From my facebook memories Nakakamiss na din talaga mag travel lalo na pag stress at maraming problema. Ung kahit ilang araw lang marelax din tayo sa problema. Pero as a traveller dapat maging responsible din tayo sa expenses. Hindi pwede ung travel now pulubi later hahaha. Kaya pag nag travel pinaghahandaanan hindi un susunod kalang sa trend. Mahirap kasi ung after travel mo mamomoblema ka kasi naubos muna ung pang allowance mo, kaya travel pag ready kana lalo na ung pitaka.
@Zhabina in February 2022
May pa blessing si Coins.ph mga kaingay, arat na sa app at baka may maabutan pa kayo. Check niyo ung sa paybills or buy load nandon ung ampao. Kanina pa sila nag bibigay pang 3 na ata to at ngaun lang ako naka claim kasi ang bilis maubos. Goodluck guys :)
1million pesos para sa mga edad na umabot ng 101 Nakita ko lang yan sa soc med, totoo kaya yan? Kung mapapatupad man, ito na ung magiging rason ng pag away away ng pamilya. Aminin man natin sa hindi pera talaga ung dahilan ng pag aaway minsan lalo na sa mana. Pero kung titignan mo in positive way maganda siya kasi hindi na mahihirapan ung mga lola lalo na ung mga lola na kinakalimutan na. Marami kasi ako napapanuod or kahit sa tulfo na iniiwan ung mga apo sa lola or lolo…
Pang 4th round ampao ni coins.ph, mga ka ingay arat na. Hahaha kakapost niya lang sa facebook baka may maabutan pa kayo. Sayang din tong 20 hahaha. Magandang gabi sa lahat.
Pag nanay ka talaga, kahit masama pakiramdam mo wala kang choice kundi kumilos at asikasohin mga anak mo. Pero pag tatay ung nagkasakit, absent sa trabaho tapos pahenga. Napaka unfair no? Hahaha no choice tayong mga mommy kaya tiis nalang at magpagaling agad. Bago kasi ako natulog kagabe inuubo na ako tapos pag gising ko kanina ang bigat ng katawan ko at nawala boses ko. Kaya ngaun ubo na ko ng ubo. Hays sana wag mahawaan mga bata.
Sinat is real Bakit kaya bigla akong nagka sinat? Hindi kasi talaga ako nilalagnat. Hindi ko nga maalala kung kailan ung huling lagnat ko. Kaya pala ang bigat ng katawan ko tapos ang hapdi ng mata ko. Huhuhu baka mapunta pa to sa trangkaso, wag naman sana kawawa mga anak ko. 😭 Gusto kung matulog kaso hindi rin ako makatulog, ano kaya nangyayari sakin. Hays.
Medjo ok na ko unlike kanina, nawala na din ung sinat ko. Thank you pala sa mga noise friends ko dito sorry hindi ko na kayo nareplayan. Pasilip silip lang kasi, alam niyo na masama ung radiation sa taong masama ang pakiramdam. Pero bigla sumama ulit ung pakiramdam ko, hahaha nag order kasi ng damit ung kaibigan ko kaya pina lbc ko sinagot ko na ung sf tapos hindi ko muna pinabayaran tapos ngaun wala seen niya lang ako hahaha wala na nga ako tubo don tapos ganito pa. Sige…
Lugaw for breakfast Before ako natulog kagabe ok na talaga pakiramdam ko tapos nagising ako ng 4am aun nilalagnat na ako buti ngaun nawala na ulit. Kaya nag pabili ako ng lugaw para makainum na ng gamot, ang hirap ng may sakit eh. Kaya kayo palakasin niyo immune system niyo ha, ang hirap talaga mag kasakit sa panahon ngaun lalo na may mga bata tayong kasama sa bahay.
Racing Car Ang dami daming laruan ng anak ko na sasakyan pero ito talaga ung favorite niya. Hahaha sobrang kawawa na nung racing car kulang na nga ung gulong tapos kinakalawang na pero gustong gusto niya pa din. Kahit saan dinadala niya kahit maligo siya, pag hindi niya makita nag wawala kasi un talaga ung gusto nyang laruan. Nung hiniram ko kasi picturan ko sabi niya sakin thats mine, hahaha ayaw niya ipahiram kaya inagaw agad. Ganon talaga siguro ung bata mo, may laruan…
Thank you Lord kasi ok na ako, ubo at sipon nalang pero bakit naman ganon nalipat sa mga anak ko. Huhuhu balik mo nalang sakin wag lang sa kanila. Ang hirap kasi pag may sakit sila lalo na ung panganay ayaw mag papunas ayaw mag palagay ng bimpo or cool fever pahirapan din painumin ng gamot. Huhuhu sana mawala agad lagnat niya natatakot kasi ako pag may lagnat to at baka mag seizure ulit siya. Na trauma na kasi ako non.
