Currently nagbibiyahe na ang parents ko..bunso Kong kapatid at anak ko papuntang tagum city....from lanao del sur to tagum city...umalis sila ng 6am at nasa Davao city na daw sila now...estimated ng tatay ko darating sila ng 6 to 7pm through bus and van ... Excited silang pumunta..nangutang pa sila para lang maka attend ng graduation ng little bro ko...super happy and proud sila dahil sa wakas magkakaroun na sila ng anak na sundalo...kasi sino ba naman mag-aakala na ikaw ama na grade 4 lang natapos at mangingisda boung buhay mo ay magkakaroun ng anak na sundalo..nakapagpatapos ng college sa criminology ..yung ikaw nanay na 3rd high school lang natapos tapos namamasukang tagalaba sa kuya at tagalinis ng bahay ay magkakaroun ng anak na sundalo....?sino mag eexpect doun?kaya super excited ..happy at proud sila as a parents...at ganun din naramdaman nila noung makapasa ng LET yung bunso naming babae last 8months ago... Pati ako super happy para sa kanila kasi nagbunga lahat ng paghihirap nila sa pag papaaral sa mga kapatid ko..last 3years lang huminto ang tatay ko sa pangingisda noung maibiki kona siya ng trysicle...hindi kona siya pinayagan mangisda ulit..pinabinta kona bangka namin.. pati yung mga baka namin na nagpapahirap sa kanila sa pag aalga.. pinabinta kona rin...sabi ko nga..maghintay nalang sa padala ko at wag na masyado magtrabaho...gusto ko kasi na maging parang pensioner nalang sila kahit temporary lang habang nasa abroad ako... Kayo ba?ano ang kaya niyong gawin sa parents niyo?yung iba kasi nababasa ko na nagrereklamo sila kasi ginagawa daw silang retirement fund ng mga parents nila....ako never ako nagreklamo kahit maubos ang pera ko sa kanila.. basta masaya sila at hindi nahihirapan....masaya na ako... Time:12.14pm....
Log in to join in Reading is open to everyone. Replying needs an account.
7 comments
Wow! Happy talaga si Tatay nyan, sobra sobra ang kasayan ng kanyang puso, proud na proud sya sa bunso ninyo. Congratulations sa younger brother mo dear.
-->… ☺ ay wow congrats sa imong manghod sis…
Salamat po.. ☺
congratulations sis sa kapatid mo. Worth it yung pagod mo jan sis at proud ka sa mga achievements nila.
Super proud at happy po ako sa knila...☺
Safe travels!
Thank you po...nakarating na po silang lahat ng safe kaninang 7pm...