Biyaheng langit Kanina yung libing ng bayaw ko. Ang daming nakipaglibing sa kanya. Palibhasa malaki ang pamilya nya. at the same time, nasa politics kasi ang Tito ng bayaw ko. As usual bumaha ng mga luha. Hindi lang sa pamilya nya pati narin sa mga kamag-anak at mga kaibigan nya. Pinipilit ko sanang pigilan ang sarili kung hindi umiyak, pero hindi talaga mapigilan. Lalo ng makikitang mung nag-iiyakan ang lahat at makita mung pinipigilan ng mga pamangkin ko na ipasok yung kabaong ng Papa nila sa nitso. Yakap-yakap nila ito. Durog na durog ang puso ko habang nakikita ang eksenang yun. Pero yun nga, hindi pweding ang ganun, kaya inin-courage na lang namin sila na tanggapin na ang lahat para tuloyan naring makabiyahe papuntang langit ang Papa nila. Nagwork sya sa ibat-ibang company as a driver. Sa langit pwedi nya na doon, ipagpatuloy ang kanyang pagmamaneho. Doon hindi na sya makakaramdam ng pagod at sakit ng katawan. Wala na syang usok na malalanghap. Wala ng sagabal sa daan. Wala ng traffic na mararanasan at doon nya matatagpuan ang liwanag at kaluwalhatian na walang hanggan. Salamat pala sa inyong lahat mga ka noise. Sa lahat na nakidalamhati sa pagkamatay ng bayaw ko 🙏 I want to share this song by: JoshGroban To where you are https://youtu.be/tTdqdOC2DtI Ysa19 🌺
6 comments
ayun i am sure nasa maganada na syang lugar.. and nandun sa para gabayan mga naiwan nya dito... may nabasa nga ko.. mas malawak ang langit kesa sa lupa.. kaya if maraming problema.. nandyan ang langit.. maraming solution
Kaya nga, rest in paradise na sya.
Ang lungkot naman sis, parang randam ko ung pain😌
Sobra sis, lalo na kung nandun ka kanina.
Our condolences dear, yes, death causes pain and sadness to the family of the deceased
msakit makakita ng ganyn..sobra..huhuhu..