Pei Pa Koa Candy Ito ung candy na effective talaga para sa may ubo, tested and proven ko na to dati pa. Kaya hindi ako umiinom masyado ng gamot pag inuubo ako kasi mag gusto ko to at anytime pwede ko siyang kainin. Dati 2 pesos lang to pero ngaun nagulat ako 5 pesos na. Lahat nalang nagmamahal ako nalang ata ung hindi minamahal. Hahaha charought. Magandang gabi mga ka squad, salamat talaga at ok na mga anak ko pinahilot ko kasi sila aun may mga pilay pala.
Everyday Routine of my Princess Pagkagising sa umaga lego agad hahanapin tapos bago matulog naglalaro pa din at pag natulog kasama pa din sa higaan. Hahaha. Yan din kasi ung gusto kung nilalaro niya pati puzzle para mas maging creative siya at mas maging active ung utak niya. Kawawa nga lang ako na taga sunod ng kalat. Hahaha Good morning mga kaingay, enjoy your weekend.
True Love Ito ung pagmamahal na tapat at totoo at kahit marami kamang mahaling iba mangingibabaw pa din ito. Kaya kahit mag katuluyan man oh hindi mananatili pa rin ung pagmamahal mo. Yan ung sabi ni Marissa sa wish ko lang. Sayang at hindi sila nagkatuluyan ni prince kasi namatay ito agad dahil sa sakit. Magandang hapon mga kaingay.
Nung December sabi ko ung eh reregalo ko sa partner ko underwear pero ung ending damit ung binigay ko sa kanya kaya sabi ko this valentines nalang ung underwear niya. Hahaha Napaaga ung dating ng order ko from Shein, sobrang worth it niya guys ang kapal ng tela pang mall quality talaga. Nabili ko siya ng 350 tapos may discount pa kasi binayaran ko agad using gcash kaya less 10% pa. Sorry sa pa emoji hindi kasi ako komportable sa itsura niya, hahaha
Sunday is Laundry day Kahit matigas ulo nito swerte pa din ako ng very slight kasi siya ung taga laba at taga luto saming dalawa. Hahaha tapos ako ung taga sampay at taga hugas kaya fair naman. Sabi nga nila give and take dapat hindi ung ikaw lang lagi ung nag bebenefit. Ung love parang labahan, mag palit kaman ng ilang beses pero babalikan mo pa rin para labhan, hahaha ano daw. Magandang hapon mga ka squad.
Habang kumakain kami kanina sabi ni mama sakin magpakasal na daw kami ng partner ko sabay sa birthday niya sa June. Aba nagulat ako kaya bigla kung sinabi na ayaw ko. Sabi niya para daw wala masabi ung ibang tao kasi 2 na daw anak namin. Kaya napasagot ako ng wala ako pakialam sa sasabibin nila at sa opinyon nila. Hindi naman sila ung nagpapakain sakin at hindi naman sila nag aalaga sa mga anak ko. At ano ung masasabi nila? Halos ibinuhos ko na ung oras ko sa pag aalaga sa…
Shower time Mga anak ko na uhaw sa tubig, hahaha pag nakaligo na ayaw na umahon akala naman nila nasa beach sila kung makapag tampisaw. Kaya enjoy now maoy later kasi pahirapan talaga iahon lalo na ung bunso ang hirap patahanin gusto laging nasa tubig, sirena ata to hahaha Kung wala lang sana virus, pwede tayo maligo sa beach kahit once a week lang kaso wala eh kailangan natin mag ingat kaya tiis tiis nalang muna sa planggana.
