Tumawag saken kanina si mama .. First time ko lang sa kanya narinig to. Anak pasensya na sa lahat ng nagawa ko sa inyong lahat. Sana mapatawad nyo pa ako kahit sobrang laki ng kasalanan ko sa inyo. Magtulungan kayong magkakapatid ha. Wag kayong magaaway. Alam ko kaya nyo na mga sarili nyo. Alam ko din na lumaki nmn kayo ng maayos. Kaya nyo na din nmn mga sarili nyo. Kaya nyo na na wala ako. Basta hindi ko kayo pinabayaan nung mga bata pa kayo. Itlog alam ko kaya mo na sarili mo saka si ate at si pate. Basta wag nyo papabayaan c utoy kahit pasaway, tulungan nyo sya. Basta magtulungan kayo. Hindi ko na alam kung saan ko lulugar sarili ko .. Habang pinapakinggan ko nga sya umiiyak lang ako. Hindi na ako nakapagsalita. Sobrang pagod na daw sya. Sana na nga mabilisan ung pag release ng bahay ko eh para naalagaan ko sya. https://read.cash/@Yen/its-painful-to-see-that-our-family-end-up-like-this-0b323cb0
Log in to join in Reading is open to everyone. Replying needs an account.
No comments yet