read.cash Log in
@Zcharina22 more from that month

Tahimik na ba mundo niyo?

Hi! I want to ask you guys tahimik ba mundo niyo today? Ramdam ko kasi today na parang naglielow ang mga tao sa paligid which is unsusual maybe because its semana santa. Mayroon na ding nagbabasa ng pasyon sa labas. Kapag ganitong panahon dati mga mgulang namin tinuturuan kaming huwag maingay at tuwing Biyernes Santo huwag mag-igib ng tubig sa balon. Huwebes palang dapat marami ka ng ipong tubig para kinabukasan hindi ka na mag - iigib ng tubig sa balon. Ito daw ay isang paraan para hindi mawalan ng tubig ang balon. I remeber my dad before na kapag semana santa we went to the mountains to get (papaangot (ilocano terms) I don't know the name in tagalog) this is a tree na ibinababad tuwing biyernes santo, ito ay ginagamit panguha ng salagubang or abal-abal in ilocano pagdating ng April or May. Looking back kapag ganitong panahon ang tahimik ng paligid, pati ibon walang huni or hindi mo sila maririnig. Siguro alam nila na kailangan pagngilayan ang mahal na araw. Sa loob ng bahay ramdam na din ang katahimikan may dalawang bata pero today maaga silang natulog. Today, iyong mga news sa TV walang katahimiking makikita kundi negative news. I take this chance na ipagdasal iyong mga nasalanta ng bagyo at landslide. I pray iyong kaligtasan nila, katahimikan at agarang tulong mula sa ating kababayan. Sana walang maiiwan at mailigtas ang lahat ng nangangailangan ng tulong. Sana sa ganitong panahon makamtan parin natin ang katahimikang dapat nating makamtan. Ang tahimik na mundo na walang kaguluhan, walang sakit, walang virus, iyong peaceful ang lahat.

1 comment

Log in to join in Reading is open to everyone. Replying needs an account.