read.cash Log in
@Ysa19 more from that month

Kung Pwede lang sana Kung pwedi lang sana sakit mo ay akin na. Para maibsan ang sakit na iyong nadarama at ng buong pamilya. Sa tuwing nakikita kitang lubhang nahihirapan na. Parang ang puso ko ay unti-unting tinutusok Sinasaksak at hinihiwa. Sabi mo sa amin ay hindi muna kaya at Wala ng Pag-asa pa. Parang kang unti-unti ng nauupos na kandila. Mga pagpatak ng luha namin ay hindi napipigilan,,Pero bukang bibig namin ang binabanggit,,cge pa kaya mo yan bayaw laban pa,,,laban lang 💪 Bakit ba kasi kailangan mangyari yan. Sana dun na lang sa mga taong mga makasalanan at tunay na cancer ng lipunan. Bakit ba dumadapo sa mga taong nagtatrabaho at gumagawa ng marangal. Para maibigay lang ang pangangailangan ng kanyang pamilya na pinakamamahal 💔 #Ysa19thoughts 🤔 #dewdrops #tearsFromheaven

No comments yet

Log in to join in Reading is open to everyone. Replying needs an account.