Sad boy ang baby boy ko, inaasar ko kasi siya na tinapon ko na ung milk bottle niya kasi hindi siya nakikinig sakin, sinabihan ba naman ako na thats bad mommy i will call policeman, hahaha natutuwa talaga ako asarin tong bunso ko kasi lakas maka paawa effect eh tapos sabay mag sasabi ng i love you para bigyan ng milk kaya sinu ba makakatanggi sa batang to.
Gising na gising pa talaga kami ngaun, ewan kung anong oras nanaman sila matutulog ngaun eh may pasok pa naman bukas.
Sobrang stress ung buong araw ko kakasaway sa mga anak ko, pinatulog ko sila kaninang 1:30 pero hindi natulog kaya hinayaan ko nalang maglaro sa loob ng bahay, at tinago ko ung mga tsinelas nila para hindi sila makalabas kaso binigay ni mama at umalis sila saglit tapos sabi ni mama matulog daw sila kasi pag gising nila aalis daw sila sa mall kaso hindi natulog ung mga anak ko tapos naglaro sa labas kasi nga may tsinelas na sila, at nung aalis na sina mama nag tantrums na mga anak ko ayaw na pumasok sa bahay iyak na ng iyak, edi ako nainis nanaman kasi ang pinaka ayaw ko sa lahat ung mangangako tapos hindi tutuparin, kahapon kasi pinangakoan din na aalis tapos ngaun ulit eh ang hirap eh please ng mga anak ko kasi pag sinabi mo talaga sa kanila na aalis hindi ka nila tatantanan kaya aun napalo ko sila at nakatulog na kasi binigyan ko ng gatas.
Nakakaguilty lang pero minsan dumadating talaga tayo sa point na ung inis nabubunton sa kanila kaya pinag sabihan ko na wag na maniwala kay mama kasi masasaktan lang sila at ako lang din mahihirapan.
Time check, its 8:51am pero ung anak ko himbing na himbing pa talaga ung tulog hahaha sinusulit talaga ung holiday eh, pero ganito talaga siya nung hindi pa nag aaral minsan nga umaabot pa siya ng 10am kakatulog kaya ang bilis lumaki kasi takaw sa tulog at kain hahaha.
Nakakatamad bumangon ngaun noisers, parang gusto kung sabayan ung anak ko sa tulog kaso nanay tayo eh kaya tara bangon na. Good morning pala sa inyo, enjoy the holiday.
Sign na may iba na ung partner mo?
Hmmm napapaisip ako, ano nga ba ung mga sign? Ung wala ng time makipag usap? Natural samin un eh. Ung walang kamusta? Normal lang din samin un eh. Hmm siguro kung hindi na umuuwi no or ayaw na umuwi? Hahaha un lang naiisip ko na sign eh, kayo ba noisers? Last uwi kasi ng partner ko Nov 6 pa usapan namin na Nov 20 uuwi siya kasi gagala kami kasi mataas nakuhang grades ng anak namin tapos nag agree siya pero nung 20 na bigla siya nag chat na next month nalang daw siya uuwi kaya sabi ko sige sa Dec 10 nalang kasi pupunta kami ng iloilo para sunduin si tita sa airport tapos bigla nyang sinabi na hindi daw siya uuwi sasama lang daw siya sa airport para magsundo eh day off niya naman un. Kaya napaisip ako na wala na iba na talaga to, hahaha sa isip isip ko bahala siya importante nasakin atm niya hahaha.
Police Car Cake
Busy ako kakahanap ng design ng cake, malayo pa naman birthday ng anak ko pero sympre gusto ko settle na kahit na hindi ko pa alam plano ng partner ko, hahaha police car talaga gusto ng bunso ko kahit anong tanong ko sa kanya police car lang mukhang bibig niya kaya balak ko siya bilhan ng police car sa birthday niya sa Dec 18, pero pinag iisipan ko pa kasi gusto ko din bike kaso wala pa bonus ng partner ko kaya malalaman ko pa yan pag kaya ng budget, hahaha ung kita ko naman sa noise nakalaan na un sa birthday niya kaya wala na ako problema.
My kind of lunch
Nakakapagod ung init ngaun kaya deserve natin kumain ng masarap na lunch, hahaha ang sarap lang pag ganitong ulam bubungad sayo no, thanks to mama sa pag prepare ng masarap na lunch alam niyang gutom kami kaya masarap ung niluto niya. Kaya tara kain na tayo noisers, nagutom talaga ako sa lakad namin ni lolo, grabe din kasi ung init kanina.
