Flex ko nga po itong baby damulag ko ..Bukod sa breast feed yan Nag aalmusal siya ng milk sa bottle . Nagkape lang naman kasi ako at tinapay merung kanin pero tinamad mag sangag ng kanin . Ayan nasaniban ng isperito ng katamaran . Bawi nalang mamayang tanghali. Good morning
@Zanella in June 2022
Habang abala sa pag tatahi nalibang ako sa dalawang ito .Umakyat sa table akala siguro kumakain ako dahil kumakalansing ang delata na lagayan ng sinulid . Nilaro mga sinulid kaya kinuhanan ko ng litrato ..Animal lover ako pero madali din ako magalit kapag hindi disiplinado .
Half year na !! Kaya linis linis din pag May time Ganito ako tuwing half year at New year 🤣 Saka lang maglilinis ng bongga para gumaan ng kunti ang bahay . Kapag regular day naman punas punas lang . Alam lang na malinis ok na . Palit ng kurtina punas punas ng bintana .akyat sa bubong para magtanggal ng Sapot mag ala spiderman .. Bawasan ang laruan ng mga bata .
Tulugan time na mga ka squads .Medyo kailangang mag recharge dahil bukas masasabak ulit sa pag lilinis at pag lalaba . Saana makisama si haring araw para maka tuyo agad ng labahin . Sa pag lilinis dapat hinay hinay lang lalo walang amo nA naka tingin . Wag pwersahin ang katawan tayo rin kawawa .sige yun lang po . Goodnight sqsud . Tulog na
Good morning Thursday ! Mataas na ang araw pero kunti palang nalilinisan ko sa harap ng bahay . Nag ala Gubat na dahil marami ng halaman kailangan ko na ata bumili ng paso .since kasi nag lockdown nag mahal na din ang mga masetera kaya imbes na bumili ako tyaga nalang muna ako dito sa Mga nag suputan ng Parcel ko sa shopee . Recycled plastic .
Ang Guyabano Bow .. Nasobrahan ng hinog sa puno kaya pag bagsak lusak . Lagi kong tinitingala kapag nagwawalis ako sa tapat pero isang araw lang ata na di ko nakita , Hanging malakas lang pala mag papabagsak . Sayang naman hindi makakain lahat .
My volleyball tournament Sa bayan namin . Kaya panay ang practice ng mga kalahok sa mga per barangay. . Si panganay nag ka interest mag laro ng volleyball kaya Ito nabudol niya ang kanyang ama . Inorder ito ni hubby noong shopee sale .Tamang tama nag sahod na din siya . Tutol ako sa umpisa kasi baka hiramin hiramin lang ng mga malalaki sa kniya . Masira agad .Gusto ko rin sana masanay siya sa mga sports wag nia ako gayahin walang alam sa sports 😅
Kaka gising lang pero ito na tumambad sa sakin sa labas .Mag gagata daw sila papa ngayung tanghalian ng Labong . Marami na daw sibol na labong kaya kinuha na kasi hindi pweding lumaki magsisira ng yero .. Puyat ako kagabi kaya nagising ako masakit ang ulo . Kung kelan nag vitamins saka nman di naka tulog ng maayos ..baliktad na ang effect.sa.akin
Anung oras palang hinati ko na itong Pakwan akala ko kasi alas tres na ala una palang pala . Meryenda na sana namin ito kaya hinati ko. Kanina pa kasi nang iingganyong biyaKin ko na para matikman . Binili ko ito sa naglalako ng prutas medyo looking hilaw pa pero matamis naman . Kainin ko nalang itong nahiwa saka ko takpan para di masira .Mamaya nalang kasama kids
May Mag Syota sa bahay ng lalake 😅 Boy :Hon Ikaw pa lang ang inuwi ko sa bahay namin . . . Girl: talaga ! tingin ng asong marites🤣
Ilang oras na rin nakaraan noong huling nag post ako. Wala naman kasing bago na pwedeng iingay. Kaya ito nalang ang aking i flex pinagawa ko pa yan sa kakilala ko. Unang pangalan ng panganay ko at bunso para naman meron silang maisuot tuwing may okasyon. Matagal ko ng gustong magpagawa ng ganito kaya lang mas inuna ko pa kasi yung mga mahalagang bagay bago ito. Hindi pa nila na try na isuot dahil wala pa naman silang pupuntahan ngayon .
Busy ako today nag tratransfer ng halaman Masyado ng marami sa iisang lagayan kaya ginamit ko itong Shopee Plastic bag nila para makinabangan naman . Yung iba napabayaan ko na nawalan na kasi ng gana kasi nagiging makalat na. Tagal naman kasing matuloy itong bahay para alam ko kung san ilulugar itong mga halaman . Para hindi lang binubunot para ilipat ..kawawa naman .
Wanna flex this Big Fish 2 1/2 kilo yan apat .. Galing pa ito sa San Roque dam ..Isa sa Dam ng Pilipinas ..Oo malapit lang kami dito kaya nakakabahala kapag tag ulan dahil may tendency na mabaha kami kapag nag pakawala .. dahil malapit kami sa ilog .. Ang dam ay Sagana sa ibat iba at malalaking isda . DAPAT magaling kang mangisda dito dahil sobrang lalim nito at may parte talaga na hihigop pailalim .. Bangka rin gamit dito sa pag lambat ng isda pero mangilan lang dahil nga…
Maagang nagising si bunso .Ang alam kasi niya pupunta kami mamayang hapon sa Plaza or sa bayan para maki fiesta . Patapos na kasi ngayung araw . Pero tinamad ako dahil bukas uuwi yung papa nila Kaya bukas nalang para di doble gastos .Hindi pa naman siguro aalis yun kaagad . Kaya yan kahit tirik pa ang araw eh nag babike na saka kami siguro lalabas sa kalsada kapag di na mainit .
Yung pauwi ang asawa mo pero mas excited pa ung iba na makarating siya dito .. If i know ..pauwi nanaman gagawin nilang kaban yun lang ayaw ko sa asawa ko masyadong mapag bigay sa iba .Pag uwi sa working place niya nga nga dahil paubos na ang pera . Proud naman ako na naibibigay niya yung allowance namin ng buo naawa lang ako sakaniya ganun nga palagastos . Kung mag utos nman lagi nia sinasabi oh sau na sukli tuwang tuwa naman sila .🙄🙄 Habang ako nag titipid para sa…
Alas tres na pero tulog pa mga bata at asawa ko 😅 makiki fiesta daw sila ngayun . Susulitin daw ang pag stay sa labas kaya dapat maaga umalis para di maabutan ng crowded dahil may event mamaya . Grocery naman ang pakay ko dahil paubos na mga abasto ng kids ko .. Gusto ko laging may stock na foods kasi hindi na masulit ang bente pesos sa mga sari sari stores. . Kaya mas maganda ng may food sa loob ng bahay incase na magutom
Its Just four of us .. Sa wakas nakawala rin sa hawla tagal tagal din di naka labas ang kids ko ..laging nasa bahay kada uwi ng papa nila saka lang makakapag enjoy Ilang araw ding inaantay ng mga anak ko maka punta sa plaza . Mabuti nalang kami lang na apat ang pumunta kaya masaya walang extrang panira ng family bonding .
