read.cash Log in
@Zhabina more from that month

Bakit mahalaga na nakabukod ng bahay ung mag asawa? Ung una kung naiisip na rason ay peace of mind. Walang mangingialam sa desisyon mo sa bahay lalo na sa pagpapalaki sa anak mo. Nagiging independent din kayo kaya lalo niyo sinisipagan kasi hindi natatapos ung expenses at wala kayo aasahan kundi kayong mag asawa lang. Matututo din kayo mag budget at makuntento kung ano ung nakahain sa mesa. Mas madali niyo din ma solve ung problema kasi walang nakikisawsaw na iba. Mas makikilala niyo din talaga ung isat isa at kahit buong araw kayo humiga walang sisita sa inyo. Iilan lang yan sa naisip ko, alam kung marami pang rason. Mas masarap at mas magaan talaga pag nakabukod kaso hindi pa muna ngaun. Pagsisikapan muna namin para makabukod na din kami. Mahirap din kasi ung nakikitira kahit sa sarili mong pamilya.

2 comments

Log in to join in Reading is open to everyone. Replying needs an account.