read.cash Log in
@Zcharina22 more from that month

Its too early para magmarites hehe

Yesterday we visited ate's farm. Its been 3 years mula ng makabili siya ng lupa and it's only now na makabisita ako sa bukid. Kung hindi pa niya papabisita hindi ko maaalalang bisitahin. Medyo nagtampo siya ng sabihin kong hindi ko alam kung saang banda hehe. At gusto niya taniman namin ng prutas pero ang problema wala pang seedling. Imagine 3 years na ganun lang nakatengga kaya ayun patuloy na siyang nagtampo sa amin. Kakadating ko lang naman dito noong dec. kaya wala akong kasalanan pero okay lang naman na magalit siya para matauhan kaming lahat dito hehe. Sobrang blessed namin na mayroon kaming ateng ganun mabilis humupa ang kanyang galit. Kaya ng husgahan siya ng tao na siya ay masungit at madamot ipinagtatanggol namin dahil hindi naman nila kilala personally si ate. I don't know kung saan nanggagaling iyong tsismis gayong hindi nila nakakasama si Ate. Pinag-aaral nga niya iyong dalawa naming kapatid sa kolehiyo. Diyan palang mabait na siya. Hindi naman siya basta nagagalit eh. Kung magalit man siya ay may rason at normal lang magalit minsan ang isang tao. Dahil sa maling pagkakalinlan sa kanya maraming tao ang natakot sa kanya. Pero hindi naman nababahala si ate bagkus tumatawa pa siya. Sabi niya matagal ng ganun ang tingin sa kanya at wala siyang panahong iplease ang tao. Minsan may isang kamag-anak ang lumapit sa kanya ng pautangin siya ni ate nabigla siya dahil hindi niya akalaing madali lang kausapin si ate. Doon na din siya nagkwento tungkol sa mga nasasagap niyang kwento tungkol kay Ate. Sabi ni Ate hayaan nalang dahil alam niyang hindi totoo iyon. Bakit kaya karamihan sa mga tao ngayon madali ng naniniwala sa mga marites. Imbes na magtrabaho nalang andoon sila sa kalsada nagmamarites ng kung ano-ano wala namang basehan. Umagang-umaga dinig na dinig sa loob ng bahay. Hayst kaya ayaw kong lumabas dahil maraming marites ang nakaantabay sa labas.

7 comments

Log in to join in Reading is open to everyone. Replying needs an account.