Gandang Tanghali .. Katatapos lang namin kumain .Nag aya ang mga kids ko na maligo sila ng papa nila sa ilog .. Pinauna ko na sila dahil mag huhugas pa ako ng pinaGkainan para mamaya ayahay na . After siguro maligo sa ilog patutulogin ang kids saka namin sila iiwan dahil mag grogeoceries pa ako para may food kami na maiiwanan .Ngayun kaya ulit byahi ni hubby pauwi .. 1day off lang siya so sad kulang na kulang .. So enjoy this moment nalang ..
Tapos na ang Day off ni Hubby time Check Its already 4:30pm ...3 hrs long rides going to working place .. Priniprepare ko itong iuuwi nia na Gabi mamaya para mamAya ok na . Gagawa ulit siya ng pera para sa economiya . Sana nga tumaas din ang minimum wage ng provincial .. Para lahat ng dumadayo sa mataas na rates ay di na lumayo sa pamilya .. Gabayan siya ng Panginoon sa kaniyang paglalakbay ..Naway ilayo siya sa mga walang disiplina sa kalsada .
Dinner in room kami bunso . Dadalawa lang kasi dahil nauna ng kumain si panganay . Bumili nalang ako ng fried chicken sa bayan para di na kami magluto ng ulam .Kami lang naman kasing tattlo ulit ang kakain .. Namimiss namin ulit ang presensya ng Ama ng Pamilya..
Tuesday Laba day . Di pa ako tapos maglaba pero pagpasok sa loob ng bahay ganito nanaman ang eksena . May bisita pala si Bunso ayan binaligtad ang lagayan ng laruan . Hinayaan ko nalang since di ko maasikasong bantayan si bunso .. Paano nalang kaya kapag walang nanay ang mga batang to .naiimagine niyo ba kung gaano na ka kalat ang bahay niyo 😁
My Lunch Wala ako sa mood magluto ng ulam kasi wala yung bunso ko nasa pinsan niya . Si panganay naman tiyak busog yun dahil marami siyang baon sa school . Ako pagod na nag laba kaya di na nakapag luto dahil ako lang nanaman ang kakain Mabuti sana kung merun si hubby pagagalitan ako nun kapag tinamad ako mag luto ..😅
Mashakit ang tiyan ko .ayaw ata kumain ng Ma cheesey na pagkain or chocolate drinks nag aalburuto ang tyan . 30 minutos na ata akong naka upo sa trono di pero di pa tumatayo ganito ba kayo lalo na kapag naka hawak ng cellphone .. Di bale wala namang next ha ha ha anyways Good evening po sa lahat .. Sana maka tulog ng mahimbing today walang pasok ang kids bukas kaya ayis lang gumising ng late .
Maulan na morning mga Ka squads. So ayun nga maaga palang pumatak na ulan naalala ko bigla na may iniwan akong tuwalyang tattlo kaya dali na akong lumabas para kunin . Bumalik rin.ako sa higaan kaya lang di na naidlip .. Kaya nag scroll scroll nalang muna dito bago magpasyang magluto ng almusal .. Habang itong bunso naglalaro ng luto lutuan
Kumain na ba ang lahat kami hahabol nalang dahil nagluluto palang ng ulam . Ginadgad na carrots na may red sili ang prinapare ko today para maka kain naman ng gulay itong kids ko dahil sinipag mag luto . Akala ko nga maaga pa kaya di ako nag luto pasado alas onse na ako nag start ngayun ko lang niluto anung oras na 😅.. So ayan squads prito prito muna
Gandang hapon Squads .. Nakaluto na ng Pansit handa ng aming Uncle Birthday niya today . Pansit ,puto ,shanghai ang handa niya nauna ng naluto yung pansit yan na nakuhanan niluluto pa kasi ung puto . So ayan na nga busog nanaman ako nito dahil madaming nilutong pansit at shanghai .
Good morning squads Coffee break muna bago sumabak sa mga gawaing bahay na nag aantay .. Tayong mga Pinoy hindi ata buo ang araw natin kapag walang kape. Dahil isa na ito sa pangunahing almusal ng mga nag titipid o hindi na maasikaso ang kumain ng almusal dahil nagmamadali .. Tandaan kapag kape ang almusal siguraduhing bumawi ng meryenda at sa lunch..
Nag dadalawang isip talaga ako kung papabakunahan ko ang anak ko ng Kontra Covid Vaccine. Kasi mga kaklase niya nag sipabakuna na isa sa mga hindi pa napabakunahan ay ang anak ko .. Saka ayaw ng papa niya hindi naman required .Malaya nga mga hindi bakunado na nakakagala ..Saka kahit complete vaccine natatamaan parin .. Kayo kamusta po bakunado na ba mga anak niyo ..?
Guyabano leaves known as Miracle fruits Is good to our health, Lots of benefits to our body... Isa ito sa panlaban sa Cancer o bukol bukol sa katawan .Pang baba ng presyo at marami pang iba . Advice po sa akin na Sa umaga dapat mamitas ng dahon bago sumikat ang araw dahil ang hormones ng ay nasa taas pa kaya ang dahon na kunin o pitasin ay malapit yung tuktok yung hindi magulang . Pero yung iba sinasabi na yung magulang na daw ang kunin .. Dependi po sainyo kayo masusunod…
Maagang kakulitan ni bunso . Pinakailaman na ang gamit ng ate mamaya niyan madatnan sya giyera nanaman sila ayaw pa manding ginagalaw mga gamit . Ang ending kaming dalawa ang mag sasagutan 😅. Lagi kasing pina papaboran itong bunso kaya nakukuha gusto yun malaking mistake .Dapat kontrahin din mga kagustuhan sana mabago pa ugali ng bunso . Iniiyak kapag may gusto at kapag di naibigay ma attitude na ..Kaya na hihigh blood ako kapg nag aaway kmi 😁
Happy Friday squads Guys Sa mahilig diyan na mag ukay ukay .. Paano yung tingin niyo kapag may hawak na Magandang item yung katabi niyo sa halagang sampong piso .. Naku tamang abang lang ba kapag ilalapag niya ..Agad ba na kukunin 😁 ha ha .. Danas ko na yan inabangan ko talaga kung ibaba niya . Success namann. May mga bagay kasi na importante sayo pero saknila hindi dahil iba din ang importante sa kanila .. Kain na lang tayo
Have you ever tried to order in Tiktok Live ? Nakakabudol po sapag oorder po sa totoo lang bukod sa may pa free sf po sila sa unang order mo mapapa ulit ka talaga .. Mas mura kesa sa shopee at lazada ..May nagturo lang sa kin kasi nakita nilang nanonood ako ng Shopee live , try ko daw sa tiktok manood baka mabudol ako totoo nga 😅 . Nag 1st try lang ako .ang dali lang din pag order fill up ka lang complete address ska contact # kapag nag place order naman may code na isesend…
Good morning saturday!! This day is my reproductive day , Maraming gawaing bahay ang aasikasuhin . Isa na dito ang pag lalaba 😅 ..looks foggy day ? Ha ha alam kasi ng kapitbahay ko na maglalaba ako today kaya nag sunog nanaman si marites oh di ba .. Sabagay start pa lang naman ako ..sabuyan ko nalang ng tubig kapag nag sampay na 😁
Giid afternoon squads. Yung mga iba meryerda na ang fle niflex ako itong Natuyo ng mga damit di ko pa naisama mga flat sheet . Ready to tupi na while nag iisip kung anong meryenda .. . Ang tindi ng sinag ng araw kaya madali lang natuyo ..libre drier na sige later nalang
Buti pa itong si asawa Pa chill chill lang sa labas ng Boarding house nila Hindi umuulan. Samantalang dito sa amin nag tatago pa ako sa loob ng kwarto kasi ang lalas ng Kidlat at kulog . Parang kanina lang ang tindi ng sikat ng aRaw tapos biglang buhos ng ulan ,
Kuha yan kanina Doon sa kalsada kung saan nagtatambay ang mga kids .. Vegetables garden yan nilagyan lang nila ng sunflower ..Namukadkad na silang lahat bukas magpapa picture din ako sa part na yan habang naka mukadkad pa .. Naging attraction na ..
