read.cash Log in
@Ysa19 more from that month

Mourning Thoughts 😭 Bago ako natutulog, ipinapanalangin ko Kay GOd, na bigyan pa sya ng chance na mabuhay. Pero kahit anung dasal pala ang ating gawin, kapag oras na oras na talaga. Wala na tayong magagawa pa. At ito maagang pumasok ang kapatid ko sa kwarto ko, Dala ang napakalungkot na balita. Tuloyang ng namaalam sa Mundo ang bayaw ko 😭 Kaya pala kagabi, kahit pinipilit kung makatulog, ay hindi ako makatulog, puro mukha nya Ang nakikita ko, yun pala ay namamaalam na sya, around 3 am, tuloyan na ngang nawala ang bayaw ko 😭 Sa isang iglap lang, yung nakikita kung very strong person,very hardworking, Very good provider man, At sobrang magmahal sa kanyang pamilya ay maaga palang mawawala sa mundong ito. Kaya pala lahat na kaya nyang ibigay sa mga anak nya, basta kaya nya, ibinibigay nya. Alam ko ang dami nya pang pangarap sa tatlo nyang anak, ang dami nya pang gustong gawin para sa future ng pamilya nya, pero Wala na, at hindi nya na magagawa pa 😭 Ang sakit, parang sinasaksak ang puso ko, sobra akung naaawa sa mga pamangkin ko, mga Papa's Girl and Papa's boy sila kasi." sabi ng isa,, Paano na kami at wala na si Papa?Masakit at mahirap tanggapin .... But I know life must go on.. Wala na syang pain na mararamdaman at makasama nya na si Mama and Papa In heaven 😭

9 comments

Log in to join in Reading is open to everyone. Replying needs an account.