BCH Price as of 5:50pm Ito na ba ung inaantay nating lahat? Tataas na kaya ulit at aabot sa 70k? Naku sana naman please. Ilang buwan na din kaming nag aantay na tumaas ka kaya pagbigyan muna kami this time para may pang date kami this valentines hahaha Ayieh, nag iisip na siya kung san sila mag dedate, samantalang kami tamang tulog nalang. Hahaha
Rainy Morning mga kaingay Ung bunso ko ang hilig pagmasdan ung ulan tapos sabay kanta ng rain rain go away come again another day eat egg. Hahaha pinapakain ko kasi siya ng kanin at itlog kaya habang kumakanta sinasabi niya pa din ung eat egg. Favorite niya talaga ung itlog kaya bilog na bilog eh don ko kasi siya pinaglihi sa kwek kwek kaya kahit itlog lang masayang masaya na siya.
May mga bagay talaga na kahit hindi natin hilingin kusang dumadating. May mga bagay din na hinihiling natin pero hindi talaga dumadating. Ibig sabihin non may better plan siya satin, kaya lets trust the process wala naman kasing instant sa mundo except sa noodles kaya lahat pinaghihirapan. At mas masarap makamtam ang isang bagay kung pinaghihirapan.
Igado for lunch Ito ung ulam na masarap talaga pero medjo mahal ang dami kasing ingredients. Kaya pag ito ulam mo mapapakain ka talaga ng marami. Sakto at hindi ako naka breakfast kanina ng kanin kaya tara na mga ka foodtrip kainan na para makapag pahenga. Pupunta kasi kami mamaya sa birthday kaya kailangan full energy at mapapagod nanaman ako kakahabol sa mga chikiting ko. Happy lunch time po sa lahat.
Yaya ni Kurt at Zhaby (mga anak ko hahaha) First photo, yan ung everyday look ko. Hahaha nanay na nanay no. Hindi kasi ako nag aayos tapos naka pajama pa ako araw araw pero ok lang ang importante naaalagaan ko mga anak ko kahit ung iba sinasabihan ako na losyang. 2nd photo, nag bihis lang ako ng maganda pero walang ayos yan tamang pulbo pulbo lang at suklay. Hahaha hindi kasi ako marunong mag make up or kahit kilay kaya wala na talaga ako ikakaganda. Hahaha Narealize ko lang…
Birthday ng lola ko kaya naki birthday kami kanina pero umuwi agad kami ng mga bata kasi sobrang lilikot talaga nila kaya ito hinatiran ako ni mama ng ulam. Adobo at chicken cordon bleu with puto at aun katatapos lang namin kumain simot talaga kasi sa mga bata palang kulang na. Hahaha matatawa nalang talaga ako sa katakawan ng mga anak ko.
From my facebook memories 4 years ago Habang nasa airport ako iyak ako ng iyak kasi uuwi na ako ng capiz, maiiwan ko kasi ung jowa ko. Hahaha ang daming memories kasi ung nabuo sa palawan. Don ako nagsimula maging independent, don kasi ung unang trabaho ko. Kaya don ko nalaman kung gano kahirap kumita ng pera. At sobrang thankful ako kasi ang dami kung natutunan sa unang trabaho ko. Nong naka uwi na ako samin nag start ulit ako mag work at don ko nalaman na 2 months preggy…
Egg burger with ham for merienda Salamat naman at may pa merienda si mama, hahaha ubos na ubos na kasi talaga pera ko alam mo un 20 pesos nalang laman ng wallet ko. Hahaha buti at may gatas at diaper pa ung mga bata tapos sa sabado na din uuwi ung partner ko. Malayo kasi palawan pawnshop don kaya hindi siya makapagpadala kaya kunting tiis nalang talaga. Thank you Lord at hindi mo kami pinababayaan, nakakaraos pa din. Hindi biro ung walang trabaho tapos ung mag uumpisa ka sa…
Woke up like this Ang sarap talaga magkaroon ng anak, ung umaga palang bugbog kana. Hahaha late silang nagising ngaun kasi late na din kami nakatulog kaya full energy ung lola niyo hahaha. Its time to get up para makapag exercise ng matunaw ung mga taba hahaha Good morning sa lahat, bangon na po at mag almusal na.
Mabilis talaga ako tatanda sa mga anak ko, huhuhu more pasensya pa please. Tignan niyo naman sa bintana na dumaan makatakas lang, dinaig pa ung akyat bahay gang. Hahaha magugulat nalang ako nasa labas na sila, tapos sa bintana pala dumaan. Kahit anong lock ko ng bintana alam na nila buksan. Hays. Matatawa nalang ako sa mga anak kong to.