Happy 124th Independence Day Philippines .. Ginugunita natin ngayun ang Araw ng Kasarinlan ng Pilipinas ito ang Taunang ginaganap Tuwing Hunyo 12 , .. Ito ay nagpapahayag ng kalayaan mula sa kolonisasyon ang mga kastila. Kaya dapat malaman ng mga kabataan ang kahalagahan ng mga bayani na syang nakipag digmaan laban sa mga dayuhan .
I Just wanna flex this little driver Kahapon yan nag letchon kami maliit lang naman kaya kayang kayang idrive ni bunso . May kaunting salo salo lang naman eh gusto daw makatikim ng letchon kaya yan sacrifice yung maliit na biik 😅. Minsan minsan lang naman mag kita kita kaya gawing memorable .
Arrozcaldo for merienda My isang grupo na nagbibigay ng pang merienda . Aspirants naman ang naka print sa kanilang Mga puting damit .. the good samaritan hehehe.. Lahat binibigyan specially sa mga kids kaya kumuha na rin ako ng saan kahit tulog pa yung mga anak ko. Nagdadalawang isip nga akong kumuha kasi hindi ko naman sila kilala baka sindikato or my nilagay sila sa pagkain alam nyo na instinct ng isang ina.
Kung di ko pa ginamit hindi ko pa malalaman na basag na pala Favorite kung anti Radiation glasses.. Wala na akong magagamit sa labas gusto ko pamandin ito dahil merun siyang pagka photochromic.. Nabla block talaga yung sikat ng araw .. Di masakit sa mata . Sana meron pang ganitong style
Sino kumakain nito? Maasim kapag red matamis kapag violet na or hinog .. we called it Cranberry or Bengal Currant. Best na pag pitas nito ay kapag naging dark violet na ang bunga . Season nila ngayun kayaLots of benefits din ito ...
A cup of couple coffee. How romantic na sana pero Kape yan ng mga maritess . Hahaha Ang Aga aga may bisita nakakahiya naman nagkakape ako sila naka tunganga habang pinapanood ako kaya timplahan na yan para maganda ang istorya kapag umuwi na . Good morning
Im helping my worker.. Magpapa wxtend kasi kami para sa kusina namin kaya ito tinutulungan kahit mag cut lang ng alambre yung taga lay out .. Q papa naman taga lagare ng bakal para sa poste ..Ayayay ito na ang simula para matapos na at mabuo ang bahay namin .. Half year n kasi wala pang achievements kaya push talaga namin .May kaunting ipon kaya isalpak na sa bahay
So ayan squads sa halagang 60 pesos may ulam na kami . 50 per kilo sa tilapia at 10 pesos sa half kilo ng kamatis .. Ang bait ng nag titinda lagi kaming may free sya kasi lagi naming pinag bibilhan kaya ito kahit higit na 1 kilo walang dagdag na bayad .. Paksiw ulit kami mas matagal ulamin 😅 Kayo anu ulam niyo Sige linisan ko muna
Kanina pa ako nag iisip kung ano ulit ipopost ko .Hanggang sa naiinom ako kaya nag tungo ako sa lamesa para kumuha ng tubig na inumin .. Nadaanan ko itong si Nakba at banak ang aming dalawang kuting na himbing na himbing sa pagkakatulog .. Ha ha ha natawa lang ako sa mga posisyon nilang matulog yung isa sarap buhay naka kutson ung isa naman kamukha na ng tiles .. Bukod sa 2 kids ko sila din ang aking happy pills ..
Dumating na pala itong 1st order ko sa Tiktok live. Ang ganda sana kaya lang may issue . Una Mali ang kulay dapat pink yan kasi sa anak ko . Pangalawa see the photos maling butas pinaglagyan sayang ang kyut pa naman di bali di na ako luge bukod sa free shipping na may less pa .. In short im not satisfied ..Mas maganda talaga sa shopee mag order ..Sa tiktok mahirap mag reklamo .. Any way eenjoy nalang gawan nalang paraan ..
Dito sa probinsya kahit kamatis at Bagoong busolve na ang isang kainan .. Kapag wala talagang maulam ito na ang pang back up ko ..Kaya lagi ako nagtatambak nito sa kusina ..dahil alam ko ito ang pantawid gutom .. Kapag richkid ka di mo alam to.. To God to be Glory
Ang hirap mag ipon pero bakit ang Daling gastusin .. Itong araw na ito ang simula unti unting mauubos ang ipon .DAHIL ipapagawa ko na kusina na ko .. Sa mga bakal at buhangin palang mapapakamot na ako 😅 naku maganda ang malawak ang tahanan pero mahirap pala buuin noh .. Laban lang at ipon pa more
Good morning squads Walang impossible sa taong may pangarap Sa sipag at tyaga lahat makakaya . Kapag nangarap taas taasan muna libre lang naman ito ha ha ha ..sa kalahating taon ngayun lang nagawa ang gusto sa bahay .. Marami akong plano pero pera nalang talaga ang kulang .. Bahala na kung san lang maitataas ang pera na hawak ko ..Ipon ulit
Tinola for lunch .. Yan yung nag sacrifice nung nag Buhos ng poste .Kailangan kasi patakan daw yung posti ng Dugo bago buhusan ng Hallows .. Tradisyon na nating mga pilipino ang gawaing ito para magi g matibay .. Ako naman naisip ko buti hindi ko buwanang dalaw ngayun kundi ilalagay ko napkin ko jan 🤣🤣 ha ha ha Para mas matibay jowk lang .. Any way kain
Gandang hapon Squads Naipatayo na ang limang poste ng Kusina Nilelevel ang mga Hallowblocks nalang para deri deritso na e asentada .. Medyo napalaki ata ang sukat 😅 ..kasi Katorse dapat de dose dahil yun ang available na Yero 🤔.. Bahala na ..Anjan na eh mas malawak mas masaya ..Wag ng intintihin ang gastos ..Pray kay God , tiwala at tyaga .. Para maka raos ..
