read.cash Log in

@Zhabina

Joined 19 September 2022 · 1351 posts

Wiser, stronger and adventurer 😉

120 KT

0 KT received · 0 KT given

Posts

@Zhabina

Hello noisers, last post ko pala 4 days ago na. Nasira kasi ung phone ko at ngaun lang naayos kaya after ko mag charge ung bitcoin wallet talaga binisita ko, aba tumaas unti ung bch at nadagdagan ng 5 pesos ung laman hahaha mukhang bumalik na ung ayuda. Kaya thank you talaga at sana tuloy tuloy na ang ligaya.

@Zhabina

Happy 18th monthsary mga ka squads, hindi na ako sumali sa pa games nina Sir Aya kasi nahiya ako hahaha last visit ko kasi sa site na to 2 weeks ago pa kaya babati nalang ako :) Goodluck sa lahat ng may entries at happy monthsary ulit sating lahat. Lahat may hangganan pero ung nabuong samahan natin un ung mananatili lagi kaya walang IN THE END sa story natin. #18thMonthsary

@Zhabina

Convo Nagising ako kaninang madaling araw kasi bigla nalang tumayo ung anak ko para mag wiwi kaya sinamahan ko sa cr at nahiga na ulit. Pero before ako natulog nag check muna ako ng messenger at nag chat pala ung partner ko na bat daw gising pa ako kaya sabi ko nagwiwi kasi si zhaby sabay sabi ng matutulog na ako tapos yan ung reply niya, kaya nagulat ako. Hahaha yes nagulat talaga ako akala ko nga wrong send lang siya kasi matagal na siya hindi nag gogoodnight sakin at nag sasabi ng i love you kaya sa isip isip ko may kasalanan ata tong ginawa or may sakit lang hahaha Wala lang na share ko lang, ngaun ko lang kasi naalala.

@Zhabina

Card day Kanina pala ung releasing of card sa school ng anak ko at the same time may meeting din para sa mga concerns like books, tuition and uniform. Sobrang nakaka stress talaga ung school na un promise, sabi kasi starting on monday mag books na sila tapos kanina pumunta ung directress pag ayaw daw namin pumayag na mag module pull out daw niya ung name ng school at bahala na daw kami, grabe lang diba ok sana kung libre lang ung tuition na ganon ka dali sabihin na pull out eh mahal na nga ng tuition lagi pa may bayarin tapos ayaw pumayag sa books kaya no choice stick ulit kami sa module, ang sakit lang sa bulsa kasi 240/week jusko hanggang june pa yan. Hays kaya sabi ko sa partner ko pag tygaan nalang muna namin buti at ok lang sa kanya. At ang bait din ni Lord kasi wala na talaga akong pera tapos sa monday pa sahod niya, buti kaninang umaga na credit na daw sahod niya sabay ung incentives niya kaya mapapa thank you Lord ka nalang talaga. Kaya ito share ko ung grades ng anak ko, kahit stress kanina napalitan naman ng tuwa ng makita ko grades niya. Sana tuloy tuloy na ganito.

@Zhabina

Nakuha ko na ung result ng urine ng anak ko, sabi ni doc sobrang taas daw ng uti ng anak ko kaya need niya mag pa test ulit ng urine c/s naku kinakabahan ako noisers, huhuhu bibili palang ako ng gamot niya ngaun para mamaya pag uwi ko makainum na siya agad para hindi na siya masaktan pag mag wiwiwi. Iniwan ko lang sila kay lola para mas mabilis ako kasi umuulan din kaya sabi ko ako nalang aalis. Aun iyak sila ng iyak hays.

@Zhabina

Just got home from hospital, pina check up ko kasi ung anak ko. At aun nag request lang si doc ng urinalysis para ma confirm kung may UTI talaga ung anak ko tapos nag bilin lang na lactacyd muna ung gagamitin ko panglinis sa private part niya. Kaya bukas magpapa laboratory kami ng ihi niya para malaman talaga namin at para mabigyan siya ng gamot. 150 pesos lang pala binayaran ko kasi may hmo ako dapat kasi 600 un eh. Malaki din nadiscount ko tapps sabi ni doc pwede ko din daw gamitin un sa laboratory para may discount ako.

