Feeling Alone? Sometimes ganun ang feeling ko. Bigla na lang akung malulungkot and nag-iisip ng kung ano-ano. Minsan nakatunganga lang at walang ginagawa. Minsan kasi pakiramdam ko nag-iisa lang ako. Aside from my families. No one cares for me.... ( Nobela) haha.. Aba, ano-ano naman itong sinasabi ko! Sa totoo lang, I'm not feeling well today, simula pa ito kagabi. Masakit ang ulo ko at masakit ang sikmura ko at umiiyak ang ilong ko 🤧 Ito na yata yung results ng kumain ako ng ice-candy nung nakaraang araw. Hindi kasi talaga ako sanay sa malalamig na inumin o kaya pagkain, samahan kopa ng sobra akung magbabad sa tubig kapag naliligo. Siguro nung unang panahon isda siguro ako o kaya sirena sa dagat? Hehe.. Pwedi rin shokoy?.haha.. Ay ewan! Para hindi ako mabored dito sa bahay, Kasi wala naman yung mga kasama ko. Para malibang ako, pinalitan ko yung halaman na nalanta na dahil sa init ng panahon. Ilang months narin syang nasa kwarto ko, kaya ayon namatay na ang halaman and super dry na pati yung lupa. Para maging fresh ulit ang loob ng kwarto ko, kaya ito nagtanim ulit ako ng halaman. Family yata sya ng snakeplants. Maganda daw merong tanim na halaman sa kwarto. Nakakarelax sa isip at bukod dun, nakakarelax sa mata. Ysa19-🌺
2 comments
Bat ang daming bato onbuo buong soil. Tanggalin mo yung mga yun if need bungkalin bungkalin ahahaha. Hoy bakit ka umeemo. Ahahaha.. ano problema?
Naging bato na yung lupa. Sa sobrang tagal na hindi ko pinansin. Kawawa naman kaya namatay ang halaman. Emo?. Dala lang siguro ng lagnat ko kahapon. Haha.. kaua kung ano-ano naman nasa isip ko.