read.cash Log in
@Zanella more from that month

Monggo Sabi ni Mamang mag aral ako ng mabuti siya na daw po ang bahala sa pagkain/pagluluto basta mag aral lang po ako, sinunod ko naman po ang sinabi niya hanggang sa nakatapos po ako ng pag aaral hanggang nagkatrabaho. Pero hindi po ako natutong magluto kahit basic maliban sa prito, laga, saing at maghiwa ng mga sangkap, at ibang gawaing bahay lang po .Naalala ko pa yung unang niluto ko't inihain sa asawa ko pagkatapos naming ikasal dalawa kami sa bahay, nasunog na ginisang munggo nakakahiya, tinanggal ko lang ung nasunog sa ilalim, akala ko lulusot, wala na rin kasi oras magluto ulit parating na siya galing trabaho. Pagkain niya di maipinta mukha niya ang pait daw, kako ampalaya kasi, lasang sunog daw po hindi dahil sa ampaya kawawa naman pero para di ako mapahiya kinain pa rin niya tiniis yung lasang sunog Tinuruan niya ako, siya po kasi talaga ang magaling, masarap magluto Natuto lang po ako sa kanya Kapag gustong matuto, pag aaralan ng husto. Thank You Lord kahit papaano natuto narin

2 comments

Log in to join in Reading is open to everyone. Replying needs an account.