Nung pagkauwi nya hindi ako nagsalita bagkus pumunta ako ng kusina at naghanda ng pagkain. Nung nakain na kami bigla nalang kaming nagkatinginan tapos bigla syang tumawa , tumawa na din ako pero yung tawa ko may kasamang luha. Ewan ko ba. Basta ganon Lang. Okay na naman kami. Alam ko habang nandon sya sa trabaho nag iisip din sya kasi pag uwi nya may dala syang pipino at lemon at after namin kumain binigyan nya ko nito. Buhay mag asawa. May hindi pagkakaintindihan pero pag ibig padin yung nananaig.
No comments yet