Jolly spag for merienda Ito ung spag na binabalik balikan, at hindi nakakaumay sa bata. Alam niyo na pag jollibee bida ang saya. Hahaha ung panganay ko na anak kaya nyang ubusin ung isang serving nito tapos sabay inum ng tubig at hihinge pa ng gatas. Tara merienda time na mga kaingay, sarap kumain at matulog kasi maulan ulan ngaun dito samin.
Hay salamat natapos din ako mag sampay. Ang daming labahan ng mga bata nakakailang palit kasi sa isang araw kaya tambak talaga. Buti nalang at masipag maglaba ung partner ko or wala lang talaga syang choice. Hahaha kaya wag kana mag reklamo self taga sampay kalang remember. Kayo mga ka ingay, nakapag laba na ba? Valentines na pala bukas tara tulog nalang tayo nito buong araw. Hahaha
Biko for merienda Siguro nagtataka kayo kung bakit violet no, ube favorite kasi ung nilagay na condensed tapos wash sugar kaya naging ganyan pero mas masarap siya kasi may cheese at latik sa ibabaw. Kaya solve nanaman ung merienda sabayan lang ng coke. Merienda na din kayo jan mga kaingay.
Maaga nagising ung mga bata kanina tapos nag iisip ako kung ano ung kakainin namin for breakfast at dahil wala akong naisip pinaligoan ko nalang ung mga bata at binihisan sabay sabi sa partner ko na pupunta kami ng bayan para don nalang mag almusal hindi na kasi pwede sa tanghali kasi kailangan nyang matulog at may pasok pa siya mamaya. Alam niyo naman valentine's day at gusto ko eh celebrate na kasama mga anak ko kaso itong partner ko wala talaga pakiramdam hays walang paki…
Pinipigilan ko talaga ung sarili ko mag open ng fb kasi naman puro bulaklak at chocolates ung nakikita ko, mga walang respeto sa kagaya ko na hindi nakatanggap hahaha charought. Kaya habang naghahalungkat ako sa insta aba nakita ko to. Yan ung unang beses na binigyan ako ng partner ko ng bulaklak at chocolates tapos may letter pa nakasama. Hindi siya ung nag bigay mismo pinakisuyo niya lang sa kaibigan niya na idaan sa front office kaya nagulat ako nung tumawag ung F.O sabi…
After 14days dumating na ung order ko na mga cropshirt galing sa mga na mine ko online. Dapat talaga 13pcs un pero 10 lang ung dumating kaya tinanong ko ung seller sabi niya pa send daw ng video kaya sinend ko agad kaso naka open na ung parcel which is mali ko din kaso hindi kasi ako nag receive non kaya invalid daw at malay ba niya na binawasan na un. Napa wow nalang ako sa response niya. Seriously sa ganong halaga kala niya gawa gawa lang ako ng kwento. Sobrang na…
Tuwing bored talaga ako naging hobby ko na manuod ng live selling at nasakto ngaun na palawan pawnshop ung dumaan sa wall ko. Sign na ba to na mag invest sa gold. Hahaha gustong gusto ko din talaga bumili ng gold kaso wala pang budget sa ngaun. Ang dami pa kasing debt na need bayaran pero sisikapin ko talaga na makabili kahit 2 lang bago matapos ang taon na to. Matagal tagal pa naman kaya pwede pang pag iponan. Isa talaga sa magandang investment ay gold, habang tumatagal…
74th birthday of Lolo Happy birthday lo, sobrang swerte ko na sila ni lola ung nagpalaki sakin kahit na lasinggo siya never niya talaga ako pinalo or kahit pingot lang. Simpleng dinner lang para sa birthday ni Lolo, hindi niya talaga aakalain na aabot siya sa ganitong edad. Halos lahat kasi ng kamag anak niya hindi umabot ng 70 kaya nung nag 70 years old siya sobrang kinakabahan talaga siya kasi baka un na daw ung last birthday niya tapos after ng birthday niya ilang araw…
Cassava cake & Macaroni Spag for breakfast Ito nalang ung natira sa handa kagabe ni lolo at ung cake kaya pag may birthday for sure libre ung breakfast hahaha. Gustong gusto ko talaga ung cassava na to kagabe ito lang kinain ko at ung lumpia pero busog na busog na ako. Tara na breakfast time mga ka ingay, late na din kasi napasarap kasi ung tulog ko sa lamig ng panahon. Magandang umaga pala sa lahat.