Good evening Mga Squads Sabay sabay nating Abangan ang pangalawang supermoon na tinatawag Strawberry Moon .Na matutunghayan ngayun Gabi June 14 ,2022 Kung hindi magiging maulan o maulap ay malaki ang tyansa na masasaksihann natin ang nasabing super moon .. ..Goodluck nalang sa makakakita ulan is here na 😥
Ang lakas talaga ng Instinct ng isang ina . Akalain niyo kanina may pumasok na kalaro ang anak ko .Dahil ako naman ay panatag dahil matagal namang pumapasok mga yan eh welcome sila . Pinag diskitahan ang mini portable ng Bunso ko .Ginagamit niya kasi kapag nkahiga siya sa sala .. Eh si bunso lumabas .Naiwan na naka stand ung mini fan niya .Kinursunada ng kalaro ni panganay . Si panganay kasi kapag my load yun sa cp nia di lumalabas sa kwarto nia kaya siya dinayo ng makakati…
Mga kuting na to basta binuksan na ang pintuan ng Kwarto eh anjan na nangigising . Eh baka makalmot anak ko eh ..kaya hinulog ko sa baba ..at nahiga ako ulit .. Pasaway ayan na ulit sila naghahanapbata ng kalinga ng isang ina ..Pinapatulog ko kasi sila sa labas ng bahay para di ako mag linis ng tae nila .. So ayan good morning po sa lahat ..
2types ang happiness ng anak ko Una dumating na si Papa niya ..At maraming pasalubong sakniya .. Pangalawa nakonsensya Yung kumuha ng mini fan niya 🤣 Sabi nila napulot daw nila sa damuhan 🤔 san kayang damuhan yun eh umulan kagabi ,Dapat sana nabasa at di na gumagana 😁.. Aba may warning na sila sakin wala na akong tiwala Pag pumapasok sila sa bahay.
Late Lunch Guys tinola again and again .. Ganito kasi ang ulam namin kahapon kaya ko sinabing again .. Kailangan kasi Pang maramihan ang ulam kasi may trabahador din kami ayaw naming magutom sila . Last day na muna siguro ito kasi medyo umiiyak na ang aking pitaka . Mag iipon ulit para may pampataas ang importante hindi sa luho napunta ang ipon .. Buhosan ang poste at dalawa pang patong stop na muna ..saka 2 loads ng panambak para mataas ..
Good evening squads Kung Ganito naman ang naka lagay sa damuhan . Parang nakakahiyang apakan yung damuhan kasi apaka Ganda ng mga kasamangVietnam rose. Ang ganda talagang tignan kapag sabay sabay silang namukadkad ..Merun din akong tanim na may ibat ibang color.. Buti nalang di ko tinapon noon ..
Happy ako today kasi day off ni Hubby bukas kaya umuwi siya today . Makakasama namin siya kahit isang araw lang para kahit papaano maka bonding naman ng kids .. Kaya lang sad kasi si Bunso hindi maganda ang pakiramdam .May ubo sipon at humabol pa ang Lagnat ..Pero kahit ganun may energy paring mag pasaway .. Sana Gumaling na siya ..ayaw niya kasi mag take ng oregano ..ayaw niya yung lasa . . Goodnight n po sa lahat squads
Maagang natulog si Hubby kaya maaga ding nagising anong oras palang . 12:27am . Nag lalaro ng Mobile legends . Sanay sa puyatan eh Security Guard Kasi kaya nasa body clock niya ang gising ..KapG tulog na mga tao . Kaya lang nadamay ako maingay ang kaniang Nilalaro .. ayaw ipa liit ang volume mas nagaganahaN siyang maglaro kapag malakas daw . So ano pa nga ba di samahan siya sa pagpupuyat tapos nag pasyang bumili daw balot sa may lamayan malapit lang sa amin . Kwento ko lang…
Good morning squads Kumusta ang panahon niyo diyan .? Dito sa amin araw din naman pero sa hapon maulan . Maagang nag wowork itong trabahador namin binabawi nila yung oras na maagang huminto sa Hapon . Dahil nag babadya ang ulan .. Anyway ano kaya ang almusal na iluluto medyo malapit na akong masaid ha ha ha .. Bawi nalang next time ..Ipon pa more
Chopsuey for lunch mga ka squads. Ulam ng trabahador namin para di naman sila maumay sa Tinola 😁. Kapag talaga magpapagawa ng bahay dapat talaga may hawak na sapat na pera . Paano nga naman yung iisa lang ang kumikita .Mabuti nalang may mga pwedi pagkuhanan na apps tulad nito .kahit papaano may pagkuhanan kahit pang load lang dahil isa din na kailangan ng tao yan . Kain na squads ..
Makulimlim pero ramdam ang init Kahit naka upo lang ako pinagpapawisan parin .. Malapit na ang alas singko maabutan ata mga trabahador bukas hindi pa tapos . Wala kasi kami kanina na nag babantay ..Araw kasi binabarayan parang mapapa kamot ata ako sa pasahod 🤣.. Buti merun si asawa tumutulong na rin para mabilis matapos ..
Friday .. Good morning squads . Until now nakahiga pa sa kwarto May lagnat kasi si Bunso kaya kailangan niya ng Attention. Dati nag simula lang siya sa kunting paubo ubo dahil may kalaro siyang asthmatic.Kapag umuubo ung bata sa harap ng anak ko ..Tapos nag sishare ng foods na galing sa bunganga nia like drinks 😥 sa anak ko .itong anak ko naman kahit anong pagsabi di parin nakikinig .. So ayan na nga tuloy siya na may sakit .. Dati chill chill lang ako kasi ang alam ko…
Cat is our friend kaya sobrang nalungkot ako nung nakita ko silang patay na 😭😭.. Yung Bunso ko kinulong siya sa malaking bottle hindi siguro nakahinga dahil sobrang higpit pagkakasara Pinilit kong sinusurvive pero wala na talaga kung maaga lang sigurong nilabas ng bunso ko nabuhay pa sila ..sobrang Sakit kasi napamahal na sakin ang dalawang ito dahil sweet sila at pinapasaya ako kapag nabobored ako sa bahay . Kung kelan naturuan ko na silang tumae at maglaro sa labas tas…
After ng dramatic episode kaninA dahil.sa biglaang pagkawala ng Dalawa kong muning .. Kailangan kung mag move on .. Wala nang magagawa di na mahahabol ang hininga nila nangyari na . Bumili pala ako nito Bag bagkong sa ilokano mapakasarap at napaka bango pa bukod sa may medicinal effect sa ating katawan ay Isa itong gulay na naglilinis Ng ating digestive system .. Bagay isahog sa gulay man or manok ..