@Zhabina

Nag usap kami ng partner ko kasi sabi ko baka may uti si zhaby, pina alam ko sa kanya na papacheck up ko bukas kaya na open niya din sakin na need niya daw mag pa Endoscopy, hindi ko alam un kaya sabi ko para san? Para daw sa my gerd or stomach pain may ipapasok daw na camera sa tyan para makita talaga kung ano ung problema kaya sa december nalang daw. Kaya nag research ako, naku po ang mahal pala. Mukhang sa endoscopy lang mapupunta 13th month pay niya at sahod ah kasi nung july lang naman siya nag start mag work don, pero ok lang ang importante magamot kasi grabe daw umatake ung sakit sa tyan niya. Kaya nag research ako at totoo nga ang lakas din magkaroon ng anxiety pag may gerd tapos ung iba pumapayat, pero siya hindi naman hahaha bawal kasi ma stress ung may gerd kaso no choice nasa bpo siya kaya normal na ung stress sa kanya.

@Zhabina

Papacheck up ko sana anak ko mamaya kaso bigla ko naalala na meron palang binabayaran ung partner ko na intellicare na dependent ung 2 kung anak kaya sabi ko baka pwede gamitin un kaya nag explore ako sa account niya at nakita ko ung 2 hospital dito samin na accredited kaso nalilito ako kung sinung doctor ung para sa pedia kaya ginawa ko hula hula lang tapos search sa fb hahaha at aun na contact ko ung isang pedia, tinanong ko siya kung nag aaccept ba sila ng intellicare account at oo daw kaya aun nag request agad ako ng appointment for tomorrow at sabi niya 2pm daw ung clinic. Sayang din ung binabayaran ng partner ko kung hindi ko gagamitin eh, 2k per month pa naman daw un. Kaya para bukas gamot nalang gagastusin ko.

@Zhabina

Sweet meat or sweet ham Ito ung dish na mas masarap pa sa lechon promise, hahaha sabaw palang kasi ulam na. Manamis namis kasi ung lasa niya dahil sa pineapple slice at sprite na nilagay habang niluluto at sympre mas masarap pag nilaga ung paa ng baboy ng mabuti para sobrang lambot niya na swak sa sabaw. Yan pala ulam namin kaya picture muna bago kain kasi gutom na din ako kanina. Hahaha

@Zhabina

My last update was 20 hours ago pa pala, nabusy ako kahapon until now. Medjo kinakabahan ako kasi kaninang madaling araw nilagnat ung panganay ko tapos pag gising niya nung umihi siya masakit daw ung ano niya tapos pag ka uwi niya kanina masakit daw ulit nung umihi siya feeling ko tuloy may uti ung anak ko, pag nasa school kasi hindi siya umiihe inaantay niya pa umuwi sa bahay bago umihi. Eh hindi ko naman to pinapakain ng chichirya at hindi rin umiinum ng soft drinks. Pag hindi pa nawala bukas, papacheck up ko nalang siya.

@Zhabina

Announcement from school Nag update ung isang parent sa gc at senend to sa gc namin, aba may meeting pala sa saturday at the same time card day din. Ewan bat bigla ako kinabahan, hahaha ako kasi dati pag card day kinakabahan ako pero ngaun pag nanay ka mas kakabahan ka pala hahaha ewan ko kayo rin or ako lang kasi 1st time to sakin eh.

@Zhabina

Ice cream Nauna na ung dessert kesa sa lunch ko, hindi pa kasi ako gutom kaya nauna na ako kumain ng ice cream. Sa init ng panahon ngaun parang gusto kung ubusin ung isang tub hahaha char hindi ko naman kaya un. Tara ice cream time muna tayo noisers, double dutch pala flavor nito from creamline kaya masarap siya.