Rehab
Busy si mama kanina kaya ako nalang ung sumama kay lolo para mag pa rehab, every T Th kasi ung sched niya at ngaun pa uwi na kami, grabe ung traffic at init kaya nag pa change sched ako into 2:30pm para hindi na masyadong masakit ung init pauwi. Top down lang kasi ung service ni lolo pag magpaparehab kasi kailangan niya ng wheel chair kasi hindi na siya makatayo kaya hirap pag tricycle pa ung sasakyan namin. Lumalaban pa kaso si lolo kaya hindi namin siya sinusukuan, nagbabakasakali na makalakad pa siya ulit kahit na naka 4 na stroke na siya
Adobo for dinner
Kakaiba ung itsura ng adobo na to no, hahaha native kasi yan na manok kaya ganyan matagal din niluto para lumambot talaga kaya sarap na sarap ung mga kapatid ko kasi malambot ung pagkakaluto ni mama. Iba din talaga lasa ng native, wala kasing halong chemicals eh kaya hindi siya ganon ka lasa. Tara dinner na muna mga ka noisers, habang nanunuod ng darna.
Nabitin ako sa merienda namin na mini pizza, hindi ko na napicturan kasi pag lapag ko nag sikain na sila hahaha kaya pumunta ako ng tindahan para bumili ng tropicana kaso wala na daw stocks nun matagal na kaya sabi ko sige ice cream nalang. Naghanap ako ng pinipig na taro flavor kasi masarap daw un sabi ng ka noisers natin dito kaso wala kaya nauwi nalang sa creamline na cornetto, hahaha ang sarap din pala kumain ng ice cream mag isa no este may ka share pala nasa 2nd photo, hahaha hindi ko sila binilhan kasi kahapon nag ice cream na sila, hindi kasi pwede lagi dapat minsan lang para iwas ubo.
Its merienda time
Tasty bread lang ung meron kami dito ngaun noisers, katamad din lumabas para maghanap ng pagkain kasi hamburger lang din at hotdog sandwich ung nandon kaya ito pili nalang kayo ng spread na gusto niyo, hahaha iba iba ung palaman namin kasi iba iba gusto ng mga tao dito sa bahay pero hindi ko bet kaya gagawa nalang ako ng mini pizza kasi may hotdog pala dito sa ref, kaya balikan ko kayo mamaya sa finish product hahaha.
School ID
Need daw mag submit ng 1*1 at 2*2 sa school para sa ID at profile ng mga bata kaya ito struggle sa pictorial ng anak ko, gusto kasi wacky hahaha naka ilang shots din ako at ito lang talaga ung ok kaya go ko na to kesa ma stress pa kakapicture hahaha buti may printer ung kapatid ko kaya libre lang tapos ung ibang parents magpapa print din pero tatanung ko pa sa kapatid ko kung magkano extra income niya din un eh.
Nag txt sakin ung laboratory na pwede na daw kunin ung result ng CS Urine ng anak ko kaya kanina nung pumuntang city sina mama pinasuyo ko na at ito na nga ung result. Hindi ko maintindihan hahaha kinakabahan ako noisers, sana ok lang result ng anak ko kasi paubos na ung gamot na binigay sa kanya at wala na din namang sakit pag nag wiwiwi siya kaya tingin ko ok na din naman anak ko, but still praying na ok lang result ng lab niya na walang other complications.
Please Lord, sana ok lang talaga anak ko.
Trust
Pano nga ba mag magtiwala? Tama ba na magtiwala? Sorry pero i dont trust anyone. Hahaha nagalit ung partner ko sa convo namin kasi gusto niya mag hanap ako ng yaya para makapag work na ako sabi ko sa kanya mahirap magtiwala sa yaya. Kakaiba daw mindset ko kaya sinagot ko siya na ikaw nga nagloko so pano ako magtitiwala sa iba? Hahaha wala lang gusto ko lang siya inisin ng marealize niya ginawa niya dati. Ganon tayong mga girls diba kahit past na pag naalala ung ganon convo bumabalik talaga lahat.
Dumaan nanaman si manong taho kaya bumili na ako ng 2 para tig isa na ung mga anak ko, recess time pa din naman nila kasi nag prapractice writing kami ng panganay ko. Hindi kasi sila tinuturuan ng writing sa school kaya ako na tumuturo dito, marunong naman siya kaso gusto ko with in the lines talaga para masanay siya at para mas maganda tignan, hahaha ang arte ko ba? Hindi naman no gusto ko lang matuto siya habang maaga at para matuto din kapatid niya kahit tumitingin palang ngaun.