Inaantok na ako kaya nadalaw muna ako dito para mag basa basa. at habang nagmumuni-muni naalala ko naman yung dalawa kong muning... Kung buhay pa sana sila Andito na rin sana sila pakalat kalat sa loob ng kwarto. Nami-miss ko yung kakulitan nilang dalawa. Parang naririnig ko pa sila o nasanay lang talaga ako sa kakulitan nila Nakakapanibago Naman katahimikan . Hanap ulit ng aampunin mas panatag ako na may pusa sa.loob ng bahay ..Bagong alaga bagong training ulit .
Ang aga kung gumising para mag laba sana Kaya lang pag labas ko sa bahay umambon kaya nires scheduled ko . Ngayun after a hour Sumikat na ang araw ang sama naman naumpisahan ko nalang sana kahit umambon .. Na scam ako 😅 ..
Nag lunch na po ba ang lahat kami katatapos lang naman sa mga hindi pa kumain habol po kayo mahirap ng malipasan ng gutom .. Sinabawang mushrooms pala ang ulam namin bigay ng kalikasan ..nilagyan ng dahon ng ampalaya ..
Dahil sunod sunod ang mga nababalitaan kung natatamaan ng Kidlat .Na po phobia na ata ako.. Kapag may kidlat na kasama ang ulan sobrang kinakabahan na ako ..Kapag may kidlat parang gustong mag kulaps tuhod ko sa nerbyus na feeling ko ako matatamaan.. Grabi lakas ng ulan Kidlat at Kulog.. maliligo sana ako merun namang kidlat nasa labas kasi ung gripon .Kaya tago muna ako mamayang gabi nalang siguro ..
. Maulan na gabi mga squad Kumusta na po ang lahat kumain na po ba ng hapunan. Ito nga pala yung saging na nabili ko sa palengke kaninang umaga. Pinili ko yung medyo hindi pa hinog para hindi agad maubos. Balak ko kasi magluto ng turon. Medyo malaki din ito ng mga saging na nabili ko. Sulit sa isang kainan. Anong ulam niyo.mga ka squads ..? Ako nag iisip pa 😅
So ayan nga nanaman nakaka gimbal na balita meron na naman kinuha ang kidlat habang nagtatanim sa bukid ng palay habang anim naman ang sugatan na kanyang kasamahan .. Sabi nila mas mataas pa raw ang tyansa mong tamaan ng kidlat kaysa tumama sa lotto. Sa sobrang lakas ng kulog ,ulan at kidlat talagang may matatamaan kapag natyambahan . kaya nakakatakot na ang panahon ngayon parang galit na galit at gusto ng maningil dahil sa pinag gagawa ng tao sa kalikasan. Ingat po tayo…
Happy father's day sa mga Papa, Tatay,daddy, lolo,Amang ang haligi ng Tahanan .. Sa Mama ko na siyang naging ama at ina hindi sapat ang Thank You dapat masuklian namin yung sacrifice mo eversince .
Breakfast tayo mga ka squads Madaliang luto tinapa saka nah sangag ng kanin.. Dahil wala Ang Haligi ng Tahanan .Walang Bonding moment na magaganap kaya ang ending maglalaba nalang ako .. Kahapon ko pa Gusto maglaba kaya lang umambon kaya di ako nag laba ..medyo late na ako mag start dahil inuna ko nnaman mag Cellphone .. Any way Happy Father's Day po sa lahat ng tatay dito and blessed Sunday ..
Musta na squads .. Katatapos lang nag laba ,hindi pa kumain ng tanghalian . Kakapagod din pala parang Gusto kung Kumuha ng lubid at isabit sa puno para mag Duyan para para swing swing lang 😅. Chilax muna bago kumain para maganahan .. Pagod ang katawang lupa
Simple celebration of Father's Day He's My Father in Law . Actually hindi siya updated sa mga Ganitong bagay . Hindi kasi siya nag cecell phone kaya wala siyang alam About sa Ngayun ceni celebrate ang Father's Day. Sobrang bait niyan si papa . Kaya blessed ako dahil naka tumnong ako ng mabait na inlaws ..
Goode evening squads Nababahala ako kasi Hinahapo ang bunso ko sunod sunod ang Ubo niya . Hindi siya maka tulog ng maayos dahil nauubo siya . Minsan naduduwal pa , kaya bantay ang tubig sakania ..Naka ginhawa siyang nung nagduwal sia kasama na siguro dun mga di nia mailabas ..pero sadly naisama pa kinain nia .. Ok nmam siya kanina nung naglalaro pero kapag nasa loob na ng bahay inaataki na siya .. Asthmatic kasi yung kalaro ni bunso nag nebulizer kapag inaataki ng hika…
Gandang umaga ka squads . Maagang nagising dahil may gagawin sa labas kailangan maaga dahil tutok ang araw sa part na pag lilinisan ko. . Kaya almusal muna bago Gumalaw ulam namin ito kagabi di naibus kaya tamng tama pwedi ng pang laman ng tiyan ngayun . Masukal na kasi sa harapan ng bahay namin sa dami ng halaman .Kailangan ng mag bawas bawas .Bka may tumirang ahas 😅 wala pamandin kamong bantay na pusa .
Musta na squads Araw ng passikka sa amin ..Yung pag bubunot na palay para ready to Tanim na . Maganda sikat ng araw kaya naka antabay ang tubig na sakanila para iwas dehydrates . Kaya blessed din ang ulan para may supporta na patubig sa mga bukid ..
Lunch everyone squads Ayan na nga DaDag tawag namin dito hindi ko alam sa lugar niyo ito muna bago maging monggo ..masarsp my galunggong na sahog .. Tapos kilawin na maliliit na isda Mga trabuhante buti pa sila tinolang manok para daw may mahigop ..at ganahang magtrabaho ..tapos nakihingi lang ako ng kilawin na isda .. na amaze lang ako sarap ng amoy eh
Surprised Rain. Ang ganda ng sikat ng araw di ko aakalain na magbabagsak ng ulan .. Kung kelan Ang liwanag ng kalangitan samantalang kahapon halos magtakip silim pero di umulan . Okey na ito guminhawa ng kunti ang paligid dahil nasabuyan na ng ulan.. Ingat po tayo sa Kulog at kidlat
Nag Chat ang Teacher ng anak ko kanina . Nag send siya ng pangalan at andon ang Name ng anak ko .. Isa sya sa With Honors Sa moving up na Magaganap Sa Next Monday sa school . Goodnews naman ito para sa anak ko at syempre proud parents din kami . Nakatulong din ang face to face dahil nakita nila ung kakayanan ng anak ko . Kaya lang may ubo at Sinat ung anak ko 😅 .. Wala ng time para magpagaling Sana mawalan na ng sinat para maka attend ng practice ..
