Tiyakin mo na kung ano ang gusto mo, para wala kang pagsisihan sa huli.
3rd-July O4-21 Hindi sa lahat ng panahon, nasisiyahan tayo sa ating buhay, at sa ating sarili dahil minsan hindi natin maintindihan kung ano ang gusto natin sa buhay. Kaya may mga desisyon tayong pinagsisihan sa ating buhay. Ano nga ba ang gusto natin maging sa ating buhay. Ano nga ba ang gusto nating mangyari sa ating buhay. Mahirap kung hindi natin alam kung ano ang gusto nating tahakin sa ating buhay. Dahil wala tayong sinusunod na direksyon kung saan-saan tayo napapadpad at hindi natin alam ang ating patutunguhan. Ang iba nalihis ng landas, nagbisyo, nagnakaw at nakulong. Ang iba maagang nag-asawa, nagkapamilya at nagka-anak kahit hindi pa sila handa. Bakit?Dahil hindi pa nila tiyak ang gusto nila sa buhay. Dahil hindi pa nila alam kung saan talaga sila sasaya ng lubusan. Dahil hindi pa nila alam kung paano dinggin ang sinasabi ng kanilang puso't damdamin. Dahil akala nila wala ng patutunguhan ang kanilang buhay. Kaya may mga bagay na pinagsisihan sa huli dahil akala natin yun ang tama pero sa huli yun pala ang sisira sa ating buhay. Noong mga bata tayo ang daling sumagot sa tanong na "Anong gusto mo sa paglaki mo? At bakit?" Kung ano lang kasi ang nakikita sa loob at labas ng bahay yun ang sinasagot natin hindi talaga yun ang pangarap natin sa buhay. Simple lang mga sagot natin pero sa pagtanda natin nag iba na ang mundo, nag iba na rin ang gusto natin sa buhay. Marami na ngayon ang naguguluhan sa kanilang buhay dahil hindi nila alam kung ano ang gusto nila sa buhay. Kaya nagdedesisyon nalang sila base sa agos ng buhay ng ibang tao. Narito ang ilan sa kung paano malaman ang gusto sa buhay: **Tanungin mo ang iyong sarili bakit ka naguguluhan** Mahalagang malaman kung ano ang bumabagabag sayo para makapag-isip ka ng tama. Kung may problema ka pwede kang magkwento sa mga taong nakakaintindi sayo at sa taong pinagkakatiwalaan mo para matulungan ka niya. **Saan ka ba sasaya** Alam mo ba kung anong nagpapasaya sayo? Kung hindi mo alam, alamin mo para alam mo kung kanino ka sasama, para alam mo kung gusto mo ang isang bagay o hindi. Kung alam mo kung saan ka masaya yun ang gawin mo. Magdesisyon ka para sa sarili mo hindi para sa iba kasi ikaw ang maaapektuhan kapag pinilit mong gawin ang isang bagay na hindi mo naman gusto. **Dinggin mo ang iyong sarili** Ikaw ang nakakaalam sa iyong gusto hindi ang kaibigan mo kundi ikaw mismo. Kilalanin mo sarili mo dahil ikaw lang ang nakakaalam kung sino at ano ka. **Dinggin mo din ang sinasabi ng iyong puso't kaluluwa** Kung hindi mo na alam ang gagawin mo pakiramdaman mo ang iyong sarili. Dinggin mo ang sinasabi ng iyong puso dahil ang puso ay may pakiramdam yan. **Pagkatiwalaan mo ang iyong sarili na kaya mo** Pagkatiwalaan mo ang iyong sarili para magkaroon ka ng kumpiyansang gawin ang isang bagay. Ang kabahan ay normal lamang sa isang tao, huwag kalang matakot sumubok. Dahil walang mangyayari sa iyong buhay kung patuloy kang matatakot na sumubok. **Ihagis mo lahat sa Diyos lahat ng mga pagkukulang mo sa iyong sarili para gabayan ka niya.** Sabihin mo lahat sa Diyos lahat-lahat ng problema mo para punan niya lahat ng pagkukulang mo sa iyong sarili at tutulungan ka niyang ibangon ang sarili mo at gagabayan ka niya sa tamang landas. **Tiyakin mo ang gusto mo** Kung alam mo ang gusto mo kahit mahirap tiisin mo. Kung alam mo gusto mo natututo kang magtiis, dahil gusto mo ang ginagawa mo nagiging masaya ka. Kahit mahirap kung gusto mo ang ginagawa mo nagkakaroon ka ng lakas para tapusin dahil alam mong ikakasaya mong matapos iyon. **Konklusyon**: Sa simula palang mangarap ka na, tiyakin mo na kung saan ka sasaya, kung ano gusto mong maging sa buhay para malinaw ang direkayon na iyong tatahakin. Para wala kang pagsisihan sa huli.Sabi nga nila maikli lang ang buhay alamin mo na kung saan ka talaga sasaya para masulit mo ang iyong buhay.
9 comments
Totally agree with this one! Sabi nga, do what makes you happy. Hindi nakasalalay sa iba kung saan ka sasaya. Dahil ikaw lang ang nakakaalam.
nafeel ko kasi dati hindi ko maintindihan yung sarili ko diko alam kung anong gusto ko kaya kung saan saan ako napadpad sumasama without knowing any reason pero hindi ako masaya sa pinaggagawa ko...haha lutang lang ganun pero ngayon thanks God naramdaman ko din sarili ko hehe salamuch po sa pag upvote.!
Make your happiness you choice. Kung ang isang bagay ay nakakapag pasaya sa iyo then chose that one. Don't take risk that would take away your happiness from you. And you're also right na dapat talaga we always seek guidance form God in everything we do. God Bless!
Hi po mommykim..salamat kahit nasa work kayo may time kayong magbasa ng articles im glad na isa ang articles ko doon at may kasamang upvote pa..hehhe kamsahamnida tama ba?kamsahamnida haha Godbless po.
gwenchana...mas nakaka focus ako on reading articles in my workplace kesa sa bahay kasi nandun anak ko at ayaw ko ibigay oras ko sa ibang bagay aside sa anak ko kasi minsan lang kami mag bond. That's why I always post na di ako nakakafocus pag weekends kaya sa work lang ako nag babasa hheeheh.. God BLess!
Tapos nakakagawa pa kayo ng articles sa work how nice hehe..
mas marami talaga ako freetime sa work kesa sa bahay hehe
Sana all po napagsasabay hehe..
multitasking..kailangan kumayod beb..malapit na bday nang anak ko tapos wala pakong kita