read.cash Log in
@Ysa19 more from that month

Sa aking Minamahal Sa araw-araw nais sana'y ikaw ay matanaw. Taglay mung kagwapohan,nais ko'y masilayan. Matatamis mung mga ngiti. Tingin mo'y nakakabighani. Katawan mo'y anung kisig, porma mong Talo pa si Lito Lapid Mga ala-alay natin ay nakaukit na sa puso ko. Hinding-hindi ito mawawaglit sa ala-ala ko. Ikaw ang una lalaking minahal ko At mamahalin pa habang nabubuhay pa ako. Tunay na hindi masusuklian, Ang iyong mga ginawang kabutihan. Kahit man ikaw ay nahihirapan, Pilit mu kaming binuhay sa marangal na pamamaraan. Hanggang sa huli ng iyong buhay. Ang iyong kamay sa akin ay nakaakbay. Kahit ako man ay nahihirapan,pilit parin kitang inaalalayan,masuklian ko lang ang iyong kabutihan at para maipadama ko sayo ang aking pagmamahal. Hanggang umabot na sa oras,na ikaw ay mamaalam. Pilit kopa ring dinadaya ang aking isipan,O anung sakit sa pakiramdam na ikaw pala ay tuluyan ng lumisan. Mahal kung Ama, tandaan mo mahal na mahal kita. Kahit saan kaman naroroon ngayon laging kitang naaalala. Ikaw ang isa sa nagbigay sakin ng buhay. Buhay na hanggang ngayon ay taglay. Kaya pinapangako kopo sayo, Hanggang sa huli ng buhay ko, mananatili kayo sa puso at isipan ko, kahit pa dumating ang araw na bawiin narin ang buhay ko, at sa iyong bagong mundo ay magkakasama na tayo ♥️ #LetterSendFromHeaven #GoneButneverforgotten #PapasGirlForever #PapasDeathAnniversarynov29 #randomThoughts

No comments yet

Log in to join in Reading is open to everyone. Replying needs an account.