Tamang Pahinga sa lilim ng Accasia Tanghaling tapat naman kasi. Kaya tamang pahinga din ang mga rider's sa lilim ng punong Accasia. Pero bakit ni isang tao ay wala kayong nakikita? Kasi nandun po sila sa may Eatery ng kapatid ko.hehe..Humihigop ng mainit na sabaw ng paksiw at bulalo.. Ang init-init pero yun ang kanilang trip. Kasi sabi nila mas masarap sa pakiramdam kapag napapagpawisan ka..Nakakabawas daw pagod. By the way, nung isang araw, kwento lang ako sainyo. Haha. I'm sure may magsasabi naman sakin nitong suplada. Hahahah... May pumasok na mga customer's habang nakatambay ako sa kainan. Tapos habang papasok yung isa, nakita nya ako..Sabi nung lalake sa kasama nya, dito tayo umopo kasi may dalaga. Ang tinutukoy nya ay ako. Dun nga sya pumunta sa table kung nasan ako at umupo sya sa katabi ng upuan ko. Ako naman sa Isip ko.. Hmp! Ang daming table's at ang daming upuan at dito pa talaga sakin! Tiningnan ko lang yung lalake at sabay tayo papalayo dun kung nasan sya.haha.. Napahiya yata ang lalake, kasi deadma ko lang yung sinabi nya...Kung kakain kasi, kumain lang, hindi yung kung ano-ano pang sinasabi. Kung gusto nilang may mag entertain sa kanila dun sila sa may ibat-ibang kulay ng ilaw. Haha.. Ysa19-🌺
15 comments
Ahahahaha tama lang po yan ate ! Pwede nga naman kasi kumain lang, dami pang kaeklatan eh, pati nananahimik na ikaw eh nagagambala pa hahaha. Happy Sunday po!
Kaya nga, pagtingin nila siguro sakin ay ulam. Hahaha... Joke! Happy sunday din sayo.. And happy lunchtime narin 😁
Hahahahah kung ulam ka, ano ka🤔😅 Tapos na hehehe nakakagutom pag walang breakfast 😅
Bulalong malaman. Hahaha.. Dapat may breakfast ka palagi. Mahirap ng over used ang utak tapos walang laman ang tiyan. Heheh.. Lalo kang magiging sexy nya.
Hahahha bakit naman po naka emphasize yung malaman😅 eh mukhang slim naman po kayo. Ahahaha nakaka tuyot nga po eh, pero ayon, sanayan nalang minsan😆
Sana sinabi mo pwedenpo tumabi tapos kwentuhan kayo hihihih...
Ngek! Anung kukwento ko sa kanya? .Mapagkamalan pa ako nun entertainer.haha..eww..
Nyeeee kwentuhan so kayo dalawa maguusap.. porket ba kinauaap ka entertainer na . Hahaha takot sa tao..
Hahahah. Minsan nakikipag-usap naman ako sa iba. Kaso ikaw ba naman bigla kana lang tatabihan na hindi moman lang kilala. Hehe..
On nonmaman masama.. lahat naman nagsisimula as strangers ahahhaa.. apaka suplada naman
Kahit ikaw makita ko sa personal. Hindi kita agad kakausapin. Haha. Pero hindi naman ako suplada. Hehe.
Ano tawag dun sa si agad kkaauaapin ahahaha.. e di ganun din yun..
Syempre alangan pa naman kasi. Pero madaldal din kapag Nasanay na.. hahaha..
Suplada tawag dun.. yung wait mo magsalita yungnisa o di papnsinin kasi di ka pinpansin or iiwas sa tao hahahaa..
Alangan naman magdaldal kana, hindi mupa naman kilala yung tao?. Haha..