read.cash Log in
@YourHope

Tula ngayong gabi *May 3, 2022* *Martes* Tula ngayong gabi *Sa balkonahe nakatanaw,* *sa halaman din nakadungaw,* *kalaunan nakatulala;* *at sa taas nakatanikala .* *Kay tahimik ng gabi,* *at dampi ng hanging kay lamig,* *sa paligid nama'y nakamasid,* *iniisip ang mga bakit:* *bakit sa lahat akoy nagdurusa,* *bakit sa tuwina'y Pera ang problema,* *bakit nga ba sa balkonahe nag-iisa,* *bakit sa mundong ito ako'y tila nakaantala.* *bakit dasal ko'y laging na-aambala,* *hiling ko lang naman pamilya'y guminhawa,* *Nang makamtan ang buhay na maligaya,* *sapagkat matagal na silang nagdurusa.* *Ako man ngayon ay madaming iniisip,* *sa problemang pera ay sakin kumakapit,* *pangarap man ay nasa palad ng Diyos nakaukit,* *pananalig na ito'y makakamit,* *alam kong sa Diyos di ito ipagkakait.* Ikaw man ay nalulumbay at may panahong nag-iisa *sa Diyos ka tumalima dahil sa lahat ng bakit sa buhay, tanging ang Diyos lang ang nakaka-alam sa mga bakit.* *Mahal ka niya at tandaan na kailanman di ka niya pababayaan. Tayo ay magtiwala at laging manalig.* *Hayaan niyong dito ko tapusin Ang tula* *Sa malamig na gabi at muni-muni* *Sa pagkakataong mag-isa,* *Ang Diyos ay akin palang kasama.* Muli ang inyong lingkod, Hope Tula ngayong gabi Isinulat ni: Frustrated writer Hope

4 comments

Log in to join in Reading is open to everyone. Replying needs an account.