayo ng lumpiang gulay at quail egg with sawsawang suka. Solve na naman ang merienda.

@Zyryn

Lets have a clover chips. Minsan lang po. Kutkutin pangtanggal inip. Pag clover, cheese ang best dyan.

@Zyryn

Magandang hapon! Ito ang menu namin kaninang tanghalian. Nagluto si manager ng kanyang especialty na adobong manok na special syempre dahil may itlog. Busolve na naman.

@Zyryn

Magandang gabi noise fam. Menu para sa hapunan. Nakabili ako kanina sa aming suki ng sinantulan tamang tama wala kami maisip na ulamin.

@Zyryn

Magandang gabi noise fam. Katatapos maghapunan. Ang menu for today ay fried chicken. Pag ito ang menu isang klase lang ng ulam. Magkaiba kasi ng taste ang 2 kong junakis pero pag ito ang luto magkasundo sila. Kayo po nag dinner na?

@Zyryn

Bulaklak para sa maaraw na umaga ng Biyernes. Nakita ko po ito sa hardin ng aking nanay hindi ko lang alam ang tawag. Pampagoodvibes para sa araw na ito. Good morning para sa lahat.

@Zyryn

Merienda time. Nagkayayaan sa opisina ng angels burger ang kainin. Sarap na mura pa. Hati kami nong 1 kong ka officemate sa isang order.

@Zyryn

Taho. Yong kahit nakapagburger kana ay parang gutom kapa rin. Tapos biglang dumain ang suki naming magtataho. Tamang kain lang. Kain po tayo ng taho.

@Zyryn

Habang naghihintay sa aking hipag. Nakakita ng nagtitinda ng kalamares at atay. Para maiba naman bumili ako ng atay. Masarap at mainit pa. Pag kalamares kasi parang mahirap matunaw sa tiyan ko.

@Zyryn

Papalapit na talaga ang pasko. 6pm pa lang ang dilim dilim na ng paligid. Ito ang isa sa sign na malapit na ang pasko at lumalamig na ang simoy ng hangin. Mahaba na ang gabi.

@Zyryn

Magandang gabi mga kaingay. Menu for today. Dahil namiss ang isda. Pritong tilapia na may toyomansi. Bet ng lahat kaya 1 lang ulit ang menu namin ngayong hapunan. Happy dinner.

@Zyryn

Dessert time. May uwi yong asawa ko ng dragon fruit galing kasi sila sa taniman ng aking biyenan. Alam na nakain ako kaya nagdala sya. Sa aming mag anak ako lang ang nakain nito kaya wala akong kaagaw. Para sa akin masarap o hindi lang talaga ako pihikan sa pagkain.

@Zyryn

Pandesal sa maaraw na umaga ng Sabado. Huling pasok para sa linggong ito. Kain po tayo magkasama na ang almusal at merienda.

@Zyryn

Ito yong bigay ng biyenan ko na ampalaya at kamatis. Syempre madami hindi namin kayang lutuin kaya ishare ang blessing. Ayaw iuwi nina manager, ulamin na lang daw ngayong tanghalian. Siya daw ang magluluto.

@Zyryn

Lunch for today. Natuloy naman lutuin ang ginisang ampalaya. Si manager ang nagluto kaya busolve na naman ang tanghalian. Happy lunch.

@Zyryn

Kumain muna kami sa aming suki na bilihan ng kwek kwek, chicken skin, isaw at dugo ng manok bago umuwi ng bahay. Nanlibre ang aking jowa minsan lang ito. Tatanggi paba ako.

@Zyryn

Magandang gabi noise fam. Ito ang hapunan naming mag asawa. Iginala ng hipag ko ang aking mga junakis. Pumunta daw sila ng SM kaya pasalubong daw sa amin. Bida talaga ang saya pag Jollibee. Kain po tayo.

@Zyryn

Good morning noise fam. Maulan na umaga dito sa aming lugar. Kain po tayo ng puto bungbong with a twist leche plan. Bihira lang makakain ng ganito ang sarap at special. Pasalubong din ito ng aking biyenan na babae ng gumala sila kahapon.