Good morning Mr. Sun
Grabe tirik na tirik na ung araw mga ka noisers oh, ang sarap lang titigan pero masakit hawakan hahaha napasarap ung tulog ko talaga, nagising ako ng 6am kanina para mag timpla ng gatas at hugas ng mga baso ng mga bata tapos natulog ulit ako kasi ang lamig ang sarap humiga hanggang sa nakatulog ulit ako.
Kaya ito late na kaya babangon na ako para makahugas ng bote nila at para makalinis na ng bahay. Brb mga ka noisers, dont forget to eat your breakfast.
Thank you Lord at nabili ko na ung last bottle na gamot ng anak ko para sa UTI, sana after ma take to maging ok na siya, hindi naman daw masakit mag wiwi kaso anti biotics kasi kaya need talaga bilhin ung prescribed ng doctor, almost 3k din nagastos ko sa gamot niya pero ok lang basta gumaling lang siya kaya sabi ko more on water na talaga siya para hindi na bumalik uti niya at dapat wag na pigilan ung wiwi sa school, para na akong sirang plangka paulit ulit ko na bilin sa kanya hahaha hirap din kasi pag may sakit ung bata kaya prevention is better than cure talaga talaga.
Going to market para mag withdraw tapos ang ending offline ulit, hahaha ubos na pera ko kakaabono kay lola ay ewan ko sa atm machine dito samin. Kaya bumili nalang ako ng buns at itlog para merienda ng mga bata tapos pag uwi sa bahay aun nag maoy ung bunso, hahaha ayaw niya umuwi gusto niya mag mall huhuhu kung pwede lang sana kaso bibili pa ako mamaya ng gamot ng ate niya eh 1k din un kaya sabi ko next month nalang ulit kami mag mall, need ko din mag tipid at mag bibirthday na siya next month sabayan pa ng bayaran sa school.
Kaway kaway sa mga hindi pa graduate dito, hahaha at congrats sa mga naka graduate na. ilang years pa kaya tayo mga mamsh? Siguro after 2 years pa talaga ako nito, ayaw pa awat ng panganay ko eh ung bunso matagal pa din kasi mag 3 years old palang next month. Natatawa ako sa mga comment kasi ito lang daw ung hindi mo na kailangan pumasok sa school pero gumagraduate ka hahaha
Nakita ko lang yan sa soc med, super relate ako kaya shinare ko dito kasi alam ko relate din talaga kayo.
Snack time while watching abot kamay
Ang ganda ng episode ngaun kaya sakto talaga at dumating ung tita ko may binibentang merienda kaya ito tamang kain ng inday inday while watching abot kamay sa langit. Grabe nakakabilib ung sagot ni analyn while ung kay zoey jusko napaka hambog talaga hahaha tara merinda muna tayo at ka abang abang kung sinu ung mananalo sa kanila.
Taho Lover
May biglang dumaan na taho kay tinanong ko mga anak ko kung gusto ba nila, ung bunso lang ung sumagot kaya 1 baso lang binili ko kasi busy ung ate kumain ng pancit kanina pero nung nakita ung dala kung taho naku gusto niya din pala kaso ung nagtitinda umalis na agad kaya ayan share silang dalawa. Nakakatuwa lang silang tignan na mag kasundo sa pagkain pero madalas talaga magka away sa laruan hahaha
Good morning Sabado, salamat at weekend na noisers. Makakahiga tayo ng ilang oras kasi walang pasok, kaya ito kakagising ko lang nagising lang ako kasi ung bunso ko tawag ng tawag sakin mommy milk daw hahaha imbes good morning un talaga bungad niya sakin lagi tapos pag binigyan ko na ng gatas sabay sabing thank you and good morning, galing di ba hahaha
Ano 1st duty niyo jan? Ako tinatamad pa talaga bumangon eh.
Kumukutitap titap hahaha
Pagabe na talaga kaya itong mga solar christmas lights namin umilaw na, nakakatuwa lang pagmasdan para silang fireflies kasi nasa halaman sila. Naalala ko tuloy nung nag firefly watching kami sa palawan, nakasakay kami sa bangka nun tapos ang lamig parang christmas lights ung mga fireflies kasi ang dami nila at mas dumadami sila pag tinutukan ng red flashlight. Tapos ung tour guide may ginagawang sound para mas lumabas pa sila. Nakakamiss lang kaso mahal un 1,000 din ung firefly watching pero may kasama ng buffet dinner sa floating cottage.
Happy lunch time
Early lunch muna tayo noisers, yes early pa sakin to kasi 1pm talaga lunch ko lagi hahaha sumasakit na kasi ulo ko ngaun ko lang narealize na hindi pala ako naka almusal kaya tara lunch na muna, tapos na din kumain ung mga anak ko kaya maaga ako makakakain ngaun para makapag pahenga din ng maaga ung mga bata.
