FOCUS and CONCENTRATE Yan ang natutunan ko sa larung sandok-sandok.Yan palang two secret weapon para maging matagumpay ka sa gusto mung maabot o makuha. Sobrang enjoy kanina habang naglalaro kami nyan. Akala ko hanggang panood na lang ako sa kanila habang nilalaro yang sandok-sandok. Sa madaling sabi napilitan akung sumali kasi ako na lang ang hindi pa nakakapaglaro nun, ayon hindi parin makuha-kuha yung big amount. Kaya cge na nga try ko din, hahaha! Ang ginawa ko ay nagfocus and concentrate lang ako and relax lang, Hindi ko pinapansin yung mga sinasabi ng nakapaligid sakin. Kasi kung papansinin mo sila,ma di distract ka. First try, wala akung nakukuha.haha. Hanggang sa ikalimang sandok ko, ayon nagsisigawan na silang lahat akala ko puro lang kalokohan na may nakuha na ako. Nagpapalpakan na sila, finish na daw, kasi naubos kona palang masandok yung malalaking amount na nandun. Haha. Ang saya-saya sa pakiramdam. Hindi dahil sa nakuha ko yung big amount, masaya kasi kahit sa simpling laro lang ay hatid nun ay ligaya na hindi ito kayang tumbasan ng kahit anu pang malaking halaga,lalo na at kasama mo ang iyong buong pamilya. Magandang gabi mga ka Noise. Kayo po, kumusta ang naging celebration nyo ng newyear?
Log in to join in Reading is open to everyone. Replying needs an account.
5 comments
Wow nice balato ko nyahahahaha
Hindi ko akalain ako yung makakasandok ng marami dun. Hahaha. Firstime ko lang sumali sa ganung games. Ang saya.. haha
Yep sa kaka focus ko, 20 pesos lang nakuha ko hahaha
Atleast may nakuha ka, kahit 20 pesos lang. Haha.
Oo nga eh hahaha Laki nga ng smile ko nun hahaha kasi yung iba walang nakuha .