After 365 days nakakain din ng indian mango. Hahaha halos isang taon din ako nag laway sa mga post niyo na mangga with bagoong kaya ako naman ngaun. Hahaha mas masarap sana kung bagoong kaso wala eh kaya toyo, suka at asukal nalang muna ung sawsawan ko ngaun. Perfect combi din siya kasi matamis tamis na sawsawan sa maasim na mangga. Naumay na kasi ako sa sweets kaya ito nalang muna merienda ko. Maganga hapon mga kaingay, merienda time na.
Taho sa umaga Ang sarap ng mainit na taho sa umaga pampapawis at pampalakas ng buto. Nung bata ako halos araw araw ako kumakain nito tapos hindi ko pinapalagyan ng puti dati kasi ang panget ng lasa tapos nung lumaki na ako narealize ko na ung puti pala ung masustansya. Hahaha alam ko ganyan din ung iba sa inyo. Natutuwa lang ako na makita ung taho vendor dati kasi bike lang ginagamit niya sa paglalako ngaun naka motor na siya, oh diba sipag at tyaga lang aasenso din. Kaya…
From my facebook memories 2 years ago Happy 2years and 2 months my baby boy, kakagigil kapa dito nak oh mukhang barbie ka kasi hahaha. Hays sarap lang balikan ung ganitong moment ung puyat lagi tapos bfeed pa kaya kahit antok na antok need ko talaga umupo para padedein ka hindi kasi ako sanay na naka higa kaya puyat at pagod lagi si mommy pero tignan mo naman ngaun lahat ng pagod ko at puyat worth it kasi lumalaki kang malusog at matalino. Wala na talaga ako hihilingin pa…
Isang magandang umaga mga kaingay, kanina pa ako gising mga 5am ata at until now gising na gising pa din. Kanina ko pa pinipilit matulog ulit kaso hindi talaga ako maka tulog. Maaga kasi tumawag ung partner ko para sabihin na hindi siya makakauwi. At mas ok un kasi nag babalak sina mama pumunta ng beach ngaun at hindi din naman makaka sama ung partner ko kung sakali kasi need niya matulog at kaka out niya lang kanina. Tinatamad pa ako bumangon kaya subukan ko nalang muna…
RBM Beach in Basiao Isa sa magandang beach dito sa Capiz kaya iniingatan talaga at pinagmamalaki. Sb member ata ung may ari nito kaya everytime na pumupunta kami don libre na ung 10pesos na entrance tapos may discount pa kami sa cottage. Oh diba ang sarap lang ng libre hahaha. Close kasi ung family namin don at sumasama talaga every kampanya. Share ko lang ung na capture ko bago kami umuwi, sakto at maaraw kaya parang nag reflect sa tubig kaya naging maganda ung outcome. Ang…
Kailan ka nagsimula pumasok sa mga earnings site at apps? Ako nung nabuntis ako noong 2018, sa sobrang bored ko sa bahay nalibang ako kakasali sa mga investment at clicking captcha na yan. Naka ilang sali din ako sa captcha pero never talaga ako naka pay out. Tapos sumali ulit ako sa pays up at one pro ung watching adds hindi rin ako naka pay out hahaha. Ang dami kung nasayang na pera non tapos may nakita ako na invest wait and earn edi sumali ulit ako, at first legit talaga…
Bakit nga ba nagloloko ung lalaki? Sorry sa maagang hugot ha, hahaha may nabasa kasi ako dito ngaun na nagloko daw jowa niya. Hays bakit kasi parang normal nalang sa mga tao ung magloko? Bakit ang dali para sa kanila saktan ung taong mahal nila? Bakit kasi naghahanap pa sila ng iba? Ung iba sinasabi dahil daw sa ugali, aba aba bakit ikaw may ugali ka din naman na pilit iniintindi ah pero hindi ka niloko kaya never mo irarason ung ugali. Meron din nag sabi na pinabayaan muna…
Nature na talaga ng mga bata ung umakyat, subo ng subo, umiyak, mag tantrums, takbo ng takbo na para bang walang kapaguran. Kaya pag tumahimik ung anak mo, kabahan kana mamsh kasi may milagrong ginagawa yan. Hahaha. Kita niyo yang anak ko, tahimik kasi pinaglaruan ung polbo. Hahaha mabilis talaga ako tatanda sa mga anak ko. Habang lumalaki kasi sila lalo nagiging pasaway tapos nag aaway pa. Ang hirap din talaga mag palaki ng anak pero kakayanin.