Kain na din kayo jan.
Payday budol
Kanina lang nag post ako na ang sakit sa ulo ng bayarin tapos ngaun ito dumating na ung order ko from lazada hahaha ok lang kasi ito napaglaanan ko ng budget pero un kasi hindi. Terno short at pajama yan ng panganay ko, ang colorful ng mga pinadala ni seller. Ang bilis kasi lumaki ng anak ko kaya ung mga damit niya masisikip na kaya ito nilakihan ko na ung size para naman matagal niya magamit.
Good morning noisers, ang sarap ng tulog ko kagabe pero maaga pa din ako nagising. Kakauwi ko lang galing marites este school hahaha parang lalagnatin ako sa bayarin don. May utang pa pala kaming 750 sa module nakaraan kasi pinag sama sama pala nila lahat jusko akala namin wala na kaming utang don tapos gusto nila bayaran na agad, huhuhu ang sakit talaga sa ulo ng school na to ang gulo gulo lahat nalang gusto bayaran. Ang agang stress nito!
Salamat at nakatulog na ung bunso ko, kanina pa kasi talaga ako inaantok kaso pinipigilan ko lang kasi need ko pa siya patulugin, kaya ngaun makakatulog na din ako. Ung panganay ko gising pa, kaya kahit makatulog ako ok lang kasi humihiga lang naman siya hanggang makatulog na din, no need na kasi hele sa kanya kaya kahit ako mauna makatulog ok lang unlike sa bunso na need talaga patulugin kasi pag ako nauna matulog hihilain niya ako or dadaganan para magising. Hahaha
Tara tulugan na tayo noisers, bawi nalang ako bukas hindi na kasi kaya ng powers ko eh. Goodnight sa inyo.
CS Urine
Dahil may Uti ung anak ko at mataas daw nag request ung doctor na mag undergo ng cs urine, naka twice attempt din talaga ako kasi laging hindi pwede kasi lagpas na sa oras. 1 hour lang kasi ung validity ng ihi kaya dapat pagkaihi ipapa laboratory agad kaso ung travel period namin nasa 45minutes kaya laging hindi pwede kaya kahapon nag decide ako na dalhin nalang ung anak ko sa hospital para don mag wiwi, hindi pwede sa mga clinic eh need talaga sa hospital.
Nung nandon na ako sa lab binigyan ako ng papel papuntang cashier jusko nagulat ako kasi ang mahal, 2,000 pesos ung cs urine kaya sabi ko naku pano kaya to kulang pera ko kasi bibili pa ako ng gamot eh 1k ung gamot 2k lang ung dala kung pera kaya pumunta ako kay doc at nagtanong don kaso pag dating ko wala siya buti ung secretary nandon kaya tinuruan ako na pumunta sa hmo para magamit ko insurance ng anak ko at sa awa ng diyos aun ok naman pinapirma lang ako sabay binigay sakin ung papel at un pinakita ko sa lab at ok na daw un balikan ko nalang daw ung result 3-5days kasi matagal talaga un.
Sana ok lang ung result ng anak ko.
Snack time with selfie hahaha
Mainit sa loob ng bahay kaya sabi ng anak ko sa balcony daw siya kakain ng merienda. French fries pala ung merienda niya ngaun tapos mamaya kakain siya ng bread para mas mabusog pa, solo niya ngaun ung merienda kasi naman ung kapatid nung makauwi kami kanina aun knock out agad. Hahaha
Kayo ano merienda niyo jan?
Ayaw matulog ng bunso ko kaya sinama ko nalang siya papuntang bayan kasi nag papawithdraw si lola, buti nalang at nagdala ako ng pera kasi pag dating ko don inaayos pa ung atm machine kaya binili ko nalang ung bilin ni lola. Sabay binilhan ko nalang din tong anak ko ng pagkain tapos may nakita akong batman notebook binili ko din, kasi gustong gusto ng bunso ko si batman kaya yan titig na titig siya sa notebook niya habang pauwi kami.
My kind of lunch
Aun nabusog talaga ako sa lunch ko ngaun noisers, with matching coke kasi hahaha feeling ko tuloy tumataba na ako which is ok naman kasi gusto ko talaga mag kalaman ng kahit kunti. Effective din talaga mag vitamins no, enervon lang naman iniinum ko kaya pag sapit ng 10pm antok na antok na talaga ako tapos 7:30am na ako nagigising kaya ending late kami lagi sa school hahaha. For sure kumain na kayong lahat, tamang pahinga lang muna at kasi papatulugin ko pa mga bata.