Heavy traffic is a real. Haha.Kailangan nyong magbaon ng maraming pasensya. I took that photo last December 21, ng papunta kami sa Christmas Village in Capitol near ( CWC ) Mas marami pa ang time na naspend namin sa kalsada kisa sa pagstay dun sa Christmas Village. Balik na talaga sa normal ang galaw ng mga tao ngayon. Parang limot na nandyan parin si COVID-19, Pero sana tuluyan na talaga syang mawala. Very abusive na sya, 2019 nandyan na sya mag 2022 na kaya. Haha. Kumusta na kayo mga Ka Noise? Nakapag-shopping naba kayo? Nakapamili naba kayo ng handa para sa Pasko? Kasi kami hindi pa. Hindi kami naghahanda sa Pasko, tamang simba lang kami at kasunod nun, tulog na. Haha. Newyear kasi kami nagkakaroon ng konting salo-salo. Palitan ng mga regalo, konting palaro para sa mga bata. Yun lang, simpling celebration lang basta sama-sama ang buong Pamilya. ♥️
6 comments
Aba panay ang gala ng bente.. nagyratrapik din pala dyan ahahahah
Sobra! Parang sa Manila narin. Dami ng sasakyan.
Rush hour kasi. Madaming tao nag preprepare for christmas. Madaming tao ang palakad dito lakad doon, bili dito bili doon. Ganun talaga.
Hindi nga sila naglalakad, nakasakay, kaya traffic. Hahaha. Just kidding. Sana all ano,may mga pang shopping 😀
Sana all may christmas bunos hahaha Yung akin nahawakan ko lang saglit hahah nasa partner ko na pag uwi.
Ayos yan, para sa baby nyo naman yun. Haha