Naga Ecology Park. ( Eco PArk) Isa sa mga Pasyalan sa Naga city. Kung gusto mung malayo muna sa maiingay na lugar. Magkaroon ng time magmuni-muni, dahil napakatahimik na lugar ito. Puro mga nagluluntiang mga halaman ang makikita mo dito, may mga ibat-ibang mga halamang namumulaklak. Ma aamaze ka din sa kanilang maze.haha. Mga punong kahoy na tila kumakaway at sumasayaw sa ihip ng hangin. Masayang makakita ng mga pamilyang namamasyal dun, mga batang malayang nagkakapaglaro. May mga mag jowa na tila nasosobrahan na sa tamis. Kulang na lang langgam.haha. Ang lawak ng lugar, kaso hindi namin naikot lahat, kasi medyo umaambon kanina. Bukas kona sana ito iuupload. Kaso parang hindi agad ako nito makatulog. May party sa kapitbahay namin. Ang iingay nila, nagkakantahan sobrang lakas pa ng sound ng videoke. Huhu. Ang malala pa nito, ang room ko katapat kung saan sila nagpaparty. Hahahaha.. WALANG TULOGAN 😁
3 comments
Maganda to para maging isa muli sa nature habang nag a unwind.
Yup! Ramdam na ramdam ang nature dyan. Feeling ko nga, ako si Maria Makiling. Haha.
Si maria makiling? Kanta yan diva hahah di ko lang familiar. Ibang maria na kasi lagi kong naririnig. Maria marcedes ang pangalan nya 🤗 hh