What's up mga ka Noise? Yung hindi pa naghahaponan dyan, kain muna kayo. Baka malipasan kayo ng gutom, kayo rin haha. Ngayon lang nakapagpost, medyo masama lang ang pakiramdam ko. Dahil siguro sa malamig na panahon, ayon parang ako'y lutang. 😅 Share ko lang yung nangyari kanina. Habang nag Nap ako, bigla akung nagising sa tunog ng phone ko. May parcel pala ako from shopee. Katok daw ng katok yung taga J&T express pero walang bumubukas sa pinto namin. Kaya ayon, tinawagan ako. Dahil sa Kagigising ko lang, dali-dali akung kumuha ng pera na pambayad sa kanya. Tapos ng binibigay kona sa kanya ang pera, hindi nya sakin kinuha, sabay sabi nya sakin " Ma'am bayad muna nyan 😅 Nakalimutan ko hindi pala yun cash on delivery, bayad kona nga pala yun from shopee wallet ko. Mabuti na nalang at may mga honest paring tao. Kaya salute ako sa mga taong honest. Hindi marunong mang lamang sa kapwa. 😀 Pagpalain sana yung delivery man from J&T Express at sana gabayan lagi sya ni God sa araw-araw nyang pakikibaka sa kanyang trabaho.
Log in to join in Reading is open to everyone. Replying needs an account.
2 comments
Naalimpungatan ka kasi ahahaha
Hindi ah, kaninang kausap kita. Medyo masama na talaga ang pakiramdam ko nun. 🙂