Kapatid
Ako ay pangalawa sa anim na mag kakapatid, tatlong maria na magkakasunod at tatlong lalaki naman ang mga sumunod. Minsan talaga ang magkakapatid ay hindi magkakasundo, marahil iilan sa atin at lahat tayo ay may mga kapatid. Kung minsan naman ay magkasundo din sa ibang bagay katulad na lamang ng iisa lang ang gusto natin. Hindi din maiiwasan ang hindi pagkakaunawaan tila ba ay hindi kumportable ang isat isa kung saan may mga bagay na pinagtatalunan. Ako at ang pangatlo kong kapatid na babae ay madalas mag talo noong kami ay bata pa lamang.. Madalas na pagtalunan ay ang pag huhugas ng plato, pag wawalis at iba pa. Minsan kami din ay umaabot na sa puntong nag sabunutan na, hanggang sa nahuli kami ng aming tatay. Hindi din talaga maiiwasan ang pagtatalo lalo na magkasama sa bahay. Minsan may mga oras na maayos kami magkasama sa bahay at masaya din nag kekwentuhan. Ang aking kapatid na panganay naman ay hindi kami gaanong close sa isat isa, hindi masyado nagkakakwentuhan. Pero cool din naman kasama ang ate ko. Katulad na lamang ng aking kapatid na lalaki, sila naman ay parang kami ng mga ate nila, madalas din mag asaran, pikunan,suntukan at iba pa. Lahat naman sila ay naging parte ng buhay ko kahit na hindi magkakasundo minsan ay naasahan naman sa hirap ng buhay. Masaya lang ang buhay na may kapatid ako, dahil hindi lang sa ugali mo sila nakikila pati na din sa mga oras na kailangan namin ang isat-isa ay handang magparaya at mag bigayan.
6 comments
ganyan talaga pag may kapatid, at least hindi pa naman nag iiwanan
tototo yan sis kahit na may mga pamilya na wala parin iwanan
oo nga minsan maam hindi magkakasundo lalo na pag malilit pa. pero pag lumaki na siyempre nagmamahalan na..ikaw ba panganay?
ako ay pangalawa sa magkakapatid, naglalakihan na lahat mga nagmatured na din
oo nga maam. minsan na mimiss mo rin yong mga panahong mga bata pa kayo. magkalapit lang ba kayo?
oo pero kaming tatlong maria may sariling pamilya na, yung tatlong lalaki nalng ang nasa mga magulang ko.