Masarap maging bata At masarap din maging isip bata. Sobra akung na busy kanina ng dinala yung pamangkin ko dito samin kasi nasa school daw si mommy nya.Bored daw sya sa house nila sabi ng bulinggit. Haha.. Sobrang nagulo naman ang daigdig ko. Kasi once na nandito yung isa, kapag nalaman ng iba pang mga pinsan nya, nagsisipuntahan agad yan sila dito samin. As usual favorite hotspot nila ang kwarto ko.Haha.. Lundag here, lundag there. Takbo everywhere. May umiiyak kasi merong nagpapaiyak. Haha. May nagpapakalong sakin, Meron din nagpapansin.. Humihingi ng tubig ang isa.. Meron naman hinahanap ang laruan nya. Hindi kona alam ang aking uunahin.Huhu. Pero isa lang ang alam ko, kahit sobrang gulong-gulo na ako sige parin ako.Haha. Talo kopa ang may nursery school dito. May nagpapasama para mag pee, may nagpapasama din para mag-poop.hahaha. Ganyan magmahal ang isang Tita o Auntie. Parang pusong ina din talaga. Hindi nga lang ikaw ang nagdala at nagluwal sa mundong ginagalawan nila. Pahabol-Mabuti na lang at may pambawi sa pagod ko....haha. Ayan pasalubong ng kapatid ko, Paparapapa... Love ko ito 🍟🥤🧆 Ysa19-🌺
No comments yet