@Zyryn

Magandang hapon. Pasilip silip lang muna at busy busyhan. Pag araw kasi ng linggo walang pasok sa trabaho pero araw ng mga gawain sa bahay. Araw ng labahan. Ito ang menu namin kaninang tanghalian. Pritong tilapia isama narin ang natirang hotdog kaninang almusal at para may higop sabaw nagnoodles para hindi tuyong tuyo ang kanin.

@Zyryn

Magandang gabi. Ito ang menu namin for today video.hehehe Ginisang sardinas na may nilagang itlog. Nakain lahat kaya 1 menu lang. Kainan na.

@Zyryn

Magandang umaga. Panibagong linggo na naman ng pasok. Isang bulaklak para sa magandang umaga ng Lunes. Kaninang umaga. Nag alarm ang phone ko kaya lang nagulat ako kasi yong speaker niya ay basag ang tunog. Nagtry din ako mag open ng video hindi rin maintindihan yong sound yong speaker na garalgal ang maririnig mo. Malapit na akong maiyak kasi akala ko nasira na e installment pa ito. Nagsearch ako sa internet ang advice irestart lang. Hay pagkarestart ko buti naman at okey…

@Zyryn

Tanghalian time. Wala akong baon ngayon kaya napaisip ng ulam na mabibili. Kabbrowse ko sa facebook may nakita akong nagtitinda ng mga ulam yong kapatid ng co employee namin. At ang nagustuhan ko ay dinuguan kaya solve na naman ang tanghalian. Matagal tagal narin akong nakakapag ulam nito.

@Zyryn

Muntik ko ng malimutan may pabaon nga pala si mother ng lakatan na saging. Kung hindi ko pa itinabi ang natira kong ulam sa lagayan kong eco bag hindi ko maalala na may saging ako. Sakto na panghimagas. Happy lunch.

@Zyryn

Pili na. Bili bili na po. Ito yong mga pa order kong kandila para sa undas. Nakakatuwa yong makukulay. Bumili na ako at baka maubusan ng stock nakakahiya naman sa customer pag naubusan.

@Zyryn

Hapunan para sa araw na ito. Almusal ang peg para ulam ng lahat. Kumakain din ang mga junakis nito kaya 1 menu lang. Meatloaf na may itlog. Happy dinner.

@Zyryn

Pili na po kayo. Libre lang. Bagong harvest ng aking jowa. Iilang piraso na lang daw kayo hindi na maibenta siguradong pangkain na lang.

@Zyryn

Samplelan na ang pepino. Balatan at hiwahiwain bagay sa mga pritong ulam. Pantunaw din sa mga kinain. Busog na naman. At sa mga nagdidiet ito 1 sa lagi nilang kinakain.

@Zyryn

Good morning noise fam. Busy busyhan na rin ang mommies sa pagpprepare ng breakfast sa junakis na papasok school? Prepare ko para sa mga junakis ko ay bacon at itlog. Magkaiba pa ng version ng itlog magkaiba kasi ang gusto nila para makakain ng ayos ibigay ang hilig. Sa panganay ko sunny side up(lava egg ang tawag nila hindi alam kung san nanggaling yon) at bunso ko scramble egg naman.

@Zyryn

Maulang umaga ng Tuesday. Nakakabasa na mang magbiyahe. Pagganitong naulan ang sarap kumain ng sopas, mami, champorado at lugaw. Kanya kanyang suggestion ang mga kaofficemate ng gustong kainin.

@Zyryn

Breaktime na daw ng mga bagets. Ang natuloy sa dami ng suggest ay sopas. Tapos biglang umaraw ang panahon. Pero ang sarap pa rin humigop ng sabaw. Hmmm kain po tayo.

@Zyryn

Magandang tanghali. Dahil kumain ng sopas kanina late na kaming nakakain ng pangtanghalian. Nanghingi na lang ako ng konting kanin sa kaofficemate ko. Hehehe Medyo busog pa kaya nanghingi na lang para makain ko ang baon kong corned beef with sopas pa rin.

@Zyryn

Magandang gabi. Ito ang menu namin kaninang hapunan. Napamarites kaya late ng nakaupload. Bigay ng aking hipag. Siya ang nagluto nyan. Yan ang mga menu na di ko kayang lutuin. Mga lutong panghandaan o okasyonan. Ang menudo español.

@Zyryn

Umuulan pa rin hanggang ngayon masarap ng matulog. Maghapon ng walang tigil ang ulan. Sana paggising bukas ay tigil na ang ulan. Goodnight noise fam bukas na lang ulit. Sweetdreams to all.