@Zhabina

Playtime Every recess yan ata ginagawa nila, senend lang to sakin ng co parents ko. Ung clay na ginagamit nila ay ung clay ng autism student un kasi ung stress reliever ng bata at un ung nagpapakalma sa kanya pag nag tatantrums siya. Ung ibang autism galit sa mga bata pero siya gustong gusto niya makipaglaro tapos close pa sila ng anak ko kaya everyday may inuuwing clay ung anak ko kasi binibigyan niya lagi. Nakakatuwa lang kasi kahit wala ako don sa school para mag bantay, ina update ako ng co parents ko sa ginagawa ng mga bata sa loob ng room.

@Zhabina

Ung pumalit sa To good to be true, intro palang pasabog na. Mukhang maganda to na palabas ah kasi mga bigatin ung mga cast kaya may rason nanaman ako para magpuyat nito hahaha Pero mukhang pass muna ngaun, kasi parang dinadalaw na kasi ako ng antok pero maaga pa kaya baka pwede pang pigilan hahaha gising pa din kasi mga anak ko kaya hindi pwede matulog.

@Zhabina

Just got home from bayan Bumili lang kami ng school shoes ng anak ko kasi sabi nila meron daw sa bayan na rubber kaya pumunta kami ng anak ko, tuwang tuwa nga siya kasi after how many years naka commute ulit siya hahaha last commute niya kasi baby pa siya non eh. Halos nilibot namin ung palengke kakahanap buti nalang at may nakita kami at nag iisa nalang un, nabili ko ng 230 pesos pero sa iba 150 lang pero ibang klase un ito maganda at mukhang leather siya. Kaya binili ko na agad at naka mura ako, kasi pag sa mall ako bumili nasa 600 plus ung school shoes kaya ung natirang pera ko binili ko ng biscuit ni lolo at pagkain ng mga bata.

@Zhabina

Purya usog hahaha kahit siya lang mag isa pinapasok ko pa din siya sa school kanina kasi tumila na ung ulan kaya hinatid ko siya tapos bumalik na ako don dala kapatid niya. Kaya ang ending dalawa lang sila sa loob ng room kaya nag stay na din ako, pag dating ko don parang nag uusap lang naman sila ni teacher kaya ok lang siguro na nandon kami tapos sabay din sila nag recess at naglaro doon. After break time nag proceed na sila sa discussion at filipino ung subject, kita ko talaga na hirap sa filipino ung anak ko kasi hindi niya ma pronounce ng maayos at maintindihan kaya ginawa ni teacher kinausap niya nalang ng english para may masagot ung anak ko. Gusto ko pa din talaga na nakikita ko kung pano turuan ung anak ko kaso hindi na pwede mag stay sa loob eh ang importante everyday pag tinatanong ko siya kung ano tinuro ni teacher sinasagot niya naman ako.

@Zhabina

Rainy morning noisers, kakatamad bumangon kasi umuulan ang sarap lang matulog hahaha kaya nag kape na ako ng mabuhayan ung katawang lupa ko tapos ung anak ko kakabangon lang din. Sabi ko late nanaman kami sa school nito pero nag chat ung co parents ko na mag aabsent ung 2 classmate ng anak ko eh 4 lang naman sila so 2 nalang silang papasok kung sakali kaya sabi ko papasok pa ba kami? Hahaha baka kasi hindi rin pumasok ung 1 kasi umuulan ang ending ung anak ko nalang nandon kung sakali hahaha. Antayin ko nalang chat ni teacher, ilang kembot lang naman kami papunta sa school.