Before the day ends, gusto ko lang batiin ang mga ka squad ko ng Happy Happy 9th monthsary po sating lahat. Another month nanaman ang dumagdag sating samahan, 3months to go nalang mag aanniversary na tayo. Sobrang bilis talaga ng panahon. Salamat sa kulitan at mga aral na natutunan ko sa inyo. Sayang at hindi talaga ako maka pasok sa tg simula pa kahapon. Maraming salamat pala sa 3 moderatos natin na walang sawang nag sishare ng blessing nila. More blessings pa po sa inyo.…
2-22-22 Its angel day daw sabi ng kapatid ko kahapon tapos pag check ko sa soc med totoo nga ang daming nagpopost ng positive thoughts regarding dito. Bawal magalit or mainis today, dapat positive lang at good vibes tayo. Alam niyo na, positive mind attract positive vibes. So get up and lets start our day with a big smile. Have a blessed morning mga kaingay, lets pray for the good news today.
Her Skin Ito ung ginagamit ng partner ko na rejuv set, madami na din syang na try pero dito talaga siya nahiyang. Dinaig niya pa ako, hahaha ako kasi never nag try ng ganyan kahit ung mga eskinol na yan at ponds hindi talaga. Ganon siguro pag lumaki ka sa lola parang pinag iwanan ka ng panahon. Hahaha Balik tayo sa her skin, alam niyo ba na ung CEO nito med tech dati, iniwan niya ung trabaho niya at naging vlogger. Nangungupahan lang sila sa maliit na dorm dati at don lang…
Free Earning app Ito talaga ung patok na patok sa mga mommy na kagaya ko, lahat gagawin para magkaroon lang ng extra income kahit na maliit pinapatos pa din. Sayang din kasi ung oras kung ilalaan lang sa soc med puro negative lang naman ung nandon kaya don na tayo sa mga earning app at sites diba. Ang kailangan lang talaga sa earning app ay sipag at tyaga. Hindi kasi mabilisan ung kita kaya kailangan mo talaga paghirapan. Ang maganda lang sa ibang earning app ay ung mga…
Nakaraan ko pa talaga gusto bumili ng gold kaso pambili talaga un kulang eh. Hahaha gusto ko kasi bilhan ng hikaw ung anak ko, ung nabili ko kasi sa mall kinalawang na pang hypo allergenic daw un tapos ilang suotan lang kinalawang na. Kaya sabi ko sa uni silver ko nalang siya bibilhan pag nag ka extrang pera ako pero nung nakita ko ung post ng kaibigan ko sabi ko gold naman para hindi talaga kalawangin. Last week nung nag post siya 800 pa benta niya nito, nag aalangan ako…
Raffle Simula talaga nag pandemic naging madiskarte na ung mga tao. Nauso na ung online selling gamit ung live tapos pa raffle ng grocery, gadgets, alahas at iba pa. Don din minsan nauubos ung pera ko sa kakamine. Hahaha alam ko kayo din. Sobrang nag hihinayang talaga ako kaingay kasi hindi ako naka sali sa raffle. Nakaraang pa raffle kasi ng friend ko sumali ako pero hindi ako nanalo tapos kahapon may pa raffle ulit at sabi ko sasali ako pero hindi ako naka sali tapos…
Sweet and Sour Fish for Lunch Ito ung ulam na sauce palang ulam na, yum yum. Tagal ko din hindi nakakain nito. Dahil walang lapu lapu na available at alam naman natin na pricey un kaya hanap tayo ng alternative, kaya instead of lapu lapu danggit ung isda na ginamit ni mama. Katatapos lang namin kumain at ito busog na busog ako kahit kunting kanin lang naman kinain ko, mas madami pa siguro kumain ung panganay ko kesa sakin. Hahaha ganito siguro pag nag kakaedad na no, oy nasa…
Nag sitaasan na pala ung presyo ng asukal at harina kaya for sure tataas na din ung presyo ng mga tinapay, biscuit, cake at iba pa na ginagamitan ng asukal at harina. Hays lahat nalang tumataas pero ung sahod ganon pa din. Pano kaya tayo makakabangon kung patuloy ung pag taas ng bilihin. Ung 1 libo ngaun parang inihipan nalang ng hangin. Ang hirap na din talaga mag budget sa panahon ngaun. Tapos sasabihin pa sayo hindi ka marunong mag budget. Hahaha Magandang gabi mga…
Rainy morning sa lahat, grabe ang lamig sarap matulog at maghilata kaso ung mga alarm clock ko walang tigil sa kakadagan sakin kaya imbes na matulog pa ako kasi late na kami natulog kagabe no choice kundi bumangon. For sure nakabangon na ung iba jan lalo na ung mga mommy, para makapag prepare ng almusal kami tinapay lang muna maya nalang kakain ng kanin at medjo busog pa naman ako.
