read.cash Log in
@Zcharina22 more from that month

Makikisabay o makikipag-away?

Hello readcash fam! Kamusta araw niyo? Ako? wala lang laging inaantok hehe. Anyway sobrang relate ako sa frenny ko dahil isa din siya sa naiinis sa mga taong paulit-ulit ang sinasabi. Kaninang umaga nakabusangot si Frenny dahil sa kanyang co-workers na kung umasta ay siya na ang pinakamagaling sa lahat. Inuulit niya lagi ang kanyang sinasabi parang kakasabi lang niyang huwag gawin ang isang bagay ay pagkalipas lamang ng ilang minuto ireremind ka na naman. Maiintindihan pa sana ni Frenny kung matanda na yung ngasasabi ng paulit-ulit eh pero hindi eh. Kaya naman nakipag-away na siya nagsagutan na sila kung sino daw ang mas bobo sa kanila. Pagkatapos ng away nila nakonsensiya din siya haha. Tinanong niya ako kung tama ba ginawa niya na hindi na siya nakapagtimpi hehe. In a way naiintindihan ko naman siya dahil kahit ako ay naiinis pero hindi ako dumating sa punto nakipag away ako. Sinabihan ko nalang si Frenny na habaan pa niya pasensiya niya. Ganun siya eh ayaw niya yung naaapi siya. Napapa sana all nalang ako sa kanya dahil matapang siya. Usually ang reaction ko pag paulit-ulit ang sinasabi ng tao ay naiinis din ako, kase parang ang dating ay hindi ko naintindihan ang sinasabi nila. Pero kahit ganun maalumanay pa rin akong makitungo sa kanila dahil minsan wagas din akong magsalita baka mauwi sa away o hindi pagkakaintidihan. Sabi ni Frenny sa akin magtaray din ako minsan para hindi daw ako maliit-liitin ng kahit sino. Pero paano ba maging siya? Hehe. Siya kase may strong personality hindi tulad ko na mababa ang self steem. Kayo ano reaction niyo pag ulit-ulit ang sinasabi sa inyo? Like sinasabi nilang Ganito ganyan gawin mo ha. Tapos pagkalipas lamang ng ilang minuto pagsasabihan kana naman tapos kinabukasan uulitin na naman. Di ba po nakakainis yun si Frenny ayun nakipag-away na hehe. Ako naman nagsasabi lang ako ng sige po Ma'am pero sa loob loob naiinis na ako hehe. Katula ba kayo ni Frenny na maiksi lang ang pasensiya o tulad ko na nakikisakay na lang?

21 comments

Log in to join in Reading is open to everyone. Replying needs an account.