@Zhabina

While watching tv, bigla nalang sinabi ng bunso ko na "i miss my daddy because i saw a snake tapos sinagot siya ng ate niya na lets wait for daddy he is on work im here chase. Chase tawag niya sa kapatid niya hahaha natawa nalang ako at na touch sa convo nila kaya chinat ko ung partner ko na namimiss na siya ng bunso kaya aun bigla tumawag at ng vc sila saglit kaya tuwang tuwa naman ung mga anak ko kasi nakita nila daddy nila, sakto at off niya ngaun kaya nag ka time sila mag usap. Oh sinu kamukha ng mga anak ko? Ako diba? Hahaha

@Zhabina

Folding time Natuyo na ung ibang damit ng mga anak ko kaya nagtutupi na ako at gusto tumulong ng panganay ko kaya tinuruan ko na, hindi pa siya gano marunong magbaliktad kaya ako ung taga baliktad ng short tapos siya na ung taga tupi, nakakatuwa lang at marunong na siya kahit hindi ganon ka ganda. Baka next year siya na magtutupi ng mga damit nila hahaha maganda din pala pag maaga palang turuan na ung mga bata no, ako kasi hindi naturuan nung bata kaya malaki na ako natuto sa mga gawaing bahay kaya gusto ko maaga matuto mga anak ko para hindi na sila mahirapan pag lumaki sila.

@Zhabina

Overload laundry Kung sa pizza may overload, sa labahan naman meron din hahaha first batch palang yan meron pa sa kabila. Kainis kasi biglang umulan eh ang init naman kanina kaya takbo dito takbo doon kami hahaha buti at maraming tao sa bahay kaya tulong tulong kami sa pagkuha ng sinampay. Kaya ang ending ung mga tuyo na kanina nabasa ulit hays ewan ko ba sa mother earth natin mukhang susuko na, kaso kasalanan din naman natin.

@Zhabina

Part of my daily routine Ung mga anak ko talaga gusto dagdagan ung trabaho ko lagi, araw araw nalang nag pupunas ng crayon sa sahig, pinag bibigyan ko nalang sila kesa sa labas pa sila mag laro. Nakakabored din naman kasi dito sa loob ng bahay kaya pag wala sila magawa kukuha nalang sila ng crayon saka mag drawing sa sahig kaso ako ung kawawa hahaha tinutulungan naman ako ng panganay ko mag linis minsan kaso habang nagbubura ung mata nasa tv kaya sabi ko ako nalang. Araw araw iba ung drawing nila, eh ang panget naman pag hinayaan ko lang kaya araw araw dapat linisin.

@Zhabina

Lumpia shanghai for breakfast Bago kami natulog kagabe nag balot na si mama ng lumpia kasi maaga sila aalis para daw mag priprito nalang kami bukas for breakfast. Kaya ito pag gising ko nag prito na ung kapatid ni lolo, dumalaw kasi siya dito kahapon tapos dito na siya natulog kaya maaga sila nagising ni lola at nag prito na at nag saing na din kaya ito kakain nalang kami. Tara kain muna noisers, at mamaya ulit ako makakabalik dito kasi marami kaming labahan need ko tumulong mag sampay.

@Zhabina

From my facebook memories 6 years ago Wala lang, feeling ko kasi ang ganda ganda ko dito oh hahaha jusko panahon na single pa ako na walang iniisip kundi gumala at mag waldas ng sahod hahaha ngaun ang layo ko na sa dating ako, ngaun kasi puro pagtitipid na inaatupag ko, kung gagala man ako para sa mga anak ko hindi para sakin. Iba talaga ung transformation pag naging nanay kana no, hindi lang physical pero mentally din. Sarap lang balikan ung memories no. Buti may ganitong soc med na nag reremind ng mga ka ek ekan natin noon.

@Zhabina

Just got home from Rob, sumaglit lang kami kasi bibilhan ko sana ng school shoes ung anak ko kaso wala akong mahanap kasi slim ung nandon eh ung paa ng anak ko malaki ung intrada kaya bukas nanaman ako maghahanap baka sa sm nalang, kaya pinasakay ko nalang sila sa horsey don sabay uwi kasi gabi na. Bumili din kasi ung kapatid ko ng journal kaya napapunta kami ng rob ng alanganin sa oras. Sabay picture nalang din sa labas as remembrance.

