May announcement pala sa aming Barangay Mabuti nalang at nagbasa basa ako saglit sa FB. Pwede na palang iparehistro sa philsy ang aming anak para magkaroon na rin ng national ID bukas gaganapin ito siguradong Marami na namang tao kaya kabado nanaman dahil alam kong marami na namang taong makakasalamuha ang mga bata. Mabuti na lang at may mobile registration para diyan sa National ID kung hindi baka hindi maka parehistro ang ibang bata dahil na rin sa kakulangan ng pera para makapunta sa lugar kung saan nagrerehistro kaya malaking bagay na sa amin ito.
4 comments
Sa amin meron pero lulubog lilitaw yung BHW na nglilista at walang proper explanation ano mga kailangan.
Dapat ina announcement ng brgy yan para aware ang walang net ..
Ou 5years old above ang kasali na kukuha dapat ng National ID. Buti naman at may schedule na naibigay sa inyo para pagpunta nyo sure na na ma accommodate kayo.
Sayang anak ko an panganay hindi ko naparehistro. Kakatakot pa kasi lumabas. Dapat kais diyan ibahay bahay nalang,kaso dito samin pili lang yung binahay bahay.