read.cash Log in
@Ysa19 more from that month

Palawakin ang ating Imagination. Naiisip nyo ba ang naiisip ko? May Dalawang magkasintahan. Sinusuyo ng lalake ang kanyang mahal. Kasi nagkaroon sila ng konting tampuhan. Binigyan niya itong bulaklak. Pero yung babae ay nakayuko at hindi man lang tinitingnan ang mukha ng lalake. Babae - Hindi mo ako madadala sa bulaklak nayan. Kung talagang tunay ang pagmamahal mo sakin, Pumunta ka at umakyat sa bukid nayon.. bibilang ako simula sa Isa .... Lalake - Irog, para mapatunayan kung mahal nga kitang talaga, akoy pupunta na sa bukid nayon at kung hindi man ako makabalik sayo. Tandaan mung tunay kitang mahal at ikaw lagi ang aking iniirog habangbuhay. Segi simulan muna sa pagbibilang mula sa Isa aking Irog at akoy maglalakbay narin papunta dun. Simula ng maglakbay ang lalake papunta sa bukid nayon, Maraming araw ang hinintay ng babae, pero hindi na bumalik yung kasintahan nya. Kaya tuwing nakikita nya ang bukid nayon, ang laging nyang binabanggit ay, " Sya si Irog, sya si Irog At simula nun, tinawag na Ang bukid na Mt.Isarog 😁 Ito ay kathang isip ko lamang at Wala ito po itong katotohanan.haha.. Ang photos nyan ay kinuha ko nung pumunta kami sa burol ng bayaw ko. Abot tanaw kasi ang isa sa bulkan dito sa bicol na tinatawag na Mt.Isarog Magandang hapon mga ka noise. Medyo makulimlim ang langit ngayon., May konting pag-ulan din minsan. Mabuti din yan, para kahit paano maibsan ang init ng panahon.

4 comments

Log in to join in Reading is open to everyone. Replying needs an account.