Good morning everyone 💚 isang mapagpalang umaga sa atin. Panibagong umaga ng pakikipaglaban at pagyakap sa mga shadows natin sa buhay. ( Aba may napulot ako sa article ni Jane haha ). Medyo maayos naman pakiramdam ko ngayon kasi kahit papano nailabas ko yung mga mabibigat na kung ano sa loob ko. At isa pang dahilan kung bakit gumagaan yung pakiramdam ko ay dahil din sa anak ko. Yung pagkagising nya ngingiti na sya sakin at yayakin nya ko at hahalikan. Kanina ayaw ko pa bumangon Sabi nya sakin " Mama wake up". Natawa nalang asawa ko kung saan Nya natutunan yon e haha.
Log in to join in Reading is open to everyone. Replying needs an account.
1 comment
Good morning po! Ang cute naman po ng anak niyo