Dinuguan for lunch Nagkatay sina mama ng baboy kanina kasi maraming order sa bayan, kaya nag ka dinuguan kami ngaun. Last kain ko ata nito last year pa kasi hindi bumibili si mama ng dugo sa palengke kasi baka madumi kaya pag nagkakatay sila ng baboy un pala ung time na makakakain kami ng dinuguan. Ung gusto ko talagang luto ng dinuguan ung luto ni lolo kaso na stroke siya kaya hindi na kaya tumayo kaya si lola ung nagluto, ok naman ung lasa kaso pag tikim ko kulang sa asin hahaha kaya dinagdagan ni lola ng asin at ito na ang sarap niya na. Tara lunch na muna tayo noisers, may power na pala kaya nakabalik na ulit ako dito.
24 comments
favorite ko yan sis depende sa pagkaluto
Oo depende talaga sa luto ung iba kasi matamis ung iba naman maasim
Yes Lalo na pag nilinisan ng maayos ang main ingredient sis
Oo sis, si lola kulang nalang mabigtas ung intestine kakalinis hahaha
mas masarap kasi pag maganda pagka linis
Perfect to with kain or puto hehe
Ay oo masarap sa puto kaso wala kami hahaha tinapay nalang mamaya
Ako naman sis gusto kong luto niyan sa dinuguan yung may gata.Yan ang hindi ko naluluto ayaw ng mag ama ko
Ha? Pwede pala ung may gata sis. Hindi ko pa na try un
Oo sis ganyan luto samin sa bicol ayaw ko nung gisa lang.
Ay talaga, dito samin gisa lang ata eh.
Natakam ako sis sa dinuguan mo
oh la la. sherep!
Hoy baby kumakain na niyan? Ndi ka babae mo di maganda yan sa health hehehe
Ha? Bat hindi maganda sa health kuya? Sarap kaya puro laman naman to kunti lang ung intestine tapos si lola nag linis
Ang sasarap Ng ulam nya. Bago pa ko nag scroll dito naisip ko na Yan dinuguan ulamin Kaya Lang wala dito.
Ang sarap nga, tagal din last kain ko nito eh.
May sabaw dinuguan nyo jan sis hehe gusto ko sa dinuguan dry lang
Oo may sabaw talaga sis, un din gusto ko ung medjo dry
Sarap yan kapag naprito muna bago gawin dinuguan
Ay ganon ba dapat sis prito muna?
Oo ganun sila magluto dito sis para ndi malangis
Ay ganon, yan hindi naman malangis sis kasi pinakuluan talaga ng mabuti ni lola nung malambot na saka nilagay ung dugo
Perfect ipartner sa puto.