read.cash Log in
@Ysa19 more from that month

Traveling to Legazpi City Sana maging maayos ang panahon ngayon. Biyahe kami ng mga kapatid ko and isa kung pamangkin na bulinggit.Pupunta kaming DFA para magrenew ng passport. Iiwan kona ang pinas.haha. Baka dun sa ibang bansa matagpuan kona ang matagal kung hinihintay na si Mr.Right pwedi rin si Mr.Left..haha.. Sobrang init na kasi dito sa Pilipinas, Gusto ko din maranasan kung paano mabuhay ng napapaligiran ng snow para magaya ko din si Frozen sa pagkanta nyang Let it go...Let it go..haha. Seriously speaking, Pupunta kami dun para mag renew ng passport ng kapatid ko and anak nya. Before Pandemic kasi ay nakaayos na talaga ang mga papers nila traveling to canada na sila para sumunod dun sa asawa ng kapatid ko which is dun nagwowork. kaso timing naman na nagsisimula ng kumalat ang COVID-19 virus.kaya nagdecide silang huwag na lang tumuloy papuntang Canada. Sayang ng oras at perang nagastos nila sa pag-asikaso ng mga papers. Pero wala namang magawa. Kisa naman health ng mag-ina ang nakasalalay sa kanilang paglalakbay. Kaya ito,medyo mabuti narin ang lagay ng mundo at humina na ang virus na COVID,, Hopefully wala ng maging sagabal sa pagpunta nila dun. Super excited na ang pamangkin kung makasunod kay Daddy nya, Kapag tinatanong namin sya bakit gusto mung pumunta dun? Ang sagot nya samin, magvvlog daw kasi sya.haha.. Tanong namin ulit sya.. Anu naman ang content mo? Ang sagot samin, i vlog nya daw yung mga niluluto ng daddy nya, kasi nagwowork dun ang daddy nya as chef. Grabe talaga ang influence ng YouTube.Kahit batang paslit marunong ng mag-isip about vlog nyan at content nyan.hehe.. Minsan magkukwento sya... About kung ano-ano... Tapos bigla syang hihinto sa pagsasalita at sasabihin... "A few minutes later." Hay naku! Hehe.. Napahaba naman tuloy ang kwento ko, mamaya na lang po ulit at baka mahilo ako katitingin sa phone ko. Hahà. Ysa19-🌺

2 comments

Log in to join in Reading is open to everyone. Replying needs an account.