read.cash Log in
@Yen more from that month

Yung maaga kang nagkapamilya tapos makakarinig ka ng “SAYANG”. Hindi ko magets yun. Bakit sayang? Nagkaanak lang naman ako. Ako parin to. Pareho parin ang goals ko sa buhay. Pareho parin ang mga kaya kong gawin.. ---- Bilang isa ina , alam ko kung bakit nasasabi ng ibang tao yung word na SAYANG dahil maaga nabuntis at nagkapamilya. Oo , ikaw padin naman yan. Pareho padin yung goals mo at kaya mo padin naman gawin pero magpakatotoo tayo na once na nagkaanak tayo mag iiba yung priorities natin. Let's say , bagong graduate ka palang at nabuntis ka. Ang daming mong plano sa buhay mo , tutulong sa family , magtatravel , mag eenjoy. E may anak kana? Kung tutulong ka man sa family mo hindi na yon full kasi may nakadepende ng bata sayo. Magtatravel ka? Sama mo baby mo sa mga travels mo o iiwan mo sa baby sitter nya? Mag eenjoy ka sa buhay mo ? pero bilang isang nanay ewan ko Lang din. Nagbuntis na ako 25 years old , kung tutuusin pwedeng pwede na yon pero when I gave birth to my son ramdam ramdam ko yung pagbabago Lalo sa priorities ko. Hindi na sya tungkol sakin e. Siguro same padin yung goals mo pero hindi na para sayo yun , para na sa new build family mo yun. Disclaimer : Ito po ay opinion ko lamang base sa aking karanasan.

2 comments

Log in to join in Reading is open to everyone. Replying needs an account.