read.cash Log in
@Yen more from that month

Worth to read. Open rebuke is better than secret love. Proverbs 27:5 KJV Madalas na naririnig natin itong bible verse na 'to. Karamihan sa mga nakakabasa, hindi nakikita ang real essence ng verse na 'to, kaya naman marami sa mga tao na kapag pinakialamanan o pinagsasabihan mo, sa mga bagay na mali nilang ginagawa, sumasagot, pumapalag, at nagagalit, ang mas malala pa dito nagrerebelde sila. Basta hindi nakakakiliti o naaayon sa kagustuhan natin ang sinasabi nila, palaging magiging tingin natin sa kanila ay kaaway. The essence of this verse is to show a true love. Pero paano ba natin masasabi na mahal tayo ng isang tao at hindi lang kunwari na may concern sayo. Maipapakita natin ang tunay na love sa isang tao, kapag mahusay siyang magdisiplina ng pagkakamali. Kapag ang isang tao, nagtatama ng mga bagay na mali mong ginagawa. Kapag hindi ka, pinapabayaan na magtampisaw sa kasalanan. Kapag hindi niya ina-allow na mapagbigyan ka kahit kaunti sa mga gusto mo, kahit sabihin niyang isang beses lang.Yung matibay ang conviction niya when it comes sa truth. Kaya blessed ka, kapag may mga taong ganito pa sayo. Yung itatama ka kahit sa maliit na bagay, yung pakikialamanan ka sa mga bagay na alam nilang ikakapahamak mo. Sila talaga yung totoong mahal ka at sila yung totoong may concern sayo. Hindi lang sa panahon na okay ka, kahit sa panahon din ng pagkakamali mo, nandiyan pa rin sila para mahalin at itama ka. Kaya hindi kamangmangan ang pakikinig sa mga taong nagtatama sayo, pagiging matalino ito. Hindi ka nila sinasakal, dinidisiplina ka lang. Nakakaayos ng buhay at nagdadala ito ng tagumpay. Kaya kapag mahal ka, hindi yan sine-secret. Ipapakita niya. Ipapakita niya, ang dapat itama, dapat ayusin para mas lalo kang gumaling, gumanda at lumago. Pero kapag ang pagmamahal na yan, secret love. Hahayaan ka lang at hindi ka papakialamanan sa mga bagay na mali mong ginagawa. In short kokonsintihin ka, parang ganito okay lang na mapahamak ka o mamatay ka. A good friend will tell you when you have done something wrong. He will tell you even in front of other people. That is better than someone who loves you secretly. Proverbs 27:5 https://m.facebook.com/story.php?story_fbid=330944605112196&id=100045899761941

No comments yet

Log in to join in Reading is open to everyone. Replying needs an account.