read.cash Log in
@Ysa19 more from that month

Happy Father's DaY? Paano mo masasabing happy Father's Day kung yung father mo ay wala na dito sa mundo natin? Ito yung masakit sa katotohanan na nararamdaman ng mga anak. Kapag yung ama nila ay hindi na nila kasama na mag celebrate ng father's Day. Ito yung kasalukuyang nararamdaman ng mga pamangkin ko ngayon. Naabotan namin sila, na pinapanood yung mga videos ng kanilang Papa nung nabubuhay pa. Malulungkot sila, umiiyak. Sa unang pagkakataon kasi, ngayon yung hindi na nila makakasama si Papa nila. Morethan two months narin kasi, simula ng pagkamatay nya. Alam ko ang sakit, ang lungkot talaga para sa kanila na wala na yung Papa nila. Kasi ako nga, bayaw ko lang yung namatay. Hanggang ngayon, nalulungkot parin ako kapag naaalala ko sya. Gaya nung napadumaan kami dun sa cemetery na kung saan sya inilibing. Sobra akung nalungkot habang tinitingnan yung cemetery nayon. Along the highway lang kasi. Sabi ko sa mga kapatid ko, nandun si bayaw, at kahit sila biglang natahimik, habang tinatanaw yung cemetery Ang hirap talagang mawalan ng mahal sa buhay. Lalo na, kung sobrang napaaga yung kanyang paglisan. Masakit tingnan yung mga pamilya nyang naiwan. Kahit kinakaya nila ang buhay na wala na ang Ama na nila. Pero nandun parin yung lungkot na nararamdaman naman nila. Alam ko malalampasan din nila yan. Nakakaawa lang kasi mga bata pa sila. Nasanay lagi sa pagmamahal ng kanilang Ama. Sabi nung isa kung pamangkin kay Mama nya... Mama bili kang cake bukas, para kay Papa, kasi father's Day na bukas. Nakakadurog puso ng marinig ko yun. kaya hindi ko maiwasan umiyak kagabi. Yung isa naman, bonding time nilang mag-ama ang Tiktok.. Sasayaw-sayaw sila dun. Pero kagabi, may senend syang video na sumasayaw sya, pero tanging picture na lang ni Papa nya ang yakap-yakap nya. Kaya hindi namin maiwasan mag-iyakan kagabi. Kaya kayong mga nabubuhay pa ang inyong mga mga magulang. Mahalin at alagaan nyo ang mga Ama nyo o kaya Ina. Kasi hindi natin alam kung kailan lang sila mananatili sa mundong ito. Hindi man masuklian ang kanilang mga sakripisyong binigay nila para sainyo. Kahit 90% na pagmamahal man lang ay maibigay o maipadama nyo sa kanila. Kayo na lang bahalang magconnect ng larawan sa post ko..hehe By the way, Happy Father's Day po sainyong lahat.. Ysa19-🌺

9 comments

Log in to join in Reading is open to everyone. Replying needs an account.