Magandang tanghali mga ka noise. Wala akong baon ngayong ulam at para makatipid bumili si manager ng manok sa tapat na tindahan at niluto na lang kaya sa halagang 35pesos solve na solve na.
@Zyryn in September 2022
Magandang gabi sa lahat. Katatapos lang maghapunan kaya dessert time. May nakuhang papaya sa tabing bahay kaya may libreng dessert. Masarap kumain habang umuulan ulan.
Merienda time!!! May nagdala na ka officemate namin galing infanta. Espesyal sa kanila ang ganitong suman hindi na kailangan ng asukal. Busolve na naman.
Goodnight mga ka noise app. Kailangan ng matulog may pasok pa bukas sa trabaho at yong 1 junakis may pasok din sa school kaya kailangang gumising ng maaga para sa pagpprepare pagpasok. Sweetdreams to all
Saturday good morning sa inyong lahat. Bulaklak galing sa garden ng aking hipag para sa inyo. Pampagoodvibes. Happy happy
Dumating na ang order ko sa shopee. Sa halagang piso lang may lagayan kana. Nag open ako ng shopee app don sa isang phone at may pa freebies pala sila pag bago. At ito ang na avail ko.
Ito yong inorder namin kaninang lunch. Di agad nakain at may dumating na client kaya late upload na rin. Walang baong pagkain kaya para maiba naman tapsilog ang order.
Kararating namin ng bahay. Ininvite kami ng pinsan ko 1st birthday ng anak niya. At syempre pag may birthdayan may ice cream. Bakit nga ba masarap ang dirty ice cream?
Good morning. Maulang linggo ng umaga noise fam. Breakfast for today ay corned beef with milo. Happy sunday
Goodnight everyone. Sana tumigil na ang pag ulan at umalis na ang bagyo. Ingat po ang lahat lalo na don sa mga lugar na matataas ang signal. Sana paggising natin bukas ay sumikat na si haring araw.
Magandang umaga sa lahat. Salamat at tumigil na ang ulan at tahimik na ang paligid. Nag uumpisa ng nagpapakita na ang haring araw. Happy monday!!!
Magandang gabi mga ka noise. Kararating lang ng bahay at ang dami kong gutom hindi kasi nagmerienda sa office kaya pakiramdam ay gutom na gutom. May natira pa palang spaghetti nong linggo at ang sabi nga mas masarap pagpangat kaya naubos agad.
Kain po tayo ng dragon fruit. Isa sa paborito kung prutas. Binigyan ako ng aking biyenan na lalaki mula sa kanyang tanim. Pagumuwi siya sa bahay nila galing taniman at may dalang gulayin o prutas alaga akong alukin siguro alam niyang hindi ako pihikan kaya go lang pag may binibigay.
Bagong pambaon ng mga junakis. Nagtry akong bumili ng 1beses at nagustuhan naman nila. Ito ang request nilang bilhin ko ang Mr. Milk strawberry flavor product ng Del monte. Nag sawa na sa yakult at delight.
Magandang tanghali mga ka noise. Nakakain naba kayo? Menu for today, wala akong baon na ulam. Sakto dumaan ang aming magtitindang suki at ang nagustuhang kong bilhin ay ginataang langka kaya busolve na naman ang ating tanghalin.
Share ko yong gawa ng mga ka mommies ko para sa aming parents project. Ang cute tingnan ng mga plastic recycle na nilagyan ng pintura at ginawang design na mushroom pang refeshing sa mga mata may kasama pang mga halaman.
Dumaan muna sa bahay ng biyenan. At may pameriendang sopas. Pag araw ang 2 kong junakis ay nasa biyenan ko. Sa maga idadaan pag walang pasok at pag may pasok naman doon muna sila tutuloy tapos dadaanan lang namin paghapon. Nasa 1 barangay lang naman kami sila sa ibaba kami naman sa ilaya.