@Zyryn

Maulang umaga ng Miyerkules. Ang lakas ng ulan paggising pa lang kaninang umaga parang may bagyo. Kuhanan na naman ng anthurium. Busy si mother pangunguha ng bulaklak niya. Pag ganitong kasing malapit na undas medyo malaki ang bayad sa kanila. Ngayon ang bawi ng mga nambubulaklak.

@Zyryn

Merienda time. Walang maisip na memeriendahin kaya don muna tayo sa pangkaraniwan merienda. Ang biscuits na Dewberry at SkyFlakes. Kain po tayo.

@Zyryn

Magandang tanghali noise fam. Iba talaga ang aroma pag ang pangkain ay binalot sa dahon ng saging. Ang bango yong sa amoy pa lang ay gaganahan ka ng kumain. May 2 kang pamimilian na menu, adobo at sisig. Gusto ko sana itry ang adobo pero ang available na lang daw ay sisig. Kaya sisig tayo. Kain po tayo.

@Zyryn

Merienda time. Nagkayayaan na bumili ng hotdog burger sa 7 eleven. Matagal tagal na rin namang hindi kami nakakabili don. Maiba naman. Minsan lang naman ito hehehe. Kain po tayo

@Zyryn

Karereceived ko lang ng bayad ng 1 client. Ang bagong 1,000. Nanaisin mong magkaron ng 1k pero makakatakot ka namang hawakan naman at baka matupi at malukot. Parang pag ganito ang mga pera mo hindi maieenjoy...hehehe

@Zyryn

Magandang gabi noise fam. Dumaan kami sa bahay ng aking biyenan para sunduin ang mga junakis. Tikman ko daw ang kanyang luto na macaroons sabi ng aking biyenan. Nagtry lang daw siya magluto at masarap naman. Mahilig talaga siya magluto ng mga kakanin at sure naman na masarap.

@Zyryn

Magandang gabi noise fam. Dahil nagcrave ang asawa ko ng bumili ako ng biling lutong dinuguan nong isang araw para sa tanghalian. Nagluto siya ngayon at ito ang aming menu at dahil sayote ang available ito na lang ang kanyang isinahog.

@Zyryn

Good morning noise fam. Umaaraw na umaga ng Huwebes. Bulaklak para sa sa inyo. Hindi ko lang alam kung anong pangalan ng bulaklak na ito. Nagustuhan ko syang picturan at ang ganda. Actually yong bunso ko ang nagpapicture nyan ipost ko daw. Sa may plaza namin ito nakita.

@Zyryn

Ito yong pinepare ko kaninang maga sa aking panganay na pangbaon niya para sa tanghalian. Sinabi ko na kagabi na ang baon nila ay fried chicken para sa araw na ito. Okey lang naman sa kanila ang chicken basta fried ang luto pero may special request na paliitin ko na daw para hindi sila mahirapan na maghati sa school. Kaya hinati ko na ng maliit bago pinirito. Mini bite fried chicken. Ito rin ang ulam ko ngayong lunch pero di na mini bite. Happy lunch

@Zyryn

Merienda time. Nagdala ang 1 naming kasamahan ng lulutuin na pancit habhab may kasama ng pansahog. Kaya si manager ang nagluto ang aming chef. Ang finish product, tarannnn. Busolve na naman parang may handaan.

@Zyryn

Magandang gabi noise fam. Ngayon lang ulit nakasilip. Galing sa birthdayan at nagprepare ng gagamitin ng estudyante bukas. Bigla kasi nag announce ang school na pinapasukan ng mga anak ko na mula bukas ay araw araw na silang may pasok. E don sa dating schedule pag Friday wala silang pasok.

@Zyryn

Magandang umaga noise fam. Maulang umaga ng Biyernes. Merienda time na. Pinabaunan ako ng aking biyenan ng biko. May natira pang biko sa niluto niya kahapon. Mahilig talaga siya magluto ng kakanin at sulit naman at masarap.