Labas mga sweetcorn lover jan, amoy palang alam na alam na. Hahaha ang bango kasi niya pag nilalaga. Mas masarap to pag nilagyan ng margarine kaso walang available kaya tara kainin na natin hahaha. Ito na ung merienda ko mga kaingay, kayo naka merienda na ba? Tamang nuod lang ng my little princess, ang ganda ng episode ngaun. Tinitrain na siya ng tatay niya para mas magaling pa. Hindi kasi biro ung maging production manager or kahit maging part ng marketing sobrang nakaka…
Maganda talaga ung morning pag ganito makikita mo, ayieh sana tuloy tuloy na please kahit na malaki lugi go and hold lang kasi tataas din yan ulit. Nakuha mo ngang mag antay sa maling tao dito pa kaya. Nakuha mo nga mag pasensya sa kanya kay bch pa kaya. Kaya kunting patience pa mga kaingay :) Good morning Pilipinas, maaga pa pero mainit na dito samin pero malamig ung simoy ng hangin. Time to get up na para mag prepare ng almusal.
1st photo BBM 2nd photo Leni Nagulat ako na ganito pala kadami ung pumunta sa caravan nila sa iloilo, seriously? Nakikipagsiksikan sila para lang makinig at makita ung mga kandidato. Jusko ni ayaw ko nga pumunta sa mall kasi maraming tao don at para maka iwas sa virus pero sila walang paki alam at nakikipag siksikan pa. Iba talaga ang influence ng election, parang nawala na ung social distancing at virus sa isip ng mga tao. Ano kaya mangyayari satin after election, mawawala…
Medjo stress talaga ako ngaun kakaisip kung pano ginastos ng partner ko ung 3k sa loob ng 4 na araw. Imagine 3k in 4days jusko ang sakit sa bangs. May nalalaman pa siya na siya daw mag budget kasi last sahod niya nawalan kami ng 1k tapos 4days niya 3k nakakainis talaga. Tapos nag sinungaling pa siya sa total amount ng sahod niya pero iniwan niya sa wallet ung payslip kaya nalaman ko. Hays hindi ko rin kasi siya makausap kasi tulog at mamaya pag tulog ko un naman ung pag…
Nagulat ako na may biglang tumawag sakin, volunteer daw ni Leni Robredo. Akala ko scam pero mukhang seryoso siya. Tinanong niya ko kung saang province ako galing at kamusta daw ung buhay namin compare last year. Sinagot ko naman siya na taga capiz tapos medjo mas mahirap ngaun kasi biglang bumalik ung virus pero magsisikap pa din para maka ahon tapos nagtanong ulit siya kung ano ung 3 problema ng pilipinas na gusto mong malutas. Sinagot ko siya nag corruption tapos bigla…
Pano mo inuutusan magligpit ng kalat ang anak mo? Nung una ang hirap, ung uutusan ko siyang magligpit ng kalat niya tapos ako ung uutusan niya. Sa isang araw siguro nakakailang ligpit ako ng mga laruan nila. Ok lang kung laruan kasi may kasamang upuan, lamesa, unan kumot in short wasak ang buong bahay sa kanila sympre except sa banyo. Lahat ng pwede ikalat ikakalat talaga nila. Kaya dumating na ako sa point ng pag uuto. Hahaha every time na may iuutos ako sa kanila sasabihin…
Bakit mahalaga na nakabukod ng bahay ung mag asawa? Ung una kung naiisip na rason ay peace of mind. Walang mangingialam sa desisyon mo sa bahay lalo na sa pagpapalaki sa anak mo. Nagiging independent din kayo kaya lalo niyo sinisipagan kasi hindi natatapos ung expenses at wala kayo aasahan kundi kayong mag asawa lang. Matututo din kayo mag budget at makuntento kung ano ung nakahain sa mesa. Mas madali niyo din ma solve ung problema kasi walang nakikisawsaw na iba. Mas…