NoiseCash Salamin ng Buhay. Ibat-ibang klase ng tao ang inyong makikita. Ibat-ibang pag-uugali ang inyong makakasalumuha. May nakangiti at meron ding nakakubling lumuluha. May mahirap at may mayaman. May mga propesyonal at may mababang pinag-aralan. May masungit at may mamabait May laging nakangiti at meron ding pilit. Merong magaganda at meron ding naggwagwapohan. Pero para sakin ay ito y panlabas lang na katangian. Kasi ang tunay na kagandahan nasa ating puso mahal kung mga kaibigan. Pero dahil sa NoiseCash lahat tayo ay pinag-isa. Kahit nasan man dako tayo Ay pinagsama-sama. Ibat-ibang lahi at Ibat-ibang mga salita. Pagmamahalan at pagdadamayan ang pinadarama sa ating kapwa. Sa lungkot man o sa hirap at ginhawa. May tip man o pusong wala ng tibok sabi nila. Dito ay marami akung natutunan. Mga kalungkutan ko ay napawing tunay. Napalitan ito ng kasiyahan. Dahil nandyan kayo aking virtual na mga kaibigan. Walang sawang pasasalamat. Ang akin ay ipapalaganap. Sana hindi kayong magsawa lahat. kahit man umabot sa puntong mawala ang lahat. Kasi ang tunay na halaga ay hindi matatagpuan lang sa pera. Bagkus dun sa ating mga puso na dito ay ating naipunla ♥️ Hanggang dito na lang ang aking akda.kasi parang O.A na ang dating sainyo o d kaya? Haha. #rainyThoughts #NoiseCash
2 comments
Hanep matalinhaga ahahahaha
Hahaha.. Dala ng gutom lang yan. 🤣