Atis to sawa .. Inuwi ni Bayaw galing bukid marami daw bunga yung punong atis ng amo niya . Eh Wala daw hilig kumain ng mabuto yung mga anak ng amo niya kaya kinuha nalang niya kaysa walang makinabang sayang naman matamis siya pweding pang benta .. Merun din kaming tanim na ganito kaya lang kapag nag matured na yung bunga nangingitim . Ipunin namin ung seeds niya para maipunla
Bed time na Naalala ko maaga pala kami ni panganay bukas punta school . Medyo nag aalangan akong pumunta kasi baka madetect na Hindi normal ang temperature niya .. Sabagay sinapo ko siya kanina ok naman na Yung ubo lang ang makapit ang plema .Hindi effective saknya yung binili ko sa pharmacy.Lalong nag dry hirap ilabas .. Anyway goodnight all.squads
Good morning NFSFG #Happy1styr&1stMonthsary Kumusta na ang lahat ng squads andito ulit tayo para mag celebrate ng ating unang taon at unang monthsary. Cheers tayo ng Kape .. Para sa Matagal na pagsasama .. Thank you po sa lahat Sir #Ayamedel Sis #Katlyn Sis #Shellyberry .. God bless po sa ating Lahat
Nasa school kami today Practice ng Aking anak kasi nakasali daw siya sa With Honors . Yung 7:30am naging alas otso pasado na mabuti nalang kahit late kami dumating eh hindi pa nag uumipsa. Filipino time nga talaga . Di ako maka pag upload ng pic mahina ang signal sa Palasyo Charr!😅
Raep day squads or tanim ng palay .. Grabi ang init kawawa naman mga trabahante Nag aapura sila dahil baka mamaya eh umulan nanaman . Kaya pag luto namin sana sila ng Pansit for meryenda kaya lang late ng bumili ng iluluto kaya siguro pang hapon na lang Malapit naman ng Lunch .. Kaya kain na po
Gandang hapon squad Sa wakas naka pag picture rin kami sa san Flower farm ng pinsan ng asawa ko . At sa red Gate naman yan naman ang Garden ng 4ps. Sa likod nian malawak na taniman ng ibat ibang gulay . Pwedi kang bumili jan dahil maraming gulay ang makukuha. Medyo nayuko na ang mga bulaklak dahil malapit na silang malanta at dahil na rin sa malalakas na ulan ..Ang tibay nga nila kasi hindi parin sila natutumba sa lakas ng hangin at ulan tuwing hapon . Sobrang init kaya…
So ayan na po ang aming meryenda today Busolve na po kami sa dami. Mga trabahante pahinga muna dahil nabusog din buti nalang wala pang ulan kung sabagay kunti nalang at malapit ng matapos . Huling patrabaho sa bukid .bukas ayahay
Good evening squads Batiin ko ulit ang ating Channel ng Happy Happy 13th Monthsary sa ating Lahat ng patuloy na sumusupporta . Huwag nawa tayo magsasawang tangkilin ang channel na ito . Merun man o walang blessing . Sir @Ayamedel sis @Katlyn @Shellyberry Salamat po ulit sa mga blessings.
Good morning Wednesday .. Ang ingay ng bago naming ampon na pusa . Kinulong ko muna kasi habang pinapaamo ko pa mukha kasing di sanay sa tao .. Panay ang iyak kaya nairitA ako ,tinignan ko baka napano na sa kulungan eh ok naman ayaw lang magpakulong. Tapos check ko kwarto ng anak ko Wala siya maaga siyang lumabas 🤔.May kasalan kasi diyan sa tapat ng bahay .Baka nakipagkita sa mga kalaro. Naku malilintikan sa akin yan pag uwi .. Mas excited pa kaysa sa ikakasal .. Anishal na…
Wednesday .. Wedlock sa aming kapit bahay ..Kasal nila today .Pinsan ng aking asawa yung lalaki . Sa kasalang Bayan sila ikakasal , Marami rami din silang ikakasal actually sa June 15 sana yan kaya lang postpone ng mayor dahil marami pang humahabol daw. So itong araw yung napili na . Sa tagal nilang nagsama ngayun lang naisipan kung sabagay ngayun lang nila na timengan yung kasalan ng bayan dahil nagka pandemic nga . Akala nila nakatipid sila eh nagpagarbo pa Nag arkila at…
Flex ko nga itong little cutie na Duckling's Naka chamba kasi masipag mangitlog yung inang pato . Sana nga mabuhay sila para makarami naman at may pang ulam in time of needs .. Merun akong tattlong pato na inahin , 3 din na dalaginding at isang barako . Sana nga lumaki sila .Tyamba lang magpalaki sa tag ulan na panahon 😅
Flex ko nga pala itong nag Cha chat sa anak ko 🤔.. bago lang ito hindi alam ng anak ko .. yung conversation nila kasi lagi kong denidelate mga chat nia ayaw kung mabasa nia hindi ko kasi alam kung sinu yan .. Convo . Paulo : hi Me ; Who you Paulo : si Kalbo (palayaw siguro) Punta ka dito Me; why? Paulo; mag mangga tau Me : nasa sobol ako with tito and tita At yung iba basahin nalang po sa pic 😅 .. Ay naku naman . Masyadong maappeal ang anak ko kung sino sinu na nag cha chat…
Yung bunso mong nag mamaktol .. Bagong gising yan di ma intindihan ang gusto , naiirita ako dahil iniiyak nalang yung gusto niya 🤔.. Ako pamandin yung parang madaling maiinis ngayun ..Ang hirap magpaka sweet mommy baka masanay , gusto kasi lagi lambing eh. Kapag may gusto na di ibigay iiyak nalang ang hirap pa patahanin .. Siguro di akong mabuting nanay sakniya kasi lagi ako nagagalit . . ayaw ko kasing lumaki siyang spoiled, nasanay sa ama niya at sa lolo nia lahat ng…
Inaataki nanaman ako ng allergies .. Bahing ng bahing at pagkatapos ay sunod na ang tulo ng sipon sa ilong .. Naambunan kasi ako kanina biglaan yung ambon kaya di naka silong agad . Kaya Nangailangan ng vicks enhaler para di mabaraduhan ang ilong hirap kaya matulog ng di makahinga ng maayos . Plus imbes maka tulog ng maayos eh may nag coconcert pa sa kabila ..Di pa tapos happy happy nila ..
Late ng nagising dahil sa siguro napasarap ang tulog ..Nag take kasi ako citerizine.. Magkakape na sana ako kaya lang nakita ko yung Laundry basket eh dami ng maruming damit pala . Kaya kahit late na eh maglalaba pa rin ako .. Good morning squads
Pumunta kami sa palengke para hindi bumili ng Pagkain namalengki kami dahil bibili ng school uniform para sa Panganay ko . School Uniform daw ang gagamitin para mga sasabitan ng medal sa moving up ng school .. eh di na kasya yung dating uniform nia ..Kaya balak ko sana eh humiram nalang .Kaya lang yung pag hihiraman ko sana eh mas payat kaysa anak ko kaya di rin kasya .. Sakto may butihing nakarinig sa problema ko sinagot ang pambili ng School uniform niya .. Dahil deserve…
Hapon na mga ka squads anong ulam ang hinahanda niyo .. Gulay samin kinuha sa likod bahay sayang naman kung di kukunin baka tumigas di na mapakinabangan .. Dagdagan nalang ng ibang gulay para dumamu pa .. Nag karne na ksi kami kahapon kaya gulay ngayun ..
