Dear Odette Hangin mo ay nagsisimula ng mangulit. Ulan mo ay minsan ay humahagupit. Baka pati yero ay Iyong ipilipit. Kahit bumaha man sa lansangan. Mga kahoy man ay magtumbahan. Tayo ay kumapit lang Dahil ang Diyos ay Hindi tayo papabayaan. Odette, Odette, huwag ka namang makulit. Kasi Pasko na ay papalapit. Pasko namin dapat maging masaya. kaya sana huwag mung ipagkait yan samin ha. Happy hapon mga ka Noise. Malamig at medyo may pag-ulan na samin.Under signal number 1 na ang Bicol Region. Sana naman saglit lang magparamdam si Odette. Keepsafe Everyone and love Love lang ♥️ #IheartNoise
15 comments
Pasalamat na talaga tayo at di ang Bicol yung tinumbok ni Odette... Pero kawawa rin talaga yung mga nasa Visayas na mismong dadaanan niya. For sure maraming mapipinsala, pagpray na lang natin safety nila at ng lahat na affected.
Takot na daw kasi satin ang bagyo. Kasi mga uragon tayo. Hehe. Pag-ulan lang daw ang mararanasan natin dito. Pero kawawa nga yung mga affected place like Visayas..
I think mamaya or bukas we will experience a bit of a strong wind rin eh. Napakalawak ng bagyo. Hahaha Pero tama ka, siguro natakot na rin o kaya nadala na ang bagyo saatin. Try naman daw niya bumisita sa ibang place.
Sabi nga kadtong blogger na half bicolano yata ito. Bagyo ka lang, mga uragon kami. Kaya siguro natakot ng mag-agi sato ang bagyo. Haha.
Ahahhaaha may paheart heart pa ahhahahaa.. well sana nga di maayado malakas si odette
Pamangkin ko ang may gawa nyan. Hehe.. Kamay nya yan
Ahahahhaamagsama kayomg mga cheesy nyahahaha
Ngekk! Alam kasi nila yan, kapag sinabi naming heartheart baby. Alam na kung anung gagawin. Okay lang maging cheesy, huwag lang maging corny 😁
Sana sis marinig ni odette ang panalangin natin
Sana nga sis. Kasi kawawa naman ang mga affected areas. Lalo na yung mga bahain na lugar, malapit sa landslide.
Kya nga sis hay naku sana tlga umalis na agad sya
Magaling kadin pala mag multi hhehh Talented
Salamat! Pero hindi naman. Haha. Kunga nung pumasok sa isip , yun na yun.. hehe.
Ganyan din ako minsan eh haha mag ka rhyme lang.
Hahaha. Minsan nakakalibang din kasing mag-isip kung anung rhyme ang magkatugma at magkakatunog.