read.cash Log in
@Ysa19 more from that month

Kung tayo ay matanda na, sana'y d tayo magbago Kailan man Nasaan ma'y Ito ang pangarap ko. Makuha mupa kayang, ako'y hagkan at yakapin? Hanggang sa pagtanda natin? Ito yung biglang pumasok sa isip ko kahapon, ng makita ko ang dalawang matanda na papasok sa Mall. Yung matandang babae ay inaalalayan ng kanyang asawa sa wheelchair at tulak-tulak nya ito.Pero napansin ko dun sa matandang lalaki, kahit sya din pala ay hirap din pala sa kanyang paglalakad. Pero kahit ganun, pilit nya paring tinutulak ang wheelchair ng kanyang asawa. Nakakatouch tingnan.. Pero at the same time, nakakalungkot isipin na darating talaga tayong lahat sa time na tatanda tayo at manghihina din.. Pero sabi nga sa kanta.. Sana hindi tayo magbago.. Yung pagmamahal na sinimulan nyo nung kabataan nyo ay hindi sana kumupas hanggang sa pagtanda nyo. Yung ang tunay na pagmamahal. Magsasama at magmamahalan hanggang sa dumating ang oras ng kanilang pagtanda o Dumating man na bawiin na ang kanya-kanyang buhay ng may kapal. True love's Never Ends... ♥️ Ysa19-🌺

No comments yet

Log in to join in Reading is open to everyone. Replying needs an account.