Calamansi Farm. Good morning squad kumusta na .. gising na ba ang lahat tara mag lakad lakad din para makarating sa paroroonan. Dahil aso na ngayon ang ubo at sipon kailangan magpalakas ng resistensya.. kailangan ng vitamin c na nagpapalakas ng ating resistensya. Kaya Kalamansi juice para sa di umiinom ng gamot na tulad ng anak ko .. Grabi nakakabahala na makapit at matigas ang plema ..nakakaawa sila kapag naubo sa Gabi yun pa mandin mahirap ang may ubo😥
Kanina pa lang ako naka tunganga habang nagkakape ..nakalimutan ko may practice kami ng anak ko sa school.. Kung san ang pwesto at saan ang enter at exit kapag papunta na sa sTage para sa sabitan ng medal .. Ngayun lang kasi aakyat since pandemic ..eh grade 3 na sila ..grade 1&2 walang Academic excellent boring time ang pag wawakas ng school year nila noong pandemics .. Pero ngayun may excitement .. Sige prepared n po kami 8:00am
Ayan asa school parin until now .. Filipino time nga talaga medyo mataGal din nag umpisa dahil waiting parin sa mga iba . So ayan nung nag martsa na okey naman kasi nakaka proud lang na aakyat Sa stage . Kaya lang di minention yung ranking .. with Honor lang 😅 sana naman nireveal para maganahan ..
Gandang hapon squads .. Sumama ako sa mga kulokoy nato kasi kukuha daw sila ng isda at the same eh mag lilinis ng irrigasyon or daluyan ng patubig ng magsasaka .... Wala din ginagawa kaya gora na ..kasama ko mga tita ..kuha daw sila ng rambutan ..merun kasi kusang tumubo dito kaya lang pag mamay ari ng karamihan ang mahuli ay syang mauubusan ..kaya isa na kami dun .. Anyway uuwi narin kami baka may makapansin samin ng di nakikita 😅kasama ko pamandin mga junakis kung pasaway…
Grabing aksidenti kalunos lunos ang nagyari sa isang pamilyang nalasakay sa isang tricycle sa tindi ng tinamo nilang sugat dead on arrival na sila sa hospital . Ang nakakalungkot pa nadamay ang baby nila na isang taong gulang .. Ayun sa mga marites inagaw daw ng kotse ang linya ng naka tricycle kaya nasagi ito at nabangga kaya tumilapon ang mga biktima kasama ang bata 😥.. Sobrang nakaka lungkot kasi kahit gaano pa ka ingat sa pag mamaneho merun at merun mga kaskasero sa…
Kanina pa a pa ako inaantok pero sa kakapnood ko sa Facebook ng videos naabutan na naman ako ng alas onse .. Gusto ko ng matulog pero yung isip ko naglalakbay pa. Ang stress naman lagi nalang puyat late magigising hindi nanaman makakawak ng walis .. Pikit nalang ..siguro hanggang makatulog. Good night squads
Good morning squads Late ng nakapag Post eh kasi inuna ko muna talagang mag Linis linis para di abutin ng matinding sikat ng araw. Nasa kalakagitnaan ako ng pag wawalis nang tinawag ako ni Father in law ..Picturan ko daw anak ko na nag da drive 😅. . Ayan napending ang aking pag wawalis .kanina pa kasi nagmamaktol itong si bunso siya daw mag drive eh baka masunog ..kaya pinag try lang siya para tumahimik na. Dapat Drive safty parA maraming magpalechon 😅
Blessed Saturday Squads Thanks God dumating din package ilang buwang inaantay din namin yan ..pati yung nag padala naiinip na baka daw hindi marecieve. Merun daw kasing kasabayan niya na di na daw narecieve kaya nag worry siya .. 1st time lang niya kami pinadalhan ..Siya yung tita namin na long lost thru Facebook lang kami nag communicate .. Kapatid siya ng papa ko ..Yun lang di na nila nakita si Papa na buhay ..Pero blessed kami kasi mabait sila sa amin ..
Good evening squads Mukha bang lalayas 😅 ha ha ha .. Hindi po binuksan lang namin yung package ni tita syempre bida si Mother diyan .. Siya lang kahati ko bahala nandin siya kumuha sa dalawa kong kapatid .. Dami naming tawa dahil sa nag aagawan kami sa isang items ..Lalo na sa mga chocolates .. Sabagay equals naman yung ibang items ..merun lang yung iba na talaga na kursunada ko kursunada din niya ..
Good morning squads .. Late akong natulog kagabi pero maaga parin akong nagising ngayung umaga .. Feeling ko di ako naka tulog dahil kulang na kulang ang sleeping time ko .. wala na lagi nalang napupuyat anu na kaya mangyayari sa katawang lupa ko after a years .. Kapag maaga kasi nag papa asikaso si bunso nawawala ang antok ..pero kapag nakatulog naman ng matagal doon ako nakakapag relax.. Kaya ito gisingin ang diwa para ma energised at di lobat sa gawaing bahay .. Kape tayo
Tanghalinit squads Anung oras na pala mabuti nalang may rice cookeer na katuwang..tuwing saingan time .. Ulam nanaman ang problema .Kaya waiting pa ng mga walking vendors .Kaya lang anung petsa na wala pa kaya no choice kundi ung andito ang iluluto .. While nag luluto andito nanaman mga kids na pasaway ..Yung bisita feel at home sia yung nag babike samantalang ung anak ko siya naman ung nag sisinop ng kalat .. Bisita vs. May ari ng bahay
Bigay ito ng tita ko Pure honey daw ito from Australia .. Matagal ko nang gustong magkaroon nito kaya lang hindi ko alam pag bilhan na legit kasi maraming nah titinda na fake lang at asukal lang ang karga .. Maraming gamit sa akin, makaka inom na kids ko ng oregano na my honey at kalamansi ..pantanggal sa pangit na lasa .. Dalawa sana yan kinuha naman ni mader ung isa ..kaya ok lang may gagawin din siguro siya .. Kayo anu benefits sainyo ang honey bee
Halos natupi ko na ang mga damit sa mga aparador pero yung hinahanap ko na damit di ko pa nakikita.. Pang ilang aparador na ito na kinalkal ko .. Bakit ganun kapag di natin nakailangan nanjan lang di natin pinapansin ..Pero kapag gagamitin natin saka naman sila mahirap naman hanapin .. Ang hirap ng makakalimutin nagiging masipag 😅 maghanap
Good evening squads.. Ilang wall nuts kaya ang mauubos ko bago ako antukin ....Kakatooth brush ko lang nung maisipan kong kumain .. Saka diet nga pala ako kasi Recognition ng Anak ko bukas ..Rarampa kami sa stage dapat di naka usli si bilbil ..1st time kung mag bestida 😂 napupunta sa school.. Oops tama na pala ..napaisip ako biglan baka di na ko tuluyang maka rampa dahilnsa LBM.. Nuts pala ito . Sana maka tulog na maaga ..
