Only in my Dream Napanaginipan ko si Mama. Nasa isang lugar ako, na ang nakapaligid sa akin ay puro mga salamin. Tapos nakita ko sya sa labas kung saan naroroon ako. Nakita ko syang umiiyak. Sabi ko sa sarili ko, parang si mama yan? Pero may halong takot ang naramdaman ko sa kanya. Kasi ang alam ko patay na sya. Pero kahit ganun, tinanong ko sya, Mama ikaw ba talaga yan? Bakit ka umiiyak? Sumagot sya sakin,, Oo ako ito si Mama mo, umiiyak ako kasi miss na kita, miss ko kayong lahat na mga kapatid mo. Gusto ko syang hawakan, at sya din, pero hindi namin magawa, kasi may nakaharang sa aming wall na salamin.. nag-iiyakan kami .. Sabi ko sa kanya, Mama kumusta kaba? Sagot nya sakin, nasa mabuti akung lugar, maganda ang buhay ko, nakatira ako sa napakagandang tahanan na puro puti ang makikita mo sa paligid. Huwag kang mag-alala lagi ko kayong gagabayan ng mga anak ko at nandito lang ako lagi para sainyo. Gustong gusto ko syang yakapin, pero hindi ko magawa, tanging hinahaplos ko na lamang yung salamin na kung saan naroon sya.. Hanggang nagising na lamang ako na umiiyak kanina.. Umiiyak pero may halong saya ang naramdaman ko.kasi muli kung nakita si Mama. Kahit sa panaginip lang yun, pero buhay na buhay sya. Mahal na mahal ko si Mama. Simula ng mamatay sya, yung picture nya, ang ginawa kung cover photo ko sa Facebook. Para Everytime nag-oonline ako, parang nakikita kona rin sya palagi. Wala talagang makakatumbas sa pagmamahal ng isang ' INA, na kahit nasa kabilang buhay na sya, pinaparamdam parin nya sakin yung pagmamahal na kahit sa isang panaginip na lang ♥️ #randomThoughts
11 comments
Masayang panaginip.. na dapat walang halomg lungkot at emo.. sinsabi siguro nya wag ka magaalala ok ako.. kaya dapat kayo din... Magasawa ka na daw ahahahahaha
Masaya nga talaga kasi nakita ko ulit si Mama. Oo, ganun siguro ang gusto nyang iparating sakin. Huwag akung malungkot kasi nandyan syang nagmamahal sakin, ang lungkot hindi mo maiwasan yan, kasi part of emotion yun. Hindi pweding lagi na lang tayong nakatawa! Ano yun, loka-loka lang? Hmm! Hayaan mo kapag yumaman ako, bibili agad akung mapapangasawa ko, at Pm kita agad. Hahahahuhuhahaha!
Waaaaaaaaaaaaa gurabi.. tulungan kita bumili.. magkano commision ko?
Kahit 80% sapat na siguro yun sayo. Mag ggrind muna ako 24 hours para makaipon. Para mapabilis ang pagyaman ko.
Ahhahaha s8ge paghusayan mo agahahaha gurabi laki ng commision a
Ayaw mo nun? Hahaa.. Instant money ka.
Gandang Araw pooo, ang peaceful po kapag ganyang dumalaw sa panaginip yung taong gusto mong makita kahit saglit. Kahit ganun na may lungkot kasi sobrang miss mo na, sa panaginip lang okay narin, nakaka ginhawa. Happy Sunday ma'am.
Yes, Dinadalaw nya parin ako sa panaginip, kaya kahit papano masaya ako kahit hindi maiwasan na hindi makaramdam ng lungkot.
Gusto ko rin madalaw ng lola ko hihi. Since naospital at umakyat sya, diko na siya nakita ulit ngumiti.
Hayaan mo, mamaya dadalawin ka daw ng lola mo. Mga 12 midnight yun, Abangan mo ha. Haha
Halaaaa hahahahahha naway tulog ako nun. Kaso mukhang malabo po hahahha