read.cash Log in
@Zcharina22 more from that month

Enjoy summer with halo-halo!

Ramdam na ang summer kaya tara lets sumama tayo kay lolay na bumili ng ingredients ng halo-halo. Dito sa amin marami ang nagbebenta ng halo-halo different flavors at different prizes. May mura at may mahal bahala ka na kung saan mo gusto, doon sa maraming ingredients na konti lang ang ice or doon sa konti lang ang ingredients pero maraming ice?. Kayo ang bahala dahil choice niyo yan lol. Yesterday, pinabili ako ng tatlong basong halo-halo P30 each. Maraming ingredients pero konting ice lamang pagdating sa bahay tunaw na ang yelo dahil sa init ng panahon. Pinabili lang ako ng tatlong baso iyon pala lima kaming kakain. Pinagalitan ako dahil bakit daw tatlo lang eh lima kami sa bahay. Malay ko ba sumusunod lang ako utos lol. Kasalanan ko pa eh ako na ngalang nag effort. Sabi ni lolay gagawa daw siya ng halo-halo iyong hindi ka mabibitin. Kaninang umaga maaga siyang gumising akala ko kung anong meron iyon pala nagpapasama siyang bumili ng ingdredients ng halo-halo sa palengke. Bumili kami ng 5 pcs banana, 6 pcs kamote, sagong 20 pesos, gulaman 20 pesos, iyong pinipig, ripe mangoes at gatas. Pinipig pa sana pero naubusan daw sila. Ang saya saya kasi dito pwede mong mabili yan sa palengke ng luto na at may nagbebenta pa ng ng crush ice kaya ang gagawin mo nalang ay paghahaluin iyong mga ingredients. Ang kinaganda pa nito make your own halo-halo unlimited pa. Imbes na sa baso ako nagtimpla sa bowl na mas malaki haha. Actually nakadawang bowl ako linagyan ko pa ng birch tree na gatas lol. Nextime bibili ako ng leche plan at cheese mura lang naman. Dahil nasarapan ang lahat may nextime pa daw to the max na naman ang tummy namin lol. Sa susunod mas marami ng ingredients dahil may mag-iisponsor na lol ang saya-saya. Parang I can't wait na ngaeh. Si lola'y talaga pasimuno nito naggive way kasi siya kahapon kaya ayon nagpasikat si Lola'y huhu. Thanks lola'y you're the best talaga. Parang ang gandang mamuhay sa lugar na malapit lang ang mga bilihan iyong linalakad mo lang unlike sa probinsiya na kailangan mo laging mag-commute para pumunta sa bayan. I am happy today busog ang tummy ko ng halo-halo. Kayo ba paaano niyo ineenjoy ang summer niyo? Ako kasi with halo-halo pag malamig ang panahon hindi ako nakakakain mahina ang tolerance ko sa lamig. Madali lang akong dapuan ng ubo't sipon.

19 comments

Log in to join in Reading is open to everyone. Replying needs an account.