Good afternoon squad Pasensya na now lang nag ingay .. Pagod kasing nag rampa sa stage ang lola niyo 😅. Kakauwi lang kasi galing school recognition day kasi ni panganay .. mabuti nalang hindi nahadlangan ng pandemic ang mga ganitong special day .. At Mabuti nalang nong nakauwi na kami saka naman umulan ..pagod much naman ..wala palang foods na mabili kaya buti nalang bumili na ako dito sa amin bago pumunta kundi maktol aabutin ko sa mga kasama ko .. Thanks naman sa mga…
Hapon na mganka squads .. Pagka tapos ng Recognition days nag si punta ang mga kamag anak sa bahay .. Kunting salo salo para sa mga Nag moving up at nasabitan ng medal .. parang reunion na din at family bonding .. Kanya kanyang luto at dala kaya hindi mabigat sa bulsa .. kaya happy ang pag tatapos ng araw na ito .Dahil may simpleng remembrance na nagkakasama ang magkakapatid .. Busog much na kaya aga sleeps .
Good evening squads .. Grabi inaantok na ako pero si bunso hindi pa maka tulog dahil kagigising lang kanina late ng natulog kasi . Namis ko ng matulog ng mahimbing .Siguro 2 years pa bago ma fully recovered ang katawang lupa ko sa pg aalaga kay bunso .. Nadede kasi siya kahit wala ng laman dede nia ..kailan kaya niya aayawan para nman.makpag pahinga rin😅
Tanghali na squads .. Ayan katatapos lang mag Laba .. Kahit hindi gaano kasikat ang araw at parang may chance na umulan .. Kailangang mag bawas ng maruruming damit dahil this past few days busy ako lagi . Kaya ngayun kahit makulimlim eh hala bira parin ..bahala na mamaya sana wag munang umulan .. Tara lets kain na
Hapon ma squads Biglaan ang buhos ng Ulan kanina napatakbo nalang ako para kunin ang mga sinampay .. Maaraw kasi na di naman aakalain na ibubuhos na talaga kasi pagdating ng tanghalu eh maaliwalas na. .. Pagpatak ng alas tres ayan na ..dahil ang dami kung sinampay napaabutan na ang iba .. Hinayaan ko nalang uulitin ko nalang mamaya ang pag wash..
Hapon na squads .. Problemanko sana uulamin namin kanina pero dahil mabait ang kalikasan nagkaroon kami biglaang mauUlam .. Kahit kaunti nalang to pwedi ng pgkasyahin sa isang kainan May sabaw na kaming mahihigop tamang tama sa tag ulan ..
Good evening squads Pumunta ako sa maraming kalamansian .. Bumili ako nito ng isang kilo .Pang kalamasi Juice para sa mga kids ko na may ubo at sipon. Naubos na kasi yung stock namin na last bili ko medyo humupa na ang ubo nila ..Clear throat nalang ..para matanggal amg bacteria.. Gawa din ako ngayun para may ipahamog ako ..inumin nila bukas ..
Good morning squads .. Bagong umaga bagong Pag asa .. Maaga ulit nagising di nanaman na enjoy matulog mahimbing .. Tinatawag ng gawaing bahay habang tulog ang kids .Iba na talaga ang body clock ng tumatanda na ..Parang kailangan kung mag vitamin para mapasarap ang tulog . Any way.nag handa nalang ako nito nilagang sagong na saba ..Para sa almusal..
Sleeping time na Yung batang nag mamaktol .. Ayaw pa matulog , maglalaro muna daw siya eh Mabuti sana kung mag patulog siya eh tuwing pipikit mata ko yuyugin ako at may ipapagawa na kaya naman niyang gawin.. Instead na makapagpahinga eh aantayin mo nalang na antokin siya ..at dahil gusto muna ring matulog pwersahin na siyang patulugin Panoorin mo ng panakot sa bata 😅..oh di ba effective ..
Good afternoon squads Flexing this little kitten .. Tuwing nahihiga ako sa kuwarto andyan na siya nakiki siksik na rin . Marunong na siyang mag masahi yun nga lang masakit kasi anlalaki ng kuko .. Ampon ko din yan kapatid yan ng dati naming alaga na namatay na dahil nakulong ni bunso sa bottle .. Mailap siya sa una pero naunti unting napaamo ..mas maganda ngang maging mailap sa 2 kids ko para di siya pag laruan nito .. Kawawa naman kasi yung mamatay ulit ..
Dinner squads .. Nandito kami now sa kalapaw dito sinusubuan si bunso dahil wala sa mood na kumain na mag isa .. Ito tyaga lang na subuan para makadami ng kain kaya lang kunti kinain kasi bago ako lumabas eh nakarami na raw siya ng inom ng juices .. Nung andito si Hubby noon dito din kami natutulog naka tent kami noon ..Isa palang anak namin nun kaya kasya parin ang Doble size .. Malamig kasi dito sa labas tabi ng bahay..linre aircon ..
Good morning squads have a blessed Thursday .. Andito sa labas nakatambay nagpapahangin at dahil di gaanong maaraw .. Para maka tipid din ng kuryente sa bahay kapag naka tambay kasi kami sa kwarto naka bukas mga e fan kaya sa labas muna habang di umuulan .. 1 strategy para mabawasan ang bill sa kuryente . Ha ha halata bang mahangin. Wala ng nagwalis dahil unli ang nahuhulog ng dahon ng kawayan ..
Flexing this Two animal mang tawagin pero kapamilya naman kung ituring .. Parang ang ganda ng kanilang samahan kahit magkaiba sila . Parang nag reremind sa akin na Dapat walang pinipili ang pag kakaibigan dapat lahat pantay ang trato at dapat may pag mamahalan .Para di nagkaka problema .. kapag nasa ayus ang samahan walang walang away Dapat din pantay ang pag trato saknila para walang inggitan . Ha ha ha .. Cooking time na
Almond nuts para bloated na tyan at di regular na mag poops ..😅 Habang wala akong pupuntahan kakain ako nito mga sampong nuts sa isang araw .. Pantulong para malinis ang aking bloated na tiyan .Marami din benefits ang almond nuts Pinababa ang bad cholesterol , pinigilan din ang cancer dahil may fiber na nag dedetoxifying sa katawan , protekta din laban sa diabetes .. nagpapalakas din ng ating energy , antioxidants din at Vitamins ng utak .. at marami pong iba na benepisyo…
Good morning squads .. Maagang uumulan , kung kelan naka set na ang mga schedule saka naman nag kaka ganito ang panahon . Dati Sa hapon lang aNg ulan ngayun maaga na paano naman kaya mga naka motor ng Single . Tapos sa July 3 pa mandin schedule na mag bebeach kami naka settle na yun eh .Nabayaran na rin ung Sasakyan at driver .. Handa n ang lahat nag aantay nalang ng Petsa .. Sana malusaw na bagyo ..