@Zhabina

Dinuguan for lunch Nagkatay sina mama ng baboy kanina kasi maraming order sa bayan, kaya nag ka dinuguan kami ngaun. Last kain ko ata nito last year pa kasi hindi bumibili si mama ng dugo sa palengke kasi baka madumi kaya pag nagkakatay sila ng baboy un pala ung time na makakakain kami ng dinuguan. Ung gusto ko talagang luto ng dinuguan ung luto ni lolo kaso na stroke siya kaya hindi na kaya tumayo kaya si lola ung nagluto, ok naman ung lasa kaso pag tikim ko kulang sa asin hahaha kaya dinagdagan ni lola ng asin at ito na ang sarap niya na. Tara lunch na muna tayo noisers, may power na pala kaya nakabalik na ulit ako dito.

@Zhabina

Good morning Saturday, napasarap tulog ko kasi maulan ulan talaga kanina kaso istorbo talaga ung bunso ko 7am palang dinadaganan na ako sabay tusok sa mga mata ko para magising lang ako at pag hindi ako nagising iiyak nalang bigla hahaha brown out kasi kanina until now kaya maaga sila nagising tapos until 4pm pa daw ung brown out, naku ang haba pala hindi man lang kami naka charge kaya ito 5% nalang phone ko. Tara almusal muna tayo noisers, mamaya na akong hapon babalik dito ha anytime kasi mamamatay na tong phone ko.

@Zhabina

Result of exam Nag chat ung teacher ng anak ko nag send ng result ng exam, kinakabahan ako habang hinahanap ung pangalan ng anak ko tapos napangiti nalang ako nung nakita ko na perfect niya lahat ng subject. Hay nakakaproud lang as mommy, lahat ng nireview ko kagabe at kaninang umaga tinandaan niya akala ko nga hindi eh kasi nag away pa kami kaninang umaga bago pumasok kasi inaway niya kapatid niya. Kaya pag hatid ko sa kanya kanina sa school iniwan ko na siya tapos biglang nag chat ung teacher niya after 1 hour na tapos na daw siya, kanina pa pala niya ako inaantay naka 2 activity na nga daw siya para malibang kakaantay sakin hahaha na busy kasi ako kanina. Ngaun may utang na akong playground sa anak ko, sabi ko kasi pag na perfect niya exam niya pupunta kami ng playground pag umuwi daddy niya, next week pa naman ung uwi kaya makakapag ipon pa ako hahaha dapat kasi may budget pag gagala sila kasi hindi pwede na hindi kumain sa labas

@Zhabina

Just woke up from afternoon nap, napasarap tulog ko noisers. Ang sarap sa feeling makatulog sa tanghali, parang nag recharge ung katawang lupa ko hahaha kaya nagutom ako pag ka gising sabay hanap pagkain sa ref at ito naabutan ko, egg pie bumili pala si lola kanina kasi pumunta sila ng city para mag pa rehab kay lolo, oy hindi rehab na drugs ha hahaha rehab tawag sa theraphy eh. Tara merienda time muna.

@Zhabina

Inday inday for breakfast Maaga ng luto ung tita ko kasi maraming order kaya bumili nalang din kami kasi mahilig kami ni lola dito, ung last post ko nung november 1 marami nagtanong kung ano ung inday inday, palitaw siya sa tagalog kaso magkaiba lang sila ng toppings. Ito muna breakfast namin, kaumay kumain ng kanin eh, mabigat naman to sa tyan kaya mabubusog talaga ako nito. Tara almusal muna.

@Zhabina

So happy and blessed na kahit 1 week na ata akong hindi active dito nanjan pa rin kayo para pumuso sa mga post ko. Na busy talaga ako this past days kaya kahit reply hindi ko na nagagawa ung tamang post nalang ako at run tapos kunting basa basa nalang ng unread. Babawi ako after ng exam ng anak ko, nakakamiss din mag chikahan dito eh but for now tulog muna tayo ha, umuulan kasi kaya parang hinihila na ako ng kama. Hahaha Good night noisers, wag kayo masyadong magpuyat.