read.cash Log in
@Yen more from that month

Isa lamang akong tahimik na tao. Kapag sinabi kong tahimik ay hindi ako mahilig mangialam ng buhay ng ibang tao. May mga panahong madaldal ako sa mga taong kapalagayan ko ng loob ngunit ang aking pakikipagdaldalan ay hindi umiikot sa pangingialam sa buhay ng iba. Oo alam ko hindi maiiwasan na minsan pag usapan yung buhay ng iba. Sabi nga nila likas na daw sa tao yun pero sana kung pag uusapan man nating yung buhay ng iba ay hindi lamang puro negatibo at panghuhusga yung gagawin natin. Oo tama, minsan kasi kapag isa ka sa myembro ng mga tropa ni Aling Marites ay wala naman talagang dulot yung bunganga mo kundi puro puna sa kapwa mo kahit wala namang ginagawa sayo yung taong kinukwento mo. Yung feeling mo na alam mo lahat ng bagay, yung pwede kang manghusga na walang katapusan at kahit minsan hindi mo maririnig yung positibong komento sa kanila. Kahit yung tao nagsusumikap hihilahin padin nila pababa. https://read.cash/@Yen/kayo-ano-kwentong-aling-marites-nyo-c26f8a6a

1 comment

Log in to join in Reading is open to everyone. Replying needs an account.