Yen halika may sasabihin kami. Sabi ni Shar na parang ligayang ligaya sa sasabihin sakin. Alam mo ba na crush ka ni Kim Chui? Sinong Kim Chui? Tanong ko sa kanya at takang taka. Yung bago nating kaklase , yung irregular. Wag nyo nga akong pagtripan. Saka bakit Kim Chui? Hahahaha Chinito kasi sya saka yung buhok nya bagsak parang sa shampoo commercial. Iniwan ko sila don at hindi ko pinansin yung sinabi nila sa akin dahil mukhang pinagtitripan Lang nila ako. At kung totoo man? Hay naku. Ang weirdo ng lalaking yon. Ni hindi nga nagsasalita o kahit ngumiti man Lang. Alam nyo ba kung ano yung itsura nya? Maputi syang lalaki na singkit yung mata. Sa unang tingin mapakakamalan mo syang Koreano dahil sa buhok at mata nya. Meron syang bilugan na katawan pero sakto Lang naman sa tangkad nya. https://read.cash/@Yen/at-oo-sya-din-yung-naging-first-dance-ko-2f67cf26#comment-9eb21b0a
1 comment
Nabasa mo article mo sis. Namis ko tulog pwede na pala mag post tagalog sa rc try ko nga ulit hihi