@Zyryn

Ito yong 2nd batch na pangbenta ni mother na anthurium. Ito yong tinatawag na local yong kulay pink. Yong 1st batch ay imported yong ang kulay ay red, orange and white. Ngayon ang schedule ng pick up ng mamimili ng bulaklak dadalhin daw sa Manila. Mabenta ngayon ang mga bulaklak para sa undas

@Zyryn

Magandang tanghali noise fam. Lumuluha parin ang langit. May baon akong ulam na dinuguan. May nag alok sa gc kung gusto daw ng ulam may nakita ako sa menu na bola bola. Sabi ko parang match yon sa baon ko at napabili nga ng bola bola. Dahil marami akong ulam di ko naubos pwede pa ito mamaya.

@Zyryn

Magandang hapon. Dumating na ang order kong sandals para sa anak kong bunso sana magkasya. Order ko sa shopee pang harabas lang sa halagang 115. Sana magustuhan niya nasa work pa ako ngayon kaya mamaya pa maisusukat.

@Zyryn

Nagluto si manager ng ginisang hotdog. Maiba naman daw para hindi laging prito lang. Nilagyan niya ng butter. Masarap pala ang ganitong luto with kaulam na tinapay. Pag kami kasi ang nagluluto sa bahay walang butter.

@Zyryn

Dessert time. Toblerone chocolate. Ito ang masarap pag may umuuwi galing ibang bansa na kamag anak pero wag nating kakalimutan ang mga sakripisyo nila yong mawalay sa kanilang pamilya ay napakalaking sakripisyo na, may maipadala lang na pera. Kain po tayo.

@Zyryn

Maulang umaga ng Sabado. Daanin na lang sa kain ang ulan. Yong wala pang announcement ang management na pinapasukan kahit sobrang lakas na ng ulan. Dahil medyo malayo din ang opisina nagdecide na akong si pumasok. Kain po tayo ng almusal. Ginisang corned beef, wala pang stock hindi pa nakakapaggroceries.

@Zyryn

Grabe signal No. 3 na pala dito sa aming lalawigan kaya pala ang lakas ng ulan at may kasama na ring hangin. Mag ingat po ang lahat. Hanggang maiiwasan na lumabas ng bahay huwag na po munang lumabas. Sana po ay umalis na ang bagyo.

@Zyryn

Binigyan ako ng aking hipag ng white corn. Buti nakuha na nila bago bumagyo kung hindi siguro nakuha agad siguradong masasayang lang. Ano kayang mailuto dito nilaga o ginisang mais para may pang ulam na kaso walang pansahog.

@Zyryn

Ang napagdesisyonan sa puting mais ay ginisa na ng aking jowa. Pang ulam na para sa tanghalian ang sarap nga naman pag may sabaw. Mapaparami ako ng kain nito. Matagal tagal na rin akong di nakakain ng mais na gulay. Antay lang konti at kakain na.

@Zyryn

Kagigising ko lang di ko namalayan na nakatulog pala kami ni bunso. Nagkukulitan lang silang magkapatid kanina hanggang nakatulog na kami ni bunso. Merienda time. Pancake time bakit nga ba ang sarap kumain pag umuulan. Kain po tayo.

@Zyryn

Magandang umaga sa inyo. Kamusta po sa inyo? Ngayon lang nakasilip ulit dito. Sa barangay namin hanggang ngayon ay wala pa ring kuryente dahil sa bagyong Paeng. May pasok kami sa trabaho ngayon kaya may internet at may kuryente din.

@Zyryn

Merienda time. Ito ang nabili ng kasama ko sa malapit na bakery na cheese donut. Wala na daw pandesal at bonete na lagi naming binibili...hehehe. Siguro maraming bumili at holiday ngayon mga walang pasok. Happy Monday.

@Zyryn

Magandang hapon noise fam. Biglang sumikat si haring araw hanggang mamaya na kaya ito? Kaninang maga kasi madilim ang paligid at umuulan pa. Sana bukas maaraw din.

@Zyryn

Late lunch. Dinuguan in the house. Nagluto ang biyenan ng kaofficemate ko at dahil sa kabilang street lang may free delivery pa. Pag ganitong holiday at may pasok sa opisina kaming 2 lagi ang present pag sinabing skelatal.

@Zyryn

Isang oras na lang uwian na ulit. Medyo nakakainip at 2 lang kami sa office ngayon dahil holiday. Pero pag natanaw naman sa labas parang ang dami ng tao parang busy na sila pamimili para bukas at undas na.