read.cash Log in
@Ysa19 more from that month

Noise Flash Report 📺 Sa ulo ng aking balita. Dalawang cellphone ang nanakaw sa may isang kainan sa bicol, kaninang mga bandang mag ala-una ng hapon. Habang abalang-abala ang may-ari ng kainan at mga alalay nila sa pag-aasikaso ng mga customer's May isang lalake daw, ang pumasok para bumili ng mineral water. Agad naman nila itong binigyan. Pero ilang minuto lang, napansin ng isang alalay nila na yung mineral na binigay nya dun sa lalake ay hindi naman kinuha at nakita nya daw, tumatakbo ng papalayo ang lalake. Sakto naman yung isang alalay, hinahanap nya yung cellphone nya na pinatong nya sa tabi ng television at kasama pa yung isang cellphone ng isang kasamahan nya. Dahil sa maraming customers dun lang nila naisipan na ilagay ang mga cellphone nila at nakasanayan narin kasi nila dun lang nilalagay. Maraming labas at pasok na mga customer's sa kainanan pero kanina lang nangyari yung may nagka-interest na manguha ng hindi naman sa kanila. Kaya dapat pasiguro talaga tayo sa lahat na bagay. Hindi natin alam kung sino ang mga dapat pagkatiwalaan. Dapat maging alerto tayo. Hanggang sa muli po, Ysa19 nag-uulat Muling magbabalik ang Noise Flash Report Pagkalipas ng isang oras 😀 Ysa19-🌺

No comments yet

Log in to join in Reading is open to everyone. Replying needs an account.