read.cash Log in
@Zcharina22 more from that month

Mga pamahiin ni mama tuwing bagong taon🙂

May pamahiin ba kayo kapag first day of the year? Natawa ako kay mama ang daming pamahiin lol. 1. Gumising ng maaga Sino dito gumising ng umaga kahit puyat? Well si Mama puyat man o hindi maaga siyang gumigising tapos sinasama niya kaming gumising ng maaga dahil naniniwala siyang kapag sinimulang gumising sa unang araw ng taon ay maging tuloy-tuloy na daw. Pinagalitan niya kaming lahat dahil late na kaming gumising. Narinig ko siyang ginigising niya ako ng 5 am kanina pero hindi ko pa kayang gumising lol. At iyong iba ko pang kapatid ay lasing kaya wala siyang nagising kanina haha. 2. Kapag nakapulot ka ng pera sa unang araw ng taon ay pwedeng gawing anting-anging or in Ilocano an anib. Nakapulot kasi siya ng 20 pesos kaninang umaga sa daan ang saya niya dahil mukhang sweswertehin na siya this year. 3. Bawal ang tamad Kahit tinatamad ako kanina pinilit kong maging masipag para hindi ako tamadin buong taon. Nag general cleaning ako haha lol iyong iba happy time pa nila😊. 4. Bawal gumastos tuwing bagong taon. Hays ang daming pamahiin ni mama hindi naman masamang maniwala kaya go nalang ako para wala madaming satsat hehe. Kayo may pamahiin din ba ako sa bagong araw ng taon? Oras na naman para gumawa ng new years resolution hehe..

4 comments

Log in to join in Reading is open